143 Mapaminsalang Babae (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng Palasyo, kinakabahan si Mo Xuan Fei na nakatingin sa limampung sundalong kasama ni Bai Yun Xian na nakatayo sa tabi niya. Sa likod nila, may mga katulong na may hawak na medicinal wine.

"Yun Xian, sinabihan mo akong ipatawag sila, ano na ang gagawin natin?" Tinanong ni Mo Xuan Fei.

Tinignan ni Bai Yun Xian ng masama ang limampung sundalo.

"Mayroon akong makabubuti sa kanila. Ang alak na ito ay galing sa aming angkan, na nagpapabilis sa paglakas ng kanilang spiritual powers kasabay ang kanilang pagsasanay. Sa ginagawa ng hukbo, kailangan rin nating palakasin ang hukbo ng Yu Lin.

Tahimik lang na tinignan ni Mo Xuan Fei si Bai Yun Xian.

Ang limampung sundalo ay natuwa sa balita. Ordinaryo lang silang sundalo na pinatawag ng Pangalawang Prinsipe, kinakabahan sila. Sa mga nakaraang araw, sa pagsarado ng hukbo sa Kaharian, walang magawa ang hukbo ng Yu Lin para lumaban. at nagkulong lang sila sa Imperyal na Palasyo.

Wala ring ginawa ang Emperador, hindi na sila nagsubok na lumaban pa sa hukbo ng Rui Lin matapos ang mga nangyari noong gabing iyon.

Akala ng mga sundalo'y ipapadala sila sa isang delikadong misyon, pero nagulat sila! Biniyayaan sila ng isang regalo mula sa langit!

Ang lahat ng manggaling sa angkan ng Qing Yun ay kayamanang walang katulad!

"Kayo ang mga piling tao ng hukbo ng Yu Lin, at ang bantayan ang Emperador ang tungkulin niyo. Ang alak na ito ay magpapalakas sa inyo sa maikling oras." Inabante ni Bai Yun Xian ang kanyang kamay at dinala ng mga katulong ang mga alak sa mga sundalo.

Hinawakan nila ang kanilang mga tasa at tinignan ito ng may pagnanasa.

Nagkaroon ng suklam sa mata ni Bai Yun Xian ngunit agad ring bumalik sa dati.

"Uminom kayo, magigiting na sundalo, at magkakaroon kayo ng lakas para protektahan ang Emperador."

Tinungga nila ang mga alak. Natanim ang mga alak sa kanilang mga sikmura at nainitan sila, makikita ito sa kanilang pamumula. Nararamdaman nila ang pagdaloy ng spiritual powers sa loob nila, na tila sila tumutubo, at nagsaya sila sa kanilang naramdamang paglakas.

"Kinakalaban ng Pamilya ng Jun ang Pamilyang Imperyal, at kayo ang mga bayaning magliligtas sa kaharian! Ngayong gabi, kayo ay ikakalat sa iba't ibang lugar sa kaharian. Kapag dating niyo, itago niyo ang inyong pagkakakilanlan.Manatili lamang kayo sa mga kwartong hinanda at magsanay lamang hanggang sa araw ng ating paglaban, sa araw ng inyong kaluwalhatian!" Binigyan ni Bai Yun Xian ng lakas ng loob ang mga sundalo.

Nagantimpalaan sila ng medicinal wine mula sa angkan ng Qing Yun, at pinagkatiwalaan sa isang importanteng misyon para sa Imperyal na Pamilya. Oras na nila!

Wala sa kanila ang nagduda ngunit lahat ay may malaking pasasalamat sa ginawang pabor ni Bai Yun Xian.

"Sa ngayon, bumalik kayo at magpahinga, at magkunwaring dukha. Kayo ang pag-asa ng Kaharian. Wag niyong hayaang malaman ang inyong pagkakakilanlan dahil dito nakadepende ang kaligtasan ng Kaharian." Tinignan sila ni Bai Yun Xian, makikita ang yabang sa kanyng mukha. Nabighani ang mga sundalo, hanggang sa mapalabas sila ng naiinis na mukha ni Mo Xuan Fei.

avataravatar
Next chapter