454 Magkakasunod na Sampal – Ang Unang Yugto (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa ilalim ng mga puno, si Li Zi MU ay desperadongibinabalik kahit konti ang kaniyang reputasyon. Hindi niya alam na may

mga taong nakamanman sa kaniyang bawat galaw sa tuktok ng mga matatayog puno.

"Qiao Chu! Yung bote na hawak ng batang iyon kanina, hindi ba iyon ang kaparehong bote na ipinagamit sa atin kagabi

ni Jun Xie?" Matalim na tinitigan ni Fei Yan ang nagkapirapirasong bote na nasa baba bago itinuon kay Qiao Chu ang mga

mata para magtanong.

Naningkit ang mga mata ni Qiao Chu at sinabing "pagtapos nating gamitin iyon kagabi, tinanong ko si Jun Xie kung

ibabalik ko pa sa kaniya at sinabi niyang huwag na. Itinago ko nalamng ito sa ilalim n g akin damit at sa tingin ko ay

nalaglag ito habang natutulog ako."

"Oh… akala ko ang mga disipulo ng main division ay nakatataas at makapangyarihan ngunit mukhang sa ilalim ng

kanilang kakisigan ay may itinatago silang hindi magandang asal. Kailan pa naging kaniya ang bagay na pag-aari ni Little

Xie?"sabi ni Fei Yan na naniningkit ang mata, naiinis sa pagpapanggap Li Zi Mu na sa pag-aari niya ang bagay na

nakapagtaboy sa mga jackals na kung tutuusin ay pag-aari ni Jun Xie.

Tahimik na pinagmamasadan lamang ni Jun Xie si Li Zi Mu habang nagsisinungaling ito sa mga kasamahan.

"Little Xie, kilala mo ba siya?" habang tinitingnan ni Fei Yan si Jun Xie na pinagmamasdan si Li Zi Mu, may napansin siya.

Nang hindi sumagot si Jun Wu Xie, tumikhim si Fan Jin at nagsabing "Ang batang iyan ay si Li Zi Mu, hindi naging

maganda ang pakikitungo nit okay Jun Xie sa academy."

Naging maingat si Fan Jin sa pagpili ng mga ginamit na salita, na si Li Zi Mu ay hindi naging maganda pakikitungo kay Jun

Xie?!

Ito ang rason kung bakit si Jun Xie ay isinusumpa at kinakayamutan ng ibang disipulo sa academy dahil sa ginawang

kwento ni Li Zi Mu.

Kung nagsabi lamang ng totoo si Li Zi Mu, hindi si Jun Xie ang mapagbubuntunan ng galit at pagkayamot ng ibang mga

disipulo.

"Oh?" Nanatiling naniningkit pa rin ang mga mata ni Fei Yan.

Tumayo sa pagkakaupo si Hua Yao at tiningnan si Jun Xie "Siya?"

Tahimik na nakatingin si Jun Xie at nagsabing "magsisimula tayo sa kaniya."

Si Hua Yao at ang iba ay nagkakaintindihan na at tanging si Fan Jin na lang ang hindi pa nakakuha kung ano ang ibig

sabihin ni Jun Xie. At bago pa niya maibuka ang bibig para magtanong kung anong nangyayari, si Hua Yai at ang

kasamahan ay tumalon na pababa!

Si Li Zi Mu ay abala pa din upang makuha ang loob ng kaniyang kasamahan sa pangkat. Ang mga ring spirit ng mga

nakatatandang disipulo ay nakatamo ng iilang sugat at pinakiusapan nila si Li Zi Mu na gamutin sila gamit ang kanyang

abilidad sa Spirit Healing.

Ngunit, ayaw paunlakan ni Li Zi Mu ang kanilang hiling, may pag-aalinlangan sa mukha nito.

"Li Zi Mu! Ano ang iyong ibig sabihin? Ang mga ring spirit naming ay nasugat para lamang sagipin ka at ngayong

humihingi kami sa iyo ng kaunting tulong, hindi mo kami mapagbigyan! Ano ang ibig sabihin nito?!" hindi na napigilan ng

isa sa kanila ang magalit at sinigawan si Li Zi Mu.

Namutla si Li Zi Mu at yumuko ng walang masabi.

Medyo may katagalan na din siya sa Spirit Healer faculty at naging mabait at maalaga sa kaniya si Gu Li Sheng.

Nagmayabang siya noong una ngunit hindi tumagal ang pagmamayabang niya noong kahit ano ang gawin niya, hindi niya

matutunan ang konsepto ng Spirit Healing mismo. Kahit matagal na siya sa Spirit Healer faculty, sa pag-gamot na lamang

ng isang ring spirit, hindi niya pa din magawang espiritwal na enerhiya ang kaniyang kapangyariahang espiritwal. At dahil

sa atensiyon na ibinibigay ni Gu Li Sheng sa kaniya, lahat ng mga nakatatandang disipulo ay ayaw sa kaniya. Si Li Zi Mu ay

nakakapagmayabang lamang sa ibang disipulo ng ibang kagawaran dahil hindi nila alam ang kaniyang pagkukulang.

At lahat ng nakakaalam sa kaniyang pagpapanggap ay hinahamak at hindi siya pinansin.

AT ngayon ang kaniyang mga kasama sa pangkat ay hinihiling na gamitin niya ang abilidad niya sa Spirit Healing, ngunit

paano niya ito gagawin? Kung malalaman ng mga kasamahan niya na wala siyang kwenta, hindi ang mga ito

magdadalawang isip na iwanan siya!

avataravatar
Next chapter