1048 Mahilig Sa Bata (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang kilay ang nag-angat sa mukha ni Jun Wu Xie.

"Sinsiridad?"

Saad ni Qu Xin Rui, "Nakalimutan na ba ni Young Master Jun ang sinabi ko kahapon? Kahit nagtataglay

ang isang Emperador ng pinakamataas ng katungkulan sa kaniyang nasasakupan, ngunit hindi pa rin siya

makakatakas sa pagkakasira dala ng panahon. Kapag pumayag na sumuporta ang Young Master Jun sa

aking adhikain, mapapawi mo ang pinakamalaking hadlang sa iyong pamumuno bilang Emperador sa

isipan mo. Pinakita ko sa kay Young Master Jun si Lin Feng dahil gusto kong malaman ni Young Master

Jun na totoong tapat ako sa pakikipagtulungan sa iyo. Kapag pumayag ka, ikaw at ako ay makikita bilang

isa, at sino man ang kumalaban sa iyo ay magiging kaaway ko din. Kahit pa isa sa aking mga tauhan, wala

akong palalampasin." Saad ni Qu Xin Rui habang hinihilig ang kaniyang katawan papunta kay Jun Xie.

Maganda ang hugis ng kaniyang katawan at nakasuot ito ng manipis na damit habang nakasandal siya sa

katawan ni Jun Wu Xie, ang mapang-akit niyang mata ay nakatingin kay Jun Xie.

Hindi nagbigay ng reaksyon si Jun Wu Xie ngunit Malamig niyang tiningnan si Qu Xin Rui na idinikit ang

sarili sa kanya.

"Young Master Jun, tapos mo na bang pag-isipan simula kahapon? Payag ka bang makipagtulungan at

magtrabaho kasama ko?" Saad ni Qu Xin Rui, habang nakatingin kay Jun Xie.

Kumunot ang noo ni Jun Wu Xie nang bahagya. Mayroon kakaibang amoy na nanggagaling sa katawan ni

Qu Xin Rui at sa kaniyang naamoy, masyadong matapang ang pabango. Bahagyang inilayo ni Jun Wu Xie

ang kaniyang katawan palayo kay Qu Xin Rui.

"Ano naman kayang tulong ang kailangan sa akin ni Ginang Qu?

Napansin ni Qu Xin Rui ang pag-iwas nito sa kaniya at hindi siya nasiyahan ngunit nabaling ang atensyon

niya sa tanong ni Jun Xie.

"Nasa kamay ko ang isang mapa, at sa mapang iyon may naka-markang napakalaking kayamanan, ngunit

ang mapa ay hindi kompleto. Mayroon lang akong maliit na indikasyon kung nasaan ang kayamanan at

hindi ko mahanap ang eksaktong lokasyon. Kapag pumayag si Young Master Jun na gamitin ang Fire

Country na hanapin ang lokasyon ng kayamanan, bago pa man magawa ang kasunduan, tuturuan ko ang

Young Master Jun kung paano maging Purple Spirit at pagkatapos mahanap ang kayamanan, payag din

akong hatian ng kayamanan si Young Master Jun."

Tinignan ni Jun Wu Xie si Qu Xin Rui, si Qu Xin Rui ay may matamis na pananalita ngunit puno ng

espadang itinatago. Si Jun Wu Xie ay malamig na tumawa sa loob ng kaniyang puso. Kayamanan? Iyon

siguro ang panlinlang ng mga tao ng Twelve Palaces na ginagamit para lokohin ang mga tao sa Lower

Realm. Ang kayamang tinutukoy nila ay ang libingan ng Dark Emperor at sinsabi nitong paghahatian ang

kayamanang makukuha nila ay isang malaking katatawanan para ky Jun Wu Xie.

Ang Twelve Palaces ay nag-aaway away para sa libingan ng Dark Emperor at walang may gustong

makikapagtulungan sa ibang palasyo. Halos makumpleto na ila ang mapa ngunit walang may gustong

magtulungan uoopang hanapin ang kayamanan. Mas pinili ng magi to na mag-aksaya ng mahabang

panahon sa paghahanap kaysa ang makipagtulungan sa iba.

At kung makita man nila ang lokasyon ng kayamanan, ang una nilang gagawin ay ang patayin ang bawat

isa. Walang pagkakataon na papahalagahan nila ang mga pinagakong salita tungkol sa hatian nila ng

kayamanan.

Ang mga sinabi ni Qu Xin Rui ay katawa-tawa para kay Jun Wu Xie at hindi niya maintindihan ang

magagaling na manununtok sa balat ng lupa at madadala sa mga isip-batang panloloko galing sa Twelve

Palaces. Kusang ibebenta ang sarili sa Twelve Palaces dahil sa kahangalan?

Ang akala nila ay nakatisod sila ng napakalaking kayamanan at walang kapantay na kapangyarihan,

ngunit hindi nila alam na sa bandang huli ay hindi rin sila mabubuhay.

Tungkol sa katalinuhan ng mga taong ito, hindi makahanap ng akmang salita si Jun Wu Xie para ilarawan.

"Kung ganoon, bakit pa kakailanganin ni Ginang Qu ang tulong ko? Ang galing ng Thousand Beast City at

sobrang sapat na para sa mga ganitong bagay, hindi ba?" Sagot ni Jun Wu Xie, hindi nagbibigay ng

pagsang-ayon.

Natural na hindi hahamakin ni Qu Xin Rui ang sarili niyang mga tao at nagsabi: "Ang Thousand Beast City

ay maaring sapat na para tapusin ang gawain, ngunit nahulog ako ng hindi sinasadya ng makita ko ang

litrato ni Young Master Jun! Kahit na napakabata pa ni Young Master Jun, may taglay na itong katangian

ng isang pinuno at nadala ang aking puso."

avataravatar
Next chapter