669 Mapanganib na Lugar (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahan-dahang lumakad si Jun Wu Xie palapit sa ilang piraso ng itim na bato. Sa isang kisapmata lang ay nasa tabi na ni Jun Wu Xie si Ye Sha at hinila siya palayo sa itim na bato!

Bago pa makabawi si Jun Wu Xie, ang itim na bato ay dinurog ng malaking anino!

Mabilis nitong napulbos ang itim na bato!

"Young Miss! Hindi na tayo dapat magtagal pa dito!" Nagmamadaling saad ni Ye Sha. Tumayo ito sa harap ni Jun Wu Xie at hinaharangan siya sa malaking anino na papalapit sa kaniya.

Ang itim na anino ay napapalibutan ng itim na hamog at napakalaki noon. Hindi nila iyon makita ng buo.

"Ano...ang bagay na ito..." Nakatitig si Qiao Chu sa napakalaking bagay na nasa kanilang harapan. Kung pagbabasehan ang anyo nito, mas malaki pa ito sa tunay na anyo ni Lord Meh Meh!

"Huwag mong sabihing isa nanamang Guardian Grade Spirit Beast?" Maging si Hua Yao ay gulat na gulat sa kaniyang nakita.

Nang maengkwentro ni Mu Qian Fan ang halimaw sa baba ng cliff, hindi nito nakita ang itsura ng halimaw na iyon.

At ngayon, napagtanto ng grupo na ito siguro ang tinutukoy ni Mu Qian Fan!

Napakalaki ng halimaw na iyon! Hindi maabot ng liwanag ng Spirit Fire Globes ang ulo ng halimaw na nasa kanilang harapan. Ang tanging nakikita lang nila ay ang makapal at matatalim nitong kuko!

"Meh!"

Agad namang naramdaman ni Lord Meh Meh ang nakakakilabot na presensiya noon!

Para bahagyang matakot ang isang Guardian Grade Spirit Beast, hindi dapat iyon mas mahina kay Lord Meh Meh!

Dahan-dahang lumapit ang napakalaking halimaw sa kanila. Ang bawat yabag nito ay yumanig sa lupang kanilang tinatapakan!

Sa bawat hakbang ng halimaw ay mas kumakapal ang nakakabulag na hamog na pumapaikot dito. Ang makapal na hamog na iyon ay nagdudulot sa kanila ng nakakapasong init.

Nagbigay sa kanila ng matinding takot ang bawat hakbang nito.

"Takbo! Bilis!" Utos ni Ye Sha. Hindi niya inaasahang mailalagay ang halimaw na ito sa Lower Realm para magbantay dito. Alam ng kalangitan na isang lalaki lang ang makakapagkontrol sa halimaw na ito!

[Paano nagawang ilagay ito ng mga taga Dark Regime dito!?]

Wala namang kumwestiyon sa utos na iyon ni Ye Sha kaya agad silang nagtakbuhan. Sabay-sabay na mabilis na tumakbo sina Jun Wu Xie palayo doon.

"Mabagal lang ang halimaw na iyon. Gawin niyo ang inyong makakaya para makatakas dito. Mas mainam kung mas malayo!" Nagbabantay naman sa kabilang panig si Ye Mei. Nagtinginan sila ni Ye Sha at nagpalitan ng mapait na ngiti.

Kahit na magsanib pwersa pa silang dalawa, hindi nila matatalo ang halimaw!

Ngayon ang tanging magagawa lang nila ay ang tumakas. Iyon lang ang tsansa nilang mabuhay.

Ang lahat ay mabilis na nagsitakbo. Ngunit kailangan nilang sundan ang kanilang dinaanan kung hindi ay mahuhulog sila sa kumunoy.

Maraming patibong ang nagkalat sa lupa at maging ang isang Guardian Grade Spirit Beast sa kanilang likuran ay natatakot din. Lahat sila ay parang nasa lalamunan ang puso dahil sa sobrang takot!

Maya-maya ay naramdaman nila sa kanilang likuran ang matinding init na naramdaman nila kanina.

Agad na lumingon si Jun Wu Xie at nakita niyang ibinato papunta sa kaniyang direksyon ang isang luntiang apoy!

"Meh~!!!"

avataravatar
Next chapter