455 Magkakasunod na Sampal – Ang Unang Yugto (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi pa rin sumasagot si Li Zi Mu sa mga kasamahan niya sa pangkat nang biglang lumapag ang ilang pigurogaling sa

itaas ng mga puno!

Ang biglang pagsulpot ng mga pigura galing sa itaas ay gumulantang sa kanila.

Nang nakilala na nila kung sino ang mga ito, ang mabilis na pintig ng kanilang mga puso dahil sa gulat ay dahan-dahang

kumalma.

Ang mga pigurang iyon ay nakasuot ng uniporme ng mga disipulo sa branch division ng Zephyr Academy at kumunot ang

kanilang mga noo nang napagtanto nila na ang mga bagong dating ay galing sa mas mababang dibisyon.

Ngunit, nang tumalon pababa ang dalawa pang pigura, laking gulat nila.

Pagkalapag ni Jun Wu Xie at Fan Jin sa baba, Si Li Zi Mu na nakaupo sa lupa ay biglang tumayo. Pinagmasdan niya ang

malinis na kasuotan ni Jun Xie at nang nakita niya si Fan Jin na masigasig na nakatayo sa tabi ni Jun Xie, hindi

maipaliwanag na selos ang kaniyang nararamdaman.

Pakiramdam niya na dapat siya ang binibigyan ng proteksiyon, at bakit ang ikaapat sa nakalipas na Spirit Tournament na

si Fan Jin ay pinoprotektahang maigi si Jun Xie?

Hindi naman ganito ang naramdaman niya dati. Ngunit, siya at ang kaniyang mga kasamahaan sa pangkat ay hianbol ng

mga jackal buong gabi at karamihan sa kanila ay puno ng sugat at kailangan niya pang lunukin ang kapalaluan.

Samantalang si jun Xie? Ligtas si Jun Xie dahil sa pangangalaga at proteksiyon ni Fan Jin, walang kahit isang galos at ang

kaniyang uniporme ay wala man lang ng isang gusot!

Kung wala si Jun Xie, hindi sana magiging bira ang pagkuha ng posisyon sa Spirit Healer faculty at siya sana ang nasa

pangangalaga ni Fan Jin!

Kung sana ay nasa pangangalaga siya ni Fan Jin, malamang ay ligtas siya sa panganib sa loob ng Battle Spirits Forets!

Nang nakita niya si Jun Xie at ang ilang disipulo galing sa branch division na kasama si Fan Jin at lahat sila ay mukhang

nakapagpahinga at malinis pa din, hindi niya mapigilan kung hindi mainggit.

Nilamon ng inggit at galit si Li Zi Mu, ang kaniyang mga mata ay mabagsik na tinitigan si Jun Xie.

"Senior Fan! Ito ang unang pagkakataon ko sa Battle Spirits Forest at hindi ako pamilyar sa kapaligiran. Pwede ba akong

sumabay maglakad sa iyo? Wala man akong angking malakas na spiritual power pero ang aking ring spirit at Spirit

Healing technique ay malaki ang maitutulong sa inyo. Maari mo ba ankong payagang sumabay sa inyo?"

nagpagdesisyonan ni Li Zi Mu na maiging sumabay sa maabilidad na si Fan Jin at wala siyang pakialam kung ano man ang

sasabihin ng kaniyang mga kasamahan sa pangkat. Malakas ang paniniwala niya na kung sasabay siya kay Fan Jin ay

matatanto nito na ang disipulo ng Spirit Healer faculty na tulad niya ay mas magaling kumpara sa kay Jun Xie sa lahat ng

bagay!

Hindi tumugon si Fan Jin sa mga inihayag ni Li Zi Mu. Ngunit ang senior na siyang nangangalaga kay Li Zi Mu ay nagalit!

"Li Zi Mu! Nakasuklam ka at walang utang na loob!" Halos mamatay siya para lamang mailigtas si Li Zi Mu ngunit agad

siyang kinalimutan nito nang dumating na si Fan Jin. Wala pa siyang nakikilalang taong makasarili na katulad ni Li Zi Mu!

Nagtagis ang mga ngipin ni Li Zi Mu, hindi man lang hinarap ang kaniyang senior at ipinagpatuloy ang pagsusumamo kay

Fan Jin.

Tinitigan lamang ni Fan Jin si Li Zi Mu habang nakakunot ang kaniyang noo, ang kaniyang ekspresyon ay puno ng

pagkamuhi. Kinamumuhian niya ang mga uri ng tao na masyadong makasarili katulad nito.

Napansin ni Fan jinn a ang mga kasamahan ni Li Zi Mu ay hindi maganda ang kalagayan dahil sa natamong mga sugat sa

pag-atake ng mga jackal, ang mga damit nila ay puno ng dugo at gulagulanit. Si Li Zi Mu sa kabilang banda ay wala

manlang galos kumpara sa kaniyang kasamahan. Masasabing prinotektahan ito ng kaniyang mga kasamahan at si Li Zi

Mu ay walang galang na humiling pa na lumipat sa ibang pangkat… isa siyang hangal!

avataravatar
Next chapter