webnovel

Maging Mabait ka upang Haplusin Kita (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang mga gulong ay mabagal habang ang grupo ng mga karwahe ay binabagtas ang Condor

Country. Isang kaakit-akit na munting batang lalaki ang naglabas ng ulo mula sa isa sa mga

karwahe upang silipin ang kapaligiran ng Condor Country, ang pares ng malalaking mga mata

ay puno ng kamusmusan.

"Ito ang Condor Country? Tama lang ang pangalan nito bilang pangalawa sa pinakamalaking

bansa sa kalupaan, puno ng magagandang tanawin ng mga dakilang bundok at malalaking

lawa." Bulalas ng munting bata habang nakahilig ang ulo nito sa bintana ng karwahe, tinitigan

ang magandang tanawin na kanilang dinadaanan, ang mata ay nanlaki sa galak.

Sa loob ng karwahe, isang matandang lalaki na nasa animnapung taon ang umiling habang

nakangiti, isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan.

"Your Majesty, dapat ay maging maingat ka dahil mauga ang karwahe upang ika'y hindi

masaktan."

Bagama't ang munting bata ay mausisa, ito ay napaka-masunurin, at nang marinig nito ang

sinabi ng lalaki, ay bumalik ito sa maayos na pagkakaupo ng walang pagrereklamo.

"Grand Tutor, gaano pa katagal bago natin marating ang Imperial Capital ng Condor Country?"

Ang mukha ni Grand Tutor He ay maamong napangiti at sinabi: "Kadalasan, ito ay nasa pitong

araw pa at pagkatapos niyon ay mararating na natin ang Imperial Capital ng Condor Country.

Sa loob ng pitong araw na iyon, ay nais kong makiusap sa Kamahalan na maging matiyaga

habang naglalakbay."

Masunuring tumango ang munting bata. Nabibihisan ito ng magarang damit, ngunit hindi

labis-labis, sa halip ay nagmukha itong simple at elegante. Nasa walo hanggang siyam na taon

at may kaakit-akit na katangian ang mukha, bagama't hindi pa lubusang matanda, mapaansin

na ang kadakilaan nito sa hinaharap. Nakapatong sa ulo nito ang isang korona na sumisimbolo

ng Imperial na awtoridad, bagaman ang mata nito ay puno ng kamusmusan ng isang munting

bata.

Ang karwahe ay naglakbay ng kalahating araw at nang ang araw ay nasa taluktok na, ang

grupo ay tumigil sa gilid ng kakahuyan.

Grupo ay binubuo ng may karamihang bilang ng tao, ang mga karwahe lang mismo ay nasa

lima na, at sa parehong harap at likod ng karwahe, ay ilang daang guwardiya na nakasuot ng

magaan na baluti.

Matapos huminto ng mga karwahe, ang grupo ay pansamantalang nagsindi ng apoy upang

magpahinga sandali.

Ang munting bata ay nakaupo sa tabi ng apoy, isang kapa na may balahibo ng hayop ang

nakabalot sa kaniyang likod, ang munting mga kamay ay namumula habang hawak ang isang

mainit na bote, ang kaniyang ulo nilingon ang hulang karwahe na nasa dulo nggrupo kung

saan ang tuwa sa kaniyang mata ay biglang naglaho. Pagkatapos ay nag-aalala itong lumingon

kay Grand Tutor He na nakaupo sa kaniyang tabi at sinabi: "Grand Tutor…"

Lumingon si Grand Tutor He sa direksyon kung saan nakalingon kanina ang munting bata at

walang magawa na bumuntong hininga.

"Your Majesty pakiusap huwag ka mag-alala. Ang inyong lingkod ay ginawa na ang mga

kailangang ayusin at pagdating natin sa Imperial Capital ng Condor Country, ang lahat ay

magiging maayos."

Tumango ang munting bata at tahimik na nginuya ang tuyong rasyon na hawak sa kamay.

Tanghaling tapat iyon at ang sinag ng araw ay inalis ang ginaw ng taglamig. Ang pares ng

malaking itim na mata ng bata ay minasdan ang paligid, napansin na lahat ng kaniyang makita

ay bago at nakakaintriga.

Bigla, isang mabalahibong munting anyo ang tumalon mula sa likod ng damuhan.

Agad iyon tinitigan ng munting bata, hindi natitinag ang kaniyang tingin at napako iyon sa

munting mabalahibong bola, bigla ay nagningning sa kasiyahan ang mata nito.

"Munting kuneho… halika munting kuneho…" Ang munting bata ay walang pagtutol laban sa

isang munti at kaibig-ibig na hayop at kaniyang inunat ang dalawang maiksing braso, at

naglakad patungo sa munting mabalahibong bola.

Ang Grand Tuto na nasa isang tabi ay lumingon upang tumingin, at nang makita na isa lamang

iyong munting kuneho na may malaking tainga, ay hindi na niya ito binigyang pansin.

Ang kunehong may malaking tainga ay diretsong tumayo, at ikiniling ang ulo upang masdan

ang munting bata na nakaunat ang kamay papunta sa kaniya.

Natunaw ang puso ng munting bata sa nakita at agad itong tumayo, malalaki ang hakbang ng

maiiksing binti upang tumakbo patungo sa karwahe. Matapos maghalukay ng isalng saglit, ay

kinuha niya ang isang piraso ng karot at naglakad pabalik sa puwesto niya.

"Munting kuneho, mayroon akong karot~ kita mo? Gusto mo ba itong kainin~?" Ang munting

bata ay tumingkayad sa damuhan, matiyagang inaamo ang kuneho na may malaking tainga

upang lumapit sa kaniya.

Suminghot ang kunehong may malaking tainga at tumalon ng dalawang hakbang paharap,

halos isang metro na lamang ang layo nito bago huminto, maingat ang mata nito habang

nakatingin sa munting bata.