1069 Makamandag na Babae (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Paulit-ulit na inanyayahan ni Qu Xin Rui si Jun Xie para magtungo sa Heavenly Cloud Chambers, ngunit noong mga unang beses lang ito pumayag. Tungkol sa gusto ni Qu Xin Rui na magtulungan sila, mukhang hindi pumapayag si Jun Xie doon. Ngayon naman, tumanggi itong magtungo sa Heavenly Cloud Chambers. Sa pinapakita nito ay mukhang wala talaga itong balak na makipagtulungan sa kaniya.

"Mukhang walang talab ang kagandahan mo sa Little Emperor. Tinanggihan niya pa ngayon ang imbitasyon mo. Kung hindi ako nagkakamali, mukhang hindi na siya dito babalik muli." Panunudyo ni Shen Chi.

Nagtagis ang bagang ni Qu Xin Rui. Hindi sa hindi niya pinapansin ang kilos ni Jun Xie. Hindi niya lang matanggap na matapos niyang maghayag dito ay hindi iyon tumalab sa Little Emperor. Kalmado pa rin ito at walang pakialam!

Para sa isang babaeng kumpiyansa sa kaniyang mukha, isa iyong kahihiyan.

"Dahil tinanggihan niya ang masarap na wine, bigyan natin siya ng wine ng parusa." Bakas ang yamot sa boses ni Qu Xin Rui nang sabihin niya iyon.

Pinaalalahanan ni Shen Chi si Qu Xin Rui: "Ang mga taga-Lower Realm ay mahihina at walang kapangyarihan. Hindi mahirap na pusunurin si Jun Xie. Pero kailangan mong mag-isip ng mabuti. Siya pa rin ang Emperor ng Fire Country, kapag ginalaw mo siya, mahihirapan tayo kung anong sasabihin natin sa mga taga-Fire Country. Mahalaga ang pwersa ng Fire Country satin. Mas mapapadali tayo kapag ang Fire Country ang ginamit natin."

Hindi natatakot si Shen Chi kay Jun Xie. Ang ikinakatakot niya ay kung mabigo silang kunin ang pwersa ng Fire Country na nasa likod ni Jun Xie!

Ito ang pinakamalaking bansa sa Lower Realm. Napakarami ang sundalong kanilang hawak.

"Hindi ako naniniwalang may ayaw na magkaroon ng walang katapusang buhay at kabataan! Matigas ang pagtanggi niya doon at mukhang hindi siya interesadong makamit ang purple spirit. Huwag mong sabihin na may lumapit na sa kaniyang galing sa ibang Palace ng Twelve Palaces?" Biglang kinaibahan si Qu Xin Rui sa kaniyang inisip. May pito sa Twelve Palaces ang may alam tungkol sa puntod ng Dark Emperor bukod sa Soul Return Palace. Mukhang may binabalak din ang pitong iyon.

Walang gaanong pakinabang ang Fire Country pagdating sa Middle Realm, ngunit sila na ang pinakamagaling na kanilang magagamit.

Napaisip din si Shen Chi sa sinabing iyon ni Qu Xin Rui ngunit agad siyang umiling para alisin sa isip niya iyon.

"Kung gustong gamitin ng ibang Palaces ang Fire Country, hindi na ako magugulat. Pero hindi si Jun Xie lehitimong kadugo ng Imperial Family sa Fire Country. Bigla na lang siyang itinalagang Emperor. Ilang buwan pa lang ang itinagal niya sa Fire Country at ang dating Emperor ay sapilitan ang pagpapaalis. Kung mayroon mang lumapit na sa Fire Country na taga-Twelve Palaces,sigurado akong sa dating Emperor iyon lumapit at hindi kay Jun Xie na bago lang." Saglit na tumigil si Shen Chi bago nagpatuloy. 

"Ang kailangan nating gawin ay bago pa may lumapit kay Jun Xie, kunin na natin agad siya para pumanig satin. Hangga't naririto siya sa Thousand Beast City ay mas malaki ang ating tsansa."

Kung iisiping mabuti, umalis si Jun Xie at nagtungo sa Fire Country sa mismong araw na itinanyag siya bilang Emperor. Kampante si Shen Chi na wala pang ibang nakakalapit at kumakausap sa Little Emperor!

avataravatar
Next chapter