1072 Makamandag na Babae (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mas lalo pang namula ang mukha ni Qu Ling Yue nang kaniya iyong marinig. Yumuko siya, hiyang-hiya sa taong nasa kaniyang harapan.

Ang mahinhing mukha ng babae ay nakakagiliw. At ang kasalukuyang pamumula ng pisngi nito ngayon ay mas dumagdag pa sa ganda nito. Dahilan para mas lalong mainis si Qu Xin Rui.

"Una kayong nagkita ni Young Master Jun sa Fire Country hindi ba?"

"Oo." Hindi alam ni Qu Ling Yue kung bakit biglang sumulpot si Qu Xin Rui sa kaniyang silid. Naka-lock naman ang pinto ng kaniyang silid at hindi niya narinig ang pagdating nito.

Iniiwasan ni Qu Ling Yue na mag-krus ang landas nila ni Qu Xin Rui, subalit tuwing magkakasalubong sila, nararamdaman niyang ayaw na ayaw sa kaniya ni Qu Xin Rui. Alam iyon ni Qu Ling Yue, kaya bakit ito naririto ngayon sa kaniyang silid?

At alam ba ito ng kaniyang ama?

"At maayos ang relasyon niyong dalawa?" Tanong ni Qu Xin Rui. Payak ang tono ng pananalita nito..

Mas lalong bumaba ang pagkakayuko ni Qu Ling Yue.

"Si Young Master Jun...ay niligtas ang buhay ko…"

Utal-utal ang pananalita ni Qu Ling Yue. Kahit na bumalik ang kabataan ni Qu Xin Rui sa itsura, ang kaniyang pananalita at mannerisms ay hindi na bumalik sa pagkabata katulad ng sa dalagang nasa kaniyang harapan ngayon.

"Nagtataka ako bakit hindi naaapektuhan si Young Master Jun noon, pero ngayon ay alam ko na." Saad ni Qu Xin Rui saka pagak na tumawa.

Natakot naman si Qu Ling Yue sa kaniyang narinig kay Qu Xin Rui. Ramdam niya ang galit sa boses nito. Inangat ni Qu Xin Rui ang kaniyang baba, ang mahahaba nitong kuko ay bumabaon sa kaniyang pisngi!

"Anong mayroon sa mukhang ito? Bukod sa mas bata kumpara sakin, sa ano pang paraan iyan tutumbas sa mukha ko? Isa ka lang batang babae na ignorante. Walang hiya ka! Ayan ba ang tinuro sa'yo ng ama mo? Malandi!" Galit na galit si Qu Xin Rui at lumabas ang masasakit na salita galing sa bibig nito.

Hindi nito lubos maintindihan noon kung bakit balewala siya kay Jun Xie. Kumpiyansa siya sa kaniyang sarili lalo na sa kaniyang itsura. Ngunit ang taong gustong-gusto niyang akitin ay parang hangin kung ituring siya.

Ngayon ay nahuhulaan niya na kung bakit ganoon siya pakitunguhan ni Jun Xie. Nabigyang-linaw ang lahat ng makita niya ang panyong hawak ni Qu Ling Yue ngayon. Si Jun Xie ay hindi malayong may gusto sa dalagang nasa kaniyang harapan!

Bumaba ang tingin sa sarili ni Qu Xin Rui dahil sa paulit-ulit na pambabalewala sa kaniya ni Jun Xie. Ngayong nakita niya ang hiyang-hiya at inosenteng mukha ni Qu Ling Yue, parang gusto niyang dukutin ang mga mata nito!

"Great Grand...aunt...Anong...sinasabi...mo?" Naguguluhan si Qu Ling Yue. Mas lalong bumabaon ang kuko ni Qu Xin Rui sa kaniyang pisngi.

Tumawa na parang baliw si Qu Xin Rui. Dinig ang kasamaan sa boses nito.

"Anong sinabi ko? Hindi ba't gusto mo si Young Master Jun? At gagawin mo ang lahat para sa kaniya, hindi ba?"

Nanlaki sa takot ang mga mata ni Qu Ling Yue. Gusto niyang sumigaw ngunit sinampal siya ni Qu Xin Rui ng malakas. 

Namilipit si Qu Ling Yue sa sahig. Ang mga mata ni Qu Xin Rui ay nanlilisik, mababakas doon ang inggit at galit.

Sa mga oras na iyon, naisip niyang hindi lang niya gagamitin si Qu Ling Yue para ipang-blackmail kay Qu Wen Hao. Nakaisip siya ng mas magandang plano habang nakatitig sa mukhang iyon ni Qu Ling Yue.

avataravatar
Next chapter