522 Malakas na Ihip ng Hangin (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Zephyr Academy ay katulad pa din ng dati, tahimik at payapa, tila walang nangyari.

Ang Spirit Hunt ay natapos na at ang mga disipulo ay nakabalik na. Lahat sila ay panatag na dahil sa nakabalik na sila sa pamilyar na lugar at nagkukwentuhan na lang ng mga kaganapan sa Battle Spirits Forest. 

Ngunit sa gitna ng kapayapaan, isang bagyo ang nagbabadyang dumating.

Ang mga disipulo ay hindi pa nakakabawi ng lakas dahil sa mga kinaharap na pagsubok sa Battle Spirits Forest. Dalawang araw pa lamang ang nakalipas nang makabalik sila sa Zephyr Academy nang may dumating ulit na balita sa kanila.

Si Lu Wei Jie at ang mga kasamahan nito sa pangkat na umatras sa Spirit Hunt ay natanggal sa Zephyr Academy bilang parusa. Mahigit dalawampu ang natanggal na disipulo sa Zephyr Academy.

Kasama sa listahan ng mga natanggal si Lu Wei Jie. 

Lahat ng disipulo na natanggal ay kabilang sa pangkat ni Lu Wei Jie at tanging si Ning Xin at Yin Yan lamang ang hindi naisali. 

Pinagkaguluhan ang pangyayaring ito. Gusto mang itago ng Zephyr Academy, ngunit hindi nila kaya itong pagtakpan.

Lahat ng disipulo ay nagulat sa rebelasyong ito. Isang malaking isyu na ang pag-atras ni Lu Wei Jie kasama ang kaniyang pangkat sa Spirit Hunt, at ngayon naman lahat sila ay natanggal sa Zephyr Academy na mas lalong pinagtakahan ng mga disipulo.

Sa opisina ng Vice Headmaster, madilim ang mukha ni Ning Rui na tiningnan si Ning Xin.

"Nakausap ko na si Headmaster tungkol dito. Si Lu Wei Jie at ang kasamahan niya ay mapaparusahan. Siguraduhin mo na sa mga panahong ito, mananatili ka lamang sa loob ng opisina. At kapag nawala na ang init ng isyung ito, saka na tayo gumawa ng mga susunod na hakbang." Sabi ni Ning Rui. Akala niya, pagkatapos ng Spirit Hunt ay mawawala na si Fan Jin na isang malaking tinik sa kaniya. Hindi niya inakala na masasangkot sa isang malaking gulo si Ning Xin, hindi nagtagumpaybsa kaniyang misyon at nakabangga pa ang ilang makapangyarihang personalidad.

Ang mga disipulo ng Mu Chen galing sa Cloud Treading Peak at ang pinakamagaling na mga sundalo, ang Rui Lin Army...

Nang bumalik si Nangong Xu kasama sila Ning Xin at Lu Wei Jie at ibinalita sa kaniya ang nangyari, hindi napigilan ni Ning Rui ang kaniyang galit.

Alam niya kung anong ugali mayroon ang anak niyang si Ning Xin. At hindi siya tutol sa pagiging tuso nito. Lagi ay maingat at detalyado ang mga plano nito kaya naman laking gulat niya nang malaman niyang nasangkot ito sa isang malaking gulo. 

Kahit alam niyang malalagay sa alanganin ang pangalan ng Zephyr Academy, hindi magagawang pabayaan ni Ning Rui ang kaniyang anak. Kung malalaman at kumalat ang mga ginawa ni Ning Xin, hindi lang mawawala ang katayuan niya sa academy kung hindi pati na rin ang posisyon niya bilang Vice Headmaster ay manganganib.

Kung kaya naman, walang ibang pagpipilian si Ning Rui kung hindi ang ibabang muli ang kaniyang sarili sa pedestal sa harap ni Fan Qi, at nagmakaawa nang may luha sa mga mata. Pinayagan ni Fan Qi ang hiling ni Ning Rui at pasekreto nilang inalis sila Lu Wei Jie at ang iba pa upang itago ang katotohanan.

Ang pagtanggal sa dalawampung disipulo ay ang nagsilbibg sagot sa kay Rong Heng at Long Qi.

"Oo. Isang malaking pagkakamali ang aking nagawa at humihingi ako ng kapatawaran. Ipinapangako ko na hindi na ito mauulit at magiging maingat ako sa susunod." Tumango-tango si Ning Xin, ang kaniyang puso ay puno ng takot.

"Ikaw na ang bahala kay Yin Yan. Dapat alam mo kung paano siya gagamitin." Saad ni Ning Rui habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Ning Xin.

Tahimik lamang si Ning Xin.

Bumintong hininga si Ning Rui at muling nagtanong "sigurado ka ba na malinaw mo silang nakita? Si Jun Wu Xie at ang mga disipulo ng kasama niya galing sa branch division ay makapangyarihan?" Isa sa mga mas nakakabahala kay Ning Rui maliban sa hindi sila matagumpay sa pagpapatay kay Fan Jin ay ang katotohanang makapangyarihan si Jun Xie, Qiao Chu at iba pa nilang kasamahan.

Bago ito, hindi niya inisip si Jun Xie na magiging banta sa kaniya kung hindi ay isa lamang pain na magagamit sa pag-atake sa kay Fan Jin. Hindi niya na kinita na kailangan niyang personal na asikasuhin ito.

avataravatar
Next chapter