523 Malakas na Ihip ng Hangin (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga sandaling ito, si Ning Xin ay may dalang nakakagulat na balita.

Ni hindi tinapunan ng tingin ni Ning Rui si Jun Xie at nagulat siya sa sandaling marinig na tinataglay niya ang pinakamalakas na kapangyarihan samantalang ang mga misteryosong disipulo sa sangay ng kagawaran ay tinataglay ang purple spirits!

Hindi kapani-paniwala!

Ang purple spirits ang pinakamalakas at makapangyarihan at mahigit isang daang taon na hindi nila ito nakikita. Bakit ang isang napakalakas na kapangyarihan ay biglang nagpakita sa mga disipulo ng branch division? Lahat ng rebelasyon na iyon ay ikinagulat ni Ning Rui at hindi niya maintindihan.

"Sigurado ako na nakita ko sila. Totoo yun..." Nang alalahanin niya ang araw na iyon, walang magawa si Ning Xin kung hindi ang kilabutan.

Mas lalong lumalim ang pagkunot ng noo ni Ning Rui, "Nakalaban mo na ba si Jun Xie dati?"

Umiling si Ning Xin bilang tugon.

"Hindi. Ang lahat ay isinagawa Yin Yan."

Si Ning Rui ay malalim na nagiisip. Matapos manalo ni Fan Jan laban sa mga disipulo, masisira nito ang mga nailatag niyang plano. "Dahil hindi mo pa direktang nakalaban si Jun Wu Xie, gawin mo ang lahat para makumbinse siya na sumanib sa atin."

Hindi siya naniwala sa walang hanggang poot, at mas lalong hindi siya naniniwala sa walang hanggang pagkakaibigan. Mabilis naisipan ni Ning Rui ng solusyon ang kanilang suliranin.

Si Ning Xin ay natakot. "Ama, si Jun Wu Xie ay mukhang mas makapangyarihan pa kaysa ating inaasahan. Ngunit siya ay masyadong bata pa at sa tingin ko hindi na natin kailangan pang..."

"Ano ang alam mo?!" Mabagsik na tanong ni Ning Rui.

Nanginig si Ning Xin.

"Saan sa tingin mo nanggaling ang mga purple spirit na iyon? Kinilatis kong maigi lahat ng mga tao na nakapaligid kay Fan Jin. Kahit hindi natin banggitin siya kasi masyado pa siyang bata at kahit ang kaniyang kapita-pitagang ama ay hindi kakayaning mahikayat na umanib sa kanila ang mga purple spirit exponent! Kahit pa si Fan Jin ay may ganoong kakayahan, hindi siya madaling mauuto ng iyong mga paraan. Iyong mga disipulo na may purple spirit ay maaring nakaugnay sa kay Jun Wu Xie. Kung magagawa nating pumanig si Jun Wu Xie sa atin, hindi lamang ito ang aanib sa atin kung hindi pati na rin ang mga makakapangyarihang exponent!" Saad ni Ning Rui habang nakakapanindig na tumawa. Base sa mga obserbasyon ni Ning Xin, si Jun Wu Xie ay nakamit na ang yellow spirit na antas.

Ang labing-apat na taong bata ay naging isang yellow spirit na ang antas... isang hindi kapani-paniwalang talento. At idagdag pa rito ang isang makapangyarihang ring spirit, kung kaya naman magandang puntiryahin ito. Pero ang pinakaimportante sa lahat ay ang mga purple spirit exponent na kaugnay nito!

Kung makukumbinse nila na umanib sa kanila ito at ang mga disipulong may purple spirit, hindi na magiging problema ang lahat ng nangyayari sa kasalukuyan.

Suminghap si Ning Xin nang maunawaan niya kung gaano kaimportante na makumbinse nilang umanib sa kanila si Jun Wu Xie.

"Subalit si Yin Yan ang aking sinasanay at tinuturuan ko, at ang mga bagay sa pagitan nila ni Jun Wu Xie ngayon..." ang boses ni Ning Xin ay unti-unting humina at kinagat ang mga labi. Ang pananatili ni Yin Yan sa Zephyr Academy ay hindi dahil sa kagagawan ng kaniyang ama, ito ay dahil sa kaniyang posisyon sa Zephyr Academy.

Ang mga disipulo ng Spirit Healer faculty ay independete at nasa pamamahala ni Gu Li Sheng at kahit ang Headmaster ay hindi siya pinapakialaman. Iilan lamang ang nakakaalam sa nangyari sa Battle Spirits Forest, kabilang dito si Nangong Xu, Fan Qi at Ning Rui. Upang maprotektohan ang reputasyon ng Zephyr Academy, walang isa sa kanila ang mangangahas sabihin ito sa iba. Walang alam si Gu Li Sheng sa nangyari kaya hindi mapapaalis si Yin Yan.

Naglingkod si Yin Yan kay Ning Xin ng matagal na panahon at alam niya kung ano ang nararamdaman ni Yin Yan sa kaniya.

Ngunit ang posisyon nito at ang pagiging masunurin nito ay kapalipakinabang sa kaniya at madaling manipulahin. Hindi siya mangingiming magsakripisyo kung alam niya na malalagay sa alanganin ang kaniyang interes.

avataravatar
Next chapter