145 Mapaminsalang Babae (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pinadala ni Mo Xuan Fei ang limampung sundalo sa iba't ibang lugar sa loob ng kaharian, walang magkakalapit sa isa't isa ayon sa utos ni Bai Yun Xian.

Hindi sigurado si Mo Xuan Fei sa mga binabalak ni Bai Yun Xian. Ngunit, sa kanyang pagpapaliwanag, naintindihan na niya.

Nais ni Bai Yun Xian na kumalat ang lason sa mga dukha. Kapag nalason na ang lahat, sunod-sunod ang magsabog ng mga katawan at kakalat lalo ang lason sa hangin, na maglalason sa hukbo ng Rui Lin nasaan man sila!

Kahit ang mapangahas na Mo Xuan Fei ay kinilabutan sa mga pamamaraan ni Bai Yun Xian.

Dinamay niya ang lahat ng mamamayan ng Bayang Imperyal!

"Yun Xian, ikaw…" Napaatras si Mo Xuan Fei, namumutla.

Lagi niyang nakita si Bai Yun Xian na gagamitan niya ng kanyang yaman, at kahit na mukha siyang malamig, hindi siya mahirap intindihin.

Sa mga nakikita niya ngayon, hindi niya nakilala ang babaeng ito!

Daan-daang libong mga tao sa loob ng Kaharian, at nais niyang patayin silang lahat!

Tinignan ni Bai Yun Xian ng malamig si Mo Xuan Fei: "Kung hindi dahil sa kahinaan mo ng loob, lalapit ka ba sa akin para humingi ng tulong? Nag-aalala ka na ba para sa mga walang kwentang dukha?"

Napagtanto ni Mo Xuan Fei.

Tama siya. Pinakiusapan ko siyang tumulong, hindi ba?

Pero di niya inakalang ganito kanakakatakot si Bai Yun Xian.

Kung mabagsik na ang tingin kay Jun Wu Xie, lahat ng kanyang pinatay ay may ginawa laban sa mga Lin at wala siyang pinagbintangang inosente. Si Yun Xian? Para marating ang kanyang mga nais, gagawin niya ang lahat, kahit na mamatay ang libu-libong inosente.

"Wag kang mag-alala, mayroon akong panremedyong nakahanda, kailangan mo lang painumin sa mga tao sa loob ng palasyo bago ang lahat. Kung nag-aalala ka para sa mga kahabag-habag na mga dukha, bibigyan kita ng panremedyo pagkatapos malason ang hukbo para ikaw ang maging Prinsipeng nagligtas sa mga tao. Mas maganda iyon diba? Sinabi ni Bai Yun Xian.

Napaisip si Mo Xuan Fei, at nawala ang takot. Tumabi siya kay Bai Yun Xian at hinawakan ang kanyang kamay.

"Iniisip mo ang lahat, Yun Xian."

Kung pwede nilang alising ang Rui Lin at ang mga Jun, ano ang mali sa pagsasakripisyo sa ilang mga dukha? Pagkatapos malason ang mga sundalo ng Rui Lin, pwede siyang magpakita bilang tagapagligtas na may panremedyo, para mas piliin siyang prinsipe ng mga tao.

Mahinhin na tumawa si Bai Yun Xian, sumandal para yakapin si Mo Xuan Fei. "Ano man ang naisin mo, ibibigay ko sa'yo. Ngunit tandaan mo lang, pagkatapos malason ng hukbo, walang pwedeng humawak kay Jun Wu Xie."

"Pabayaan lang siya?" Nagtataka si Mo Xuan Fei.

Tinaas ni Bai Yun Xian ang kanyang mga matang puno ng lason.

"Patayin lang siya ng ganun ay masyadong madali. Tatanggalin ko ang mga kamay at paa niya, puputulin ko ang dila niya, ilalabas ang kanyang mga mata, at ilalagay siya sa isang bariles ng lason para mabawi ang ginawa niya sa akin." Ang sinumang lumaban sa kanya ay makakaranas ng nakakatakot na katapusan.

Naramdaman ni Mo Xuan Fei ang pagbalik ng takot matapos marinig ang kanyang mga salita. Hindi niya napigilang mapalunok at kilabutan.

Walang sinabi ang plano ni Jun Wu Xie sa gagawin ni Bai Yun Xian. Hindi niya na alam kung sino nga ba ang satanas.

avataravatar
Next chapter