1022 Mapanganib na Piging (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

[Nilunok ni Lord Meh Meh ang Devious Wyvern?]

[Paano nangyari 'yon?]

Tinitigan ni Qing Yu si Lord Meh Meh ngunit wala siyang makitang kakaiba dito.

"Meh?" Narinig ni Lord Meh Meh na binanggit ni Jun Wu Xie ang kaniyang pangalan. Kinuskos nito ang katawan nito sa binti ni Jun Wu Xie.

Nagbago ang pananaw ni Qing Yu sa mundo nong oras ding iyon…

[Ang tupang iyan ay nakayan lunukin ang Devious Wyvern?]

"Pero sabi mo...natalo kayo?" [Paano nangyaring nalunok ni Lord Meh Meh ang Devious Wyvern?]

Sumagot si Jun Wu Xie: "Naunang nakalabas ng platform si Lord Meh Meh."

Halos mabilaukan si Qing Yu nang kaniya iyong marinig.

Ibig sabihin pala ni Jun Xie noong sinabi nitong sila ay natalo ay hindi dahil sa "natalo" sila ng Devious Wyvern. Kundi dahil pala nakaapak sa labas ng platform si Lord Meh Meh. At ang resulta ng pagkatalong iyon ay nilunok ni Lord Meh Meh ang Devious Wyvern ng buo!

Ang buong akala ni Qing Yu ay natalo si Lord Meh Meh. Hindi niya sukat-akalain ang kaniyang narinig ngayon lang!

"Hindi ka pwedeng pumunta! Hindi ka dapat sumipot sa selebrasyong iyon! Ang taong iyon mismo ang nag-utos kay Ling Que na hanapin ang Devious Wyvern. Inabot ng sampung taon si Lin Que bago niya iyon nahanap. Kung magpupunta ka doon, sigurado akong may gagawin sa'yo ang taong iyon! Tuso ang babaeng iyon! Sigurado akong mayroon siyang binabalak. Kapag may gagawin nga siya sa'yo, maging ang Grand Chieftain ay hindi ka maililigtas!" KInakabang sabi ni Qing Yu.

Hindi nag-aalala si Qing Yu na nakuha ni Jun Xie ang atensyon ni Qu Xin Rui ngunit nabago iyon nang kaniyang malaman ang nangyari sa Devious Wyvern. Alam nilang lahat na ireregalo ni Ling Que ang Devious Wyvern na iyon kay Qu Xin Rui naglaho iyon dahil sa Spirit Beast ni Jun Xie!

"Tatawagin ko ang Clan Chief ngayon!" Hindi na makapaghintay si Qing Yu. Nasaksihan niya na mismo ang kasamaan ng babaeng iyon. Ang sinumang gumalit dito ay buhay ang kabayaran. Maging si Qu Ling Yue ay takot dito.

Muli ay kalmado nanamang sumagot si Jun Wu Xie: "Hindi na kailangan."

At sumagot naman si Qing Yu: "Young Master Jun! Hindi ito biro! Inaasam-asam ng babaeng iyon ang Devious Wyvern at sinira mo iyon. Hindi ka niya papatawarin! Alam kong mataas ang spirit power mo, ngunit ang babaeng iyon ay naabot na ang purple spirit ilang dekada na ang nakakalipas! Sigurado akong mas malakas pa siya ngayon! Hindi mo siya magagawang labanan."

"Tingin mo ba ay kaya niya ako iniimbitahan ay para patayin ako?" Tanong ni Jun Wu Xie.

"Kung hindi 'yon, eh ano?" Balik-tanong ni Qing Yu.

Tumingin si Jun Wu Xie kay Qing Yu at sinagot ito: "Kung gusto niya talaga akong patayin, ginawa niya na agad iyon noong bumalik ako galing Spirit Beast Arena."

Walang salitang lumabas sa bibig ni Qing Yu.

"Hindi kayang harapin lahat ni Lin Feng ang pagkawala ng Devious Wyvern. Sigurado akong hiniling niya sa kaniyang ama na tulungan siya nito at sigurado din akong nag tahi na ng kwento si Lin Que at agad iyong sinabi kay Qu Xin Rui. Kung gusto talaga akong patayin ng taong iyon, bakit niya pa papatagalin?" Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie at itinuro ang imbitasyon: "Tingin mo ba sa posisyong pinanghahawakan niya sa Thousand Beast City ay kailangan niya pa akong linlangin para lang patayin ako?"

avataravatar
Next chapter