1070 Makamandag na Babae (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Pero ayaw niyang makipagtulungan satin ngayon." Kinakagat ni Qu Xin Rui. "Hind si Qu Wen Hao si Jun Xie at ang Fire Country ang pinakamalakas na bansa sa Lower Realm. Narinig kong ang Empress Dowager ng Fire Country ay may hawak na secret assassins at ang kanilang lakas ay hindi nalalayo sa isang Purple Spirit. Sinuportahan iyon ng Empress Dowager, kung gagamitin ang method kung paano natin pinasunod ang Thousand Beast City tingin ko ay mabibigo tayo. Nanggaling si Jun Xie sa Zephyr Academy, nagpadala ako ng tao doon para mag-imbestiga kay Jun Xie ngunit wala silang nakalap na impormasyon tungol sa kaniyang kaarawan. Kaya hindi natin mahahanap at magagamit ang kaniyang pamilya para maging hostage. Kahit pa magtagumpay tayo na makuha ang loob ni Jun Xie, mayroon pa ring Empress Dowager na may kapangyarihan sa Fire Country. Kapag nagdesisyon ang babaeng iyon na tanggalin si Jun Xie, wala pa rin tayong mapapala."

Mas lalong nairita si Qu Xin Rui sa isiping iyon.

Hanggat wala silang naiisip na pwedeng ipang-blackmail kay Jun Xie, hindi sila nakakasigurong makukuha nila ang pabor ni Jun Xie. Hindi madaling pasunurin ang pwersa ng Fire Country. Malaking bagay pa naman ang maitutulong ng bansang iyon.

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Shen Chi kung paano nila mapapasunod si Jun Xie.

Biglang nagsalita si Qu Xin Rui matapos ng ilang sandaling katahimikan: "Siguro naman ay mayroon at mayroong kahinaan si Jun Xie."

"Oh? May naisip ka nang plano?" Nakataas kilay na tanong ni Shen Chi.

Gumuhit ang masamang ngiti sa mga labi ni Qu Xin Rui saka nagsalita: "Hindi ba't sinabi ni Lin Que na ang Devious Wyvern ko ay kinain ng Spirit Beast ni Jun Xie?"

"Oo, at para magawa iyon ng isang Spirit Beast kailangan niyang maging isang Guardian Grade Spirit Beast. Huwag mong sabihing pupuntiryahin mo ang kaniyang Spirit Beast?" Tanong ni Shen Chi.

Tumawa ng malakas si Qu Xin Rui. "Bakit hindi? Hindi lahat ay kayang kumuha ng Guardian Grade Spirit Beast. Ang layo ng pinanggalingan niya at dala niya pa rin ang Spirit Beast niya, ibig sabihin ay malakas ang koneksyon nilang dalawa. Sigurado akong malaki ang utang na loob ng Spirit Beast na iyon kay Jun Xie para maging ganoon na lang kalapit ang loob nito sa kaniya. Malamig ang personalidad ni Jun Xie kaya sigurado akong malapit sa puso niya ang Guardian Grade Spirit Beast na iyon. Dahil hindi natin mahanap ang kaniyang pamilya, ang Guardian Grade Spirit Beast na iyon na lang ang hihingin natin ng tulong."

Nagulat si Shen Chi sa kaniyang narinig. Kahit na si Qu Xin Rui ay isang babae, pagdating sa mga plano ay ito ang pinakatuso sa kanila. Galing itong Lower Realm at nanatili pa rin ang posisyon nito sa Soul Return Place. Ibig sabihin lang noon ang mga paraan nito ay hindi maitutumbas sa normal na tao.

"Pero Guardian Grade Spirit Beast pa rin yon. Kahit pa magtulungan tayong dalawa ay mahihirapan tayo." Sagot ni Shen Chi.

Nakataas ang isang kilay na tumingin sa kaniya si Qu Xin Rui.

"Nakalimutan mo na ba kung nasaan tayo?"

Saglit na natigilan si Shen Chi pagkatapos ay ngumiti nang maintindihan niya ang ibig sabihin nito.

"Ang Spirit Taming Bone Flute ay hawak ni Qu Wen Hao, bukod sa Grand Chieftain ng Thousand Beast City, wala nang ibang makakagamit noon. Kahit na laging sumusunod satin si Qu Wen Hao sa mga nakalipas na tao, hindi ako siguradong papayag siyang gamitin iyon dahil sa panganib na maaaring idulot nito."

Tumawa ng pagak si Qu Xin Rui: "Para sa kaniyang anak, gagawin niya ang lahat."

"Hahaha. Napakasama mo talaga." Tumawa na rin si Shen Chi. Para gamitin nito ang kaniyang kadugo, talaga ngang tuso si Qu Xin Rui!

avataravatar
Next chapter