1025 Mapanganib na Piging (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ikwinento lahat ni Xiong Ba ang mga ginawa noon ni Qu Xin Rui at umaasa siyang magiging dahilan iyon para umatras si Jun Wu Xie sa pagdalo. Dinala nila dito si Jun Wu Xie at ito na lang ang kanilang huling pag-asa para isalba ang Thousand Beast City. Hindi na kakayanin pa ng Thousand Beast City na madagdagan ang mga taong nawawala sa kanila.

 "Jun Xie! Huwag kang pumunta!" Magkahalong galit at pag-aalala na saad ni Xiong Ba.

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Kung hindi ako pupunta, papalabasin mo ba ako sa lungsod na ito?

Natigilan si Xiong Ba sa kaniyang kinatatayuan.

"Nakarating na sakin ang imibtasyon. Isang sampal sa kaniyang mukha kung hindi ako dadalo at hindi niya iyon papalampasin. Ang tanging magagawa ko na lang para manatili dito ay ang dumalo sa kaarawan niya. Kung hindi ko gagawin iyon ay mapipilitan akong umalis ng Thousand Beast City, mawawalan ng saysay ang pagpaparito ko." Saad ni Jun Wu Xie habang nakatitig kay Xiong Ba.

Napaupo si Xiong Ba sa upuang nasa kaniyang likuran. Hindi mailarawan ang kaniyang mukha.

"Tama ka. Hindi ka niya papalampasin kapag hindi ka tumupad sa kaniyang kahilingan. At para iligtas ka ay kailangan mong lisanin ang Thousand Beast City. Hindi mo...magagawa ang plano mo dito…"

"Wala siyang gagawin sakin---sa araw ng kaniyang kaarawan." Saad ni Jun Wu Xie. 

"Pupunta ka talaga?" Nag-aalala pa rin si Xiong Ba.

Tumango si Jun Wu Xie. "Sa araw ng piging, hindi ka namin la layuan ni Qing Yu. Para kung may mangyari man may magagawa kami kahit papano. Kapag mayroong mangyari sa araw na iyon, wala kaming magagawa kundi ang paalisin ka dito sa Thousand Beast City at hindi na bumalik pa kailanman." Malungkot na sabi ni Xiong Ba. Hiniling nilang sumama sa kanila dito si Jun Wu Xie para tulungan sila at hindi para magpakamatay dito. Kung hindi papayag ang kalangitan sa kanilang gustong mangyari, problema na nila iyon at hindi ni Jun Xie.

"Hmmm." Hindi naniniwala si Jun Wu Xie na may mangyayaring hindi maganda sa araw na iyon. Pumayag na lang siya sa sinabi ni Xiong Ba para kumalma ito.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Xiong Ba. Kahit na pumayag si Jun Wu Xie sa iminungkahi niya ay nag-aalala pa rin siya.

Pinagsalin siya ni Jun Wu Xie ng isang baso ng tubig at hinaluan niya iyon ng pampakalma. Matapos iyong lagukin ni Xiong Ba ay bahagya na itong kumalma.

"Mag-iingat ka pa rin sa araw na iyon. Hindi tayo nakakatiyak sa maaaring mangyari." Paalala ni Xiong Ba kay Jun Xie. 

"Oo." Pagsang-ayon ni Jun Wu Xie.

Parang naging isang matanda si Xiong Ba sa paulit-ulit na pagpapaalam kay Jun Wu Xie. Marami rin itong mga inihabilin. Nang maubos niya ang kaniyang iniinom ay saka pa lang ito umalis. 

Hindi gaanong nababahala si Jun Wu Xie sa imbitasyong iyon. Subalit ang Clan Chief ng Fiery Blaze Clan ay tiyak na aligaga at puno ng pag-aalala.

"Mukhang maganda ang iyong araw ngayon, Mistress." Saad ng itim na pusa habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Hindi mabakas ng itim na pusa ang malamig na personalidad ng kaniyang amo kaya naman parang gusto niyang pumalakpak dito.

"Talaga?" Wala namang maramdaman si Jun Wu Xie na kakaiba sa kaniyang sarili.

Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie at tumingin sa labas ng bintana. Natagpuan niya ang sariling may hinahanap na pamilyar na pigura ang lumabas doon at ngingiti sa kaniya.

[Siguro…]

[Magkikita na silang muli.]

avataravatar
Next chapter