1037 Magdusa Sa Sariling Kagagawan 1

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matindi ang kaba na nararamdaman ni Qu Wen Hao. Nang marinig naman ni Lin Fen gang mga sinabi ni

Qu Xin Rui, nanlalaki ang kaniyang mga mata dahil sa hindi makapaniwala.

[Si Qu Xin Rui ay gugustuhin ibigay ang Purple Spiritkapalit lamang ng tulong ni Jun Xie?]

[Bakit?]

[Kahit pa si Jun Wu Xie ay may Guardian Grade Spirit Beast, hindi ito sapat na rason para dito!]

Biglang naramdaman ni Lin Fen gang hindi pagiging pantay nito. Ang kaniyang ama ay ginawa ang lahat

upang mapaglingkuran si Qu Xin Rui ngunit wala man lang itong nakuhang kapalit. Si Jun Xie na siyang

nakapatay sa Devious Wyvern ni Qu Xin Rui at kahit kailan ay hindi nagsilbi kay Qu Xin Rui. Kung gayon,

ano ang basehan upang makatanggap ng magagandang bagay si Jun Wu Xie?

Lalong umiinit ang dugo ni Lin Feng at ang galit at pagseselos na kanina niya pa pinipigilan at tinatago ay

malapit nang sumabog.

Bagopa ni Jun Wu Xie maibukas ang kaniyang bibig upang tumugon, si Lin Feng ay biglang tumayo. Ang

kaniyang mukha ay namumula sa galit, tila nakainom ng marami dahil sa pamumula ng balat nito.

"Dakilang Tiyahin! Si Jun Xie ay isang bata lamang na mula pa sa labas n gating bayan. Ano ang naging

basehan upang makipagtulungan siya sa ating Thousand Beast City? Ang tanging taglay niya ay isang

Guardian Grade Spirit Beast ngunit ano naman ngayon? Kung gusto ito ng Dakilang Tiyahin, maari kong

patayin siya ano mang oras at ibigay sa iyo ang Guardian Grade Spirit Beast!" si Lin Feng ay hindi na

kinaya ang pagpipigil!

Natahimik ang lahat ng naroroon dahil sa mga sinabi ni Lin Feng. Ang lahat ng paboritang kalalakihan na

nakaupos sa isang tabi na kanina ay tumutugtog ng musika ay tumigil at mababakas ang pagkabigla at

takot habang nakatingin kay Lin Feng at sa kapangahasan nito na sumagot sa harap nismo ni Qu Xin Rui.

Nang makita niya na ang ngiti sa labi ni Qu Xin Rui ay nabura, alam na ni Lin Qu na ang sitwasyong iyon

ay hindi mauuwi sa magandang kahihinatnan. Mabilis na inabot niya ang kamay ni Lin Feng upang pigilan

ito ngunit tinabig lamang ni Lin Feng ang kamay ng kaniyang ama.

Sumandal si Jun Wu Xie sa kaniyang upuan at nilaro ang alak sa loob ng kaniyang kopa, ang kaniyang

mata ay tila yelo dahil lamig na mababakas mula rito habang nakatingin sa sumasabog na si Lin Feng.

Hindi na napigilan ni Lin Feng ang sarili at dinuro si Jun Wu Xie habang nagsalita kay Qu Xin Rui,

"Dakilang Tiyahin, ano ang maganda sa taong ito? Ginagatasan lamang niya ang katotohanang may

taglay siyang Guardian Grade Spirit Beast. Kung gugustuhin ng Dakilang Tiyahin na magkaroon ng Spirit

Beast, matutulungan kitang kuhanin ito! Kapag namatay si Jun Xie, ang lahat ay hindi na magiging

problema. Maliban sa pagkakaroon ng Spirit Beast, ano pa ba ang magandang katangian na mayroon

siya?"

"Isara mo ang iyong bibig!" nanginginig sa takot si Lin Que nang makita niya ang nagbabadyang galit sa

mukha ni Qu Xin Rui. Tumayo siya at malakas na sinampal ang kaniyang anak na si Lin Feng na siya

namang nasalampak sa sahig dahil sa lakas ng sampal na natamo.

"Aking Dakilang Tiyahin, ipagpaumanhin niyo po ang inasal ni Lin Feng! Ang aking walang kwentang anak

ay mukhang naparami ang inom. Nakikiusap ako sa Dakilang Tiyahin na hindi nito seseryosohin ang mga

sinabi ni Lin Feng at ito ay nakainom lamang at bata pa." Mabilis na pakiusap ni Lin Que.

Ang madilim na ekspresyon ni Qu Xin Rui ay hindi nagbago kahit kaunti.

Si Qing Yu na nanonood lamang sa isang tabi ay hindi rin makapaniwala sa mga nasaksihan. Ang

personalidad ni Lin Feng ay sadyang mayabang at mataas ang tingin sa sarili, alam nito kung paano

umakto ng nararapat sa harap ni Qu Xin Rui. Ngunit, ano kaya ang nangyari dito ngayong araw para

sumabog ng ganoon at mawalan ng kontro nang ganoon kabilis. Ang pagiging kalmado at mahaba ang

pasensiya nito ay tila tinangay ng hangin!

Lumipat ang tingin ni Qing Yu kay Jun Wu Xie. Nang makita niyang binibigyan siya ni Jun Xie ng

makahulugang tingin, tumalon ang kaniyang puso dahil sa gulat at mabilis na itinulak palayo ang

kaniyang pagduruda at mabilis na nagsabi, "Ang mga sinabi ni Clan Chief Lin sadyang interesante. Hindi

ko pa nakikita ang Young Chief na uminom ng ganito karaming alak ngayong gabi, karaniwan na bang

palainom ito? At sa pagiging bata nito… nagbibiro yata si Clan Cief Lin. Si Lin Feng ay nakatakda na

sumailalim sa kaniyang pagiging may gulang at kung ang edad nito ngayon ay ikinokonsidera na bata pa,

ano sa tingin niyo si Young Master Jun, sanggol?!

avataravatar
Next chapter