1023 Mapanganib na Piging (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga sinabing iyon ni Jun Xie ay animo isang timbang puno ng yelo na bumuhos kay Qing Yu.

"Eh bakit ka niya pinapadalhan ng imbitasyon?" Tama si Jun Wu Xie. Sa lakas at katayuan ni Qu Xin Rui sa Thousand Beast City ay hindi niya na kailangang paabutin sa ganito. Higit sa lahat ilang araw na ang nakakalipas mula ng mangyari ang insidenteng iyon bago ito nagpadala ng imbitasyon dito.

"Siguro naisip niyang pwede niya akong magamit." Walang reaksyong sagot ni Jun Wu Xie. Hindi niya inaasahang magpapadala ito ng imbitasyon sa kaniya, ngayon ay hindi niya pa natitiyak ang dahilan sa likod noon.

"Kung gayon, ibig sabihin ba Young Master Jun, magpupunta ka?" Nag-aalala pa rin si Qing Yu tungkol sa ideyang iyon.

"Hulaan mo." Sagot lang dito ni Jun Wu Xie.

Kung hindi pa aalis si Jun Wu Xie sa Thousand Beast City, kailangan niyang sumipot sa selebrasyong iyon. Ngunit niya iyon gaanong pinag-aalala. Dahil kung gusto talaga siyang patayin ni Qu Xin Rui, sumubok na sana ito. Ibig sabihin lang noon ay walang balak si Qu Xin Rui na patayin siya sa handaan nito. At maaaring mabigyang linaw sa kaniya kung bakit siya nito iniimbitahan.

Matapos magmuni-muni tungkol sa sitwasyong iyon, natitiyak pa rin ni Qing Yu na mapanganib ang gagawing pagdalo ni Jun Xie. Kaya naman ay tumakbo siya kay Xiong Ba para ilahad dito ang tungkol doon.

Sa silid, tanging si Jun Xie na lang ang taong nilalaman noon. Nagsalin siya ng maiinom pagkatapos ay umupo.

"Young Miss." Biglang sumulpot si Ye Sha sa silid.

"Nitong nakaraang mga araw, mayroon pa rin bang nagmamatyag sa Fiery Blaze Clan Hall?" Tanong ni Jun Wu Xie. Nong gabing kainin ni Lord Meh Meh ang Devious Wyvern, agad napansin ni Ye Sha na mayroong umaaligid sa Fiery Blaze Clan Hall at agad nito iyong sinabi kay Jun Xie.

Naramdaman din ni Ye Sha na ang lalaking iyon ay nagtataglay ng purple spirit o mas mataas pa.

Simula noon, nalaman ni Jun Wu Xie na nakuha niya ang atensyon ng mga taga-Heavenly Cloud Chambers at si Qu Xin Rui ay nagpapadala ng tao araw-araw para obserbahan niya. Kaya nalaman niyang kikilos si Qu Xin Rui anumang oras.

"Hindi na sila muling naparito." Sagot ni Ye Sha.

"Natapos mo na ba ang pinapagawa ko?" Muling tanong ni Jun Wu Xie.

"Tapos na po. Makakasiguro kayo, Young Miss."

Nasisiyang tumango naman si Jun Wu Xie.

"Napag-aralan mo ba ang kapangyarihan ng lalaking nagpunta rito?"

"Opo." Sagot ni Ye Sha.

"Kung ikukumpara sa'yo?" 

Saglit na nanahimik si Ye Sha bago sumagot: "Makakaya ko po siyang itumba."

Ibig sabihin mas mahina ang kapangyarihan ng lalaking iyon kay Ye Sha.

Kahit na walang spirit power, ang kakayahan nito sa pakikipaglaban ay mas mataas sa kadalasang purple spirit. Nang marinig ni Jun Wu Xie ang sagot na iyon ni Ye Sha ay nakahinga siya ng maluwag.

"Young Miss." Biglang pagtawag-pansin ni Ye Sha.

Tumingin naman dito si Jun Wu Xie. Hudyat na nakikinig ito.

"Nagpadala ng mensahe si Ye Mei na siya ay babalik kasama si Young Master Wu Yao." Marahang saad ni Ye Sha.

Halos matapon naman ang laman ng tasang hawak ni Jun Wu Xie. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Tanging ang mga hudyat lang na tinatraydor siya ng kaniyang sarili/

"Talaga?" Payak na sagot ni Jun Wu Xie.

"Opo. Inutusan din ni Young Master Wu Yao si Ye Mei na ipaabot sa inyo ang kaniyang mensahe na alagaan ninyo ang inyong sarili at hintayin ang kaniyang pagdating." Pagbibigay-alam ni Ye Sha sa sinabi sa kaniya ni Ye Mei.

Nagbaba ng tingin si Jun Wu Xie at sinipat ang kaniyang repleksyon sa tsaa.

"Sige."

avataravatar
Next chapter