668 Mapanganib na Lugar (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sigurado akong ang singsing na ito ay galing sa Middle Realm, ngunit hindi ko matukoy kung galing ba ito sa Twelve Palaces." Muling nagsalita si Fan Zhuo.

Kalmado namang sumagot si Jun Wu Xie: "Bukod sa Twelve Palaces, wala nang ibang taga Middle Realm ang may dahilan para magtungo dito."

Simula pa lang, nang lihim na plinano ng Twelve Palaces ang kanilang patungo sa puntod ng Dark Emperor, alam na nilang mapanganib ang lugar. Hindi sila nangahas na akuin ang krimen at hindi rin nila gustong ilantad na alam nila na nasa baba lang ng Heaven's End Cliff matatagpuan ang puntod ng Dark Emperor.

Ang mga taong nagtungo na dito ay paniguradong pinadala ng Twelve Palaces!

"Nong panahong iyon, ang bawat taong pinadala dito sa Lower Realm para hanapin ang puntod ay ang mga malalakas na taong nagmula sa Twelve Palaces. Kaya lang, kahit na malalakas at mahuhusay pa ang mga taong iyon, hindi nila kinayang takasan ang panganib na dulot ng lugar na ito." Saad ni Fan Zhuo na nakangisi. Nakatitig pa rin ito sa singsing.

Noong mapagtagumpayan ng mga magulang ni Fan Zhuo na suungin ang panganib ng lugar na ito, at matagumpay nilang nahanap ang puntod ng Dark Emperor, iyon na rin pala ang tatapos sa kanilang buhay.

Matapos na masuong ang lugar na ito, sila ay pinatay ng mga taong kanilang tapat na pinagsisillbihan. Para kay Fan Zhuo ay isa iyong malaking kalokohan!

Kung ano ang naglalaro sa isipan ni Fan Zhuo ngayon ay ganon din ang naglalaro sa isipan nina Qiao Chu at ng iba pa. Nang makita nila ang spirit ring na nawalan na ng presensiya ng ring spirit, namutawi sa kanilang alaala ang kapalaran sinapit ng kanilang mga magulang.

Kung noong panahon na iyon at hindi mahuhusay ang kanilang mga ama, namatay kaya ang mga ito?

Naging katulad din ba ang mga ito ng may-ari ng spirit ring na hawak ni Fan Zhuo ngayon?

Namatay na walang iniwang bakas...

"Magpatuloy na tayo." Tumayo na si Jun Wu Xie at nagpatiuna nang maglakad.

Bumakas ang galit at lungkot sa mga mata nina Qiao Chu. Ngunit hindi ito ang oras para malunod sa galit na iyon. Kung hindi sila mag-iingat, ang maling hakbang nila ay maaari nilang ikapahamak.

Si Ye Mei at Ye Sha ay nagpatuloy ding sumama sa grupo. Naging mapagmatyag ang mga ito sa paligid. Kapag may naramdaman silang panganib, nagbibigay sila ng senyas.

"May napansin ka bang kakaiba?" Mahinang bulong ni Ye Mei kay Ye Sha. Mas nauna silang dalawa kaysa sa grupo.

Mahinang tumango si Ye Sha.

"Ang lugar na ito ay mukhang ginawa lang ng mga tao sa Dark Regime."

Nagtiim-bagang si Ye Mei.

"Baka kailangan na nating sabihin sa Young Miss na umalis na dito. Kung talaga ngang ginawa ng Dark Regime ang lugar na ito para igalang ang ating Panginoon, hindi ito kakayanin ng kakayahan o kapasidad ng Young Miss. Maging tayong dalawa ay hindi natin kakayanin."

Sila ay pinanganak sa Dark Regime at walang nakakaalam kung gaano kalakas at kamakapangyarihan ang Dark Regime.

Kung ang mga tao sa Dark Regime ay ginawa itong bilang himlayan ng Dark Emperor, binuhos nila ang kanilang kakayanan at lakas para mapigilan ang sinumang magbabalak na gambalain ang Dark Emperor para sa mga bagay na nakasama sa libingan nito!

Saglit na nagdalawang-isip si Ye Sha bago tumango. Kung mapapahamak si Jun Wu Xie, kahit na may isandaang ulo pa sila, hindi iyon magiging sapat para pugutin ng kanilang Panginoon!

Agad na lumapit si Ye Sha kay Jun Wu Xie.

Ngunit natigil sila sa paglapit nang tumigil si Jun Wu Xie sa paglalakad.

Nasa kaniyang harapan ang ilang piraso ng itim na bato. Ang mga piraso ng batong iyon ay kahawig na kahawig ng binenta ni Mu Qian Fan sa auction. Magkakaiba lang sila ng sukat.

Ito ba ang parehong itim na bato kung saan makukuha ang Black Silver?

Napakunot ang noo ni Jun Wu Xie.

Nabanggit ni Mu Qian Fan na ang itim na batong dala nito ay nakita lang nila sa cliff sa baba ng Heaven's End Cliff.

Pero naglibot na sila kanina sa cliff at wala silang nakitang itim na bato. Hindi niya inaasahang makalipas ng halos isang araw na paglalakad, may makikita siyang nagkalat na itim na bato!

avataravatar
Next chapter