1038 Magdusa Sa Sariling Kagagawan 2

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Fiery Blaze Clan ay ang Icy Frost Clan ay laging nagbabangayan at si Qing Yu ay nakatanggap ng

sikretong senyales mula kay Jun Xie kung kayta ginatungan niya pa ang apoy.

Nang sinagot ni Qing Yu si Lin Que sa ganoong paraan, halos masakal na si Lin Que dahil sa pinipigilang

galit.

Si Lin Feng sa kabilang banda ay hindi pa rin mapigilan ang sarili kahit pa pinigilan na siya ng kaniyang

ama habang hirap siyang tumayo mula sa pagkakasalampak nito sa sahig dahil sa malakas na sampal na

tinamo. Sng kaniyang mukha ay pulang pula.

"Ama! Hindi ako lasing! At hindi ba ang lahat ng mga sinabi ko ay katotohanan? Sino sa tingin ni Jun Xie

siya? Ano ang naging basehan upang alokin siya na makipagtulungan sa Dakilang Tiyahin? Ginawa mo na

ang lahat upang pagsilibihan ang Dakilang Tiyahin sa matagal na panahon at sinunod mo lahat ng iniutos

ng Dakilang Tiyahin Ngunit ano ang nakuha mo sa huli? Ngayon gusto ng Dakilang Tiyahin na ibigay ang

Purple Spirit na inaaasam ng lahat diyan sa bastardong iyan! Base lang saan? Ang lahat ng iyon ay dapat

ibigay sa iyo!"

Halos napatalon ang puso ni Lin Que sa mga sinabi ni Lin Feng. Masama na ng pagsalitaan nito ng hindi

maganda si Jun Xie pero ngayon, pati si Qu Xin Rui idinamay niya!

[Paano ko ngayon ito aayusin?]

Si Lin Que ay mabilis na lumuhod sa harap ni Qu Xin Rui, nanginginig habang nakaluhod.

"Alam ito ng Dakilang Tiyahin. Ang iyong tagasilbi ay hindi hinangad ito kahit kailan! Ang aking anak ay

nakakapagsalita lamang ng ganito dahil sa kaniyang kalasingan at hindi dapat ito pakinggan. Ang pagsili

sa Dakilang Tiyahin ay isang napakalaking biyaya mula sa magandang ginawa ko sa aking nakaraang

buhay at ako ay lubos na nagpapasalamat dahil dito. Hindi ako mangangahas na mag-isip ng lagpas pa sa

aking pagsisilibi."

Madilim na ang ekspresyon ng mukha ni Qu Xin Rui at ang lahat ng tao na naroon ay tumahimik. Wala

kahit isa ang nangahas magsalita ng kahit isang salita.

"Ama! Sinasabi mo ban a ang mga sinabi ko ay walang katotohanan? Sa maraming taon na nakaraan,

gaano karaming bagay ang ginawa mo para sa Dakilang Tiyahin? Okay lang kung hindi ka bigyan ng

gantimpala ng Dakilang Tiyahin ngunit masyado itong mapagbigay sa isang bata mula sa labas, ano ka

ngayon niyan?" Hindi pa rin tumigil si Lin Feng.

Hinihiling ni Lin Que na selyohan ang bunganga ng kaniyang anak nang mga oras na iyon!

"Walng hiyang bata! Hindi ka pa ba tatahimik? Hindi ko pinapayagan ang ganiyang pangangahas sa

harap ng Dakilang Tiyahin! Sino ka sa tingin mo para magsalita ng ganiyan sa Dakilang Tiyahin? Bilis!

Lumuhod ka at humingi ng paumanhin!"

"Wala akong ginawang masama! Bakit ako tatahimik?! Hindi lahat naman ng sinabi ko ay pawing

katotohanan? Sa lahat ng pagkakataon na pumunta sa Heaven's End Cliff, na hindi ba dahil sa iyong

paghihirap Ama? Ang punong pinuno ay ayaw na pumunta kung kaya ikaw ang bumuo ng pangkat para

dito! Hindi ba at sinumpa ka ng mga taga Thousand Beast City! Halos ibuwis mo ang buong buhay mo,

hindi pa ba sapat iyon?" Si Lin Feng ay punong-puno ng poot sa kaniyang puso at lahat ng mga hinaing

na gusto niyang sabihin ay isiniwalat na niya ng mga oras na iyon.

Si Lin Que ay takot na takot at nagpatuloy sa pagluhod, hindi siya nangahas na tingnan si Qu XIn Rui,

Nagsalungat na ang mga kilay ni Qu Xin Rui at tiningnan si Lin Feng at nagsabing, "Ang sinasabi ba ni Lin

Feng sa akin ngayonay tinatamo niyo ang mga sumpa ng dahil sa akin?"

Si Lin Que ay nanginginig gabang patuloy na nakaluhod sa sahig.

Hindi napansin ang panginginig ng kaniyang ama at nagpatuloy sa pagsalita, "Ang aking ama ay ginawa

lamang kung ano ang iyong ipinag-uutos kung kaya okay lang na matanggap naming ang mga

pagsusumpang iyon. Ngunit sino sa tingin ng batang ito siya? Bakit maganda ang pagtrato ng Dakilang

Tiyahin sa batang ito?"

Isang malakas na pagkalabog ang narinig ng lahat!

Mlakas na ibinagsak ni Qu Xin Rui ang kaniyang kamay sa hapag at biglang tumayo sa kaniyang

inuupuan.

"Lin Feng! Ikaw ay nagiging mapangahas!"

Si Qu Xin Rui ay higit na nagalit. Hindi niya pa napaparusahan ito sa ginawa nito sa Devious Wyvern at

ngayon kinukwestyon niya ang kaniyang pamamaran sa harap ng maraming tao! Anong mukha ang

ihaharap niya pagkatapos nito?

Huwag ho kayong magalit sa aking anak, Dakilang Tiyahin! Ito ay lasing lamang at ang mga binitawan

nitong salita ay dahil laman sa kalasingan at hindi dapat paniwalaan." Tumutulo ang luha sa mga mata ni

Lin Que habang hindi malaman kung paano hihingi ng paumanhin sa kay Qu Xin Rui.

avataravatar
Next chapter