1071 Makamandag na Babae (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kapag hindi nakipaglaban ang isang tao para sa kaniyang buhay, katapusan na iyon ng mundo. Hindi ba't para sa ikabubuti din ng Thousand Beast City kapag nanatili ako saking posisyon sa Soul Return Palace?" Hindi kinokonsidera ni Qu Xin Rui na siya ay nagiging masama. Para siya ay makakaangat galing Lower Realm patungong Middle Realm, matinding paghihirap ang kaniyang dinanas, marami siyang sinakripisyo at tiniis. Kaya ngayon, ang sinumang haharang sa kaniya ay paniguradong mamamatay!

"Para magtagumpay, bakit ako magpipigil? Kahit pa kailangan kong dumurog ng libu-libong buto, gagawin ko para magkaroon ng mas mataas na posisyon. Isa pa...nang pumayag kayong magtrabaho para sakin, hindi ba't ito rin ang dahilan kung bakit niyo ako nagustuhan? Nang sabihan kayo ng Elder na maghanap ng malakas na tao sa Lower Realm, pero lihim kayong may hawak na mapa at isinama ako sa Thousand Beast City. Hindi ba't dahil iyon sa alam niyong wala akong pakialam sa buhay ng mga tao? Dahil ito ang napili nating paraan, pa panindigan natin ito hanggang huli. Kapag nagtagumpay ako dito, maging ang mga posisyon niyo sa DOul Return Palace ay aangat din!" Nakangiti ng masama si Qu Xin Rui kay Shen Chi.

Ngumiti si Shen Chi. "Tama ka. Dahil ginagawa mo ang lahat, gagawin ko rin ang nararapat. Para sa alay, tatrabahuin ko iyon mamaya, bukas ay babalik na ang ganda at kabataan mo. Tungkol naman sa Spirit Taming Bone Flute, ikaw ang kailangang kumilos doon...ayaw ni Qu Wen Hao na lumalapit kami sa Grand Chieftain's Residence."

"Ako na ang bahala doon." Saad ni Qu Xin Rui.

Sumapit ang gabi sa Thousand Beast City at nakaupo si Qu Ling Yue sa kaniyang silid. May hawak itong bagong panyo sa kaniyang kamay. Mayroong dalawang Chinese characters ang nakaburda doon. 

Nakatitig si Qu Ling Yue sa nakaburda doon na nagsasabing "Jun Xie". Namula ang kaniyang pisngi nang kaniyang mabasa ang pangalang iyon. Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi at itinakip sa kaniyang mukha ang panyo. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

Ang takbo ng isip ng isang batang babae ay hindi inaasahan. Mag-isa siya sa silid at kinikilig siya dahil lang sa pagbasa ng pangalan ng isang tao. Animo'y nakikita niya ang taong iyon ngayon. Para itong baliw na nakangiting mag-isa.

Isang anino ang humarang sa liwanag na dulot ng kandila. Nagulat si Qu Ling Yue at napabalikwas ng upo!

Nakita niya ang isang pigura ng babaeng nakasuot ng pula. Doon niya napagtantong si Qu Xin Rui iyon.

"Great Grand Aunt!" Agad na lumuhod si Qu Ling Yue sa sobrang takot at kaba.

Tumingin si Qu Xin Rui sa mukha ni Qu Ling Yue. Hindi gaanong nakakaakit ang mukha nito, pero kapag tititigan itong mabuti, masasabi mong magand ang dalaga. Pagdating sa itsura ay hindi tutumbas ang ganda ni Qu Ling Yue sa ganda ni Qu Xin Rui, ngunit ang inosenteng mukha ni Qu Ling Yue ay kailanman hindi makukuha ni Qu Xin Rui.

Nagsalubong ang kilay ni Qu Xin Rui nang makita niya ang panyong nalaglag ng dalaga. Yumuko siya at pinulot iyon. Mas lalo namang kinabahan si Qu Ling Yue.

Agad nanlisik ang mga mata ni Qu Xin RUi nang mabasa niya ang nakaburda sa panyong iyon!

Nang kaniyang tignan si Qu Ling Yue ay namumula ang mukha nito. 

"Ling Yue, may gusto ka kay Young Master Jun?"

avataravatar
Next chapter