666 Mapanganib na Lugar (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nila alintana ang nakalalasong hamog.

Ang kanilang I naapakan ngayon ay lupang puno ng mga buto. Habang sila ay naglalakad, nagiging kaunti ang mga buto sa kanilang paligid hanggang sa makita na nila ang liwanag na nagmumula sa Spirit Fire Globes na umiilaw sa espada ng sundalo na nasa loob ng isang bloke ng yelo. Nagniningning ang yelo gawa ng liwanag.

Sinabi sa kanila ni Mu Qian Fan na sa baba ng Heaven's End Cliff, nagtatago ang mga pinakanakakatakot na bagay sa makapal na hamog.

Di kalaunan ay ang kanilang inaapakan ay puno na ng putik. Ang Spirit Fire Globes ay nagbigay sa grupo ng liwanag. Ngunit hindi sapat ang liwanag na binibigay nito para makita nila ng maayos ang kanilang daraanan.

Ngunit para kay Jun Wu Xie isa iyong malaking tulong dahil malinaw niyang nakikita ang lahat sa lugar na iyon.

Kalat ang lumot sa lugar na iyon. Dahil doon, naging madulas ang kanilang daraanan. Kaya naman bumagal ang kanilang paglalakad.

May inilabas si Jun Wu Xie na nunchunk. Gawa iyon sa kahoy at may nakakabit doon na maiksi ng kadena. Maipagsasama ang nunchunk sa pamamagitan ng sabay na paghawak sa dalawang piraso.

Ginagamit ang bagay na iyon sa pagsasanay, pero si Jun Wu Xie ay ginagamit iyon para siyasatin ang lupa.

Natatakpan ng lumot ang halos buong kalupaan. Ngunit sa ilalim ng mga lumot na iyon ay baka may malaking butas na maaari nilang kahulugan.

Nanguna si Jun Wu Xie. Ipinangtutusok niya sa lupa ang kahoy na kaniyang hawak para masigurong hindi iyon butas. Sa likod niya ay nakasunod sina Qiao Chu. Sinusundan ang kaniyang lupang inaapakan.

Tahimik lang silang naglalakad.

Nang lumubog ang kahoy tatlong lakad mula sa kinatatayuan ni Jun Wu Xie, naramdaman niyang bumibigay ang kaniyang tinutungtungan!

Matutumba na sana si Jun Wu Xie ngunit nagawa niyang umatras. Nararamdaman niyang ang kahoy na kaniyang hawak ay parang hinihigop ng isang pwersa.

[Kumunoy!]

Nagdilim ang itsura ni Jun Wu Xie.

Binitawan niya ang kahoy. Sa ilang segundo lang ay tuluyang hinigop ang halos isang metrong kahoy na kanina ay kaniyang hawak. Bago tuluyang mahigop ang kahoy ay bumula muna iyon bago bumalik sa dating anyo.

"Nakakatakot ang lugar na ito." Nasa likod lang ni Jun Wu Xie si Qiao Chu at nasaksihan niya ang nangyari.

Nang kukunin sana ni Jun Wu Xie ang kahoy, ginamit niya ang kaniyang spirit powers ngunit wala iyong nagawa. Walang laban ang kaniyang kakayahan sa kumunoy na iyon.

Tanging ang kalangitan lang ang nakakaalam kung anong mangyayari sa taong hinigop ng kumunoy...

Ang mas nakakatakot pa doon ay bumuka ang lupang iyon ng ilang sandali pagkatapos ay bumalik lang din sa dating anyo na animo'y isang normal na lupa lang iyon.

"Magagamit ba natin si Lord Meh Meh para makita muna ang daraanan? Dahil sa malaking katawan nito, hindi siya mahihigop ng mga kumunoy na iyon." Suhestiyon ni Qiao Chu.

Agad namang umiling si Jun Wu Xie bilang pagtanggi.

"Hindi natin nasisiguro kung gaano kalaki ang mga butas. Kung may malaking kumunoy na maapakan si Lord Meh Meh, hindi natin siya maililigtas. Pero kapag isa saatin ang mahuhulog doon, magagamit natin ang kakayahan ni Lord Meh Meh. Pero pag si Lord Meh Meh ang mahuhulog doon, mahihirapan tayo." Malinaw sa alaala ni Jun Wu Xie ang sinabi sa kanila ni Mu Qian Fan.

avataravatar
Next chapter