249 Lihim na Intensiyon (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil sa sinabi na iyon ni Jun Wu Xie nakahinga ng maluwag si Bai Yun Xian. Tuluyan na niyang pinutol ang kaniyang ugnayan sa Qing Yun Clan. Kahit sinong may mahinang pag-uutak ay iisiping nakipagsabwatan si Bai Yun Xian kay Jun Wu Xie tungkol sa pagkakatay ng mga taga-Qing Yun Clan at ng iba pang kasama sa delegasyon. Wala na siyang rason para bumalik pa sa Qing Yun Clan.

Sa mga nakalipas na araw, inobserbahang mabuti ni Bai Yun Xian ang pamamaraan ni Jun Wu Xie. Napagtanto niyang hanggat hindi siya sumalungat sa mga gusto ni Jun Wu Xie, mananatili siyang buhay at payapa.

Bukod sa lason na nasa kaniyang katawan, naisip ni Bai Yun Xian na hindi nagkukulang ang buhay niya sa Imperial Palace, sa katunayan nga ay nagkaroon pa ng katuparan ang kaniyang buhay dito

"Mayroong labindalawang alagad ang Qing Yun Clan ang nangunguna ay nasa ilalim ng pamumuno ng Sovereign. Ang natitirang labing-isa ay nasa kamay naman ng Elder. Nabanggit na bawat isang alagad ay may kaniya-kaniyang katangian. Isa sa kanila ay ang Elder of Cloud Treading Peak, siya ang pinakabata sa kanilang lahat at ang anak ng dating Sovereign. Ang kasalukuyang Sovereign ay hindi kabilang sa pamilyang iyon ngunit isang tapat na disipulo ng dating Sovereign. Walang nakakaalam paanong ang pamumuno ng Qing Yun Clan ay napunta sa isang disipulo ngunit kalat na ang kasalukuyang Sovereign ay may alitan sa Elder of Cloud Treading Peak. Ang suporta sa dating Sovereign ay nanatili at buhay pa rin magpasa-hanggang ngayon. Nitong mga nakaraang taon lang, sikretong kumilos ang Sovereign para tanggalin ang mga sumusuporta sa Elder of the Cloud Treading Peak. kung binabalak niyong pumunta sa Qing Yun Clan, mainam na unahin niyong puntahan ang Cloud Treading Peak. Ang pangalan ng Elder ng Cloud Treading Peak ay Mu Chen. Buwan-buwan ay naghahanap ng mga bagong taong may talento ang Qing Yun Clan. Sa taglay mong talento at kakayahan, madali lang para sa iyo ang makalusot at makapasok sa Qing Yun Clan."

Simula nang mapagdesisyunan ni Bai Yun Xian na pumanig kay Jun Wu Xie, inilahad niya dito ang lahat ng kaniyang nalalaman, wala siyang itinago kahit isa. Ang totoo niyan ay lihim na hinihiling ni Bai Yun Xian na tuluyan nang ubusin ni Jun Wu Xie ang buong Qing Yun Clan para maiwasan ang posibleng paghihiganti ng mga ito sa hinaharap.

Tumango naman si Jun Wu Xie at nasisiyahan sa mga impormasyong kaniyang nakuha kay Bai Yun Xian.

Napakadali ng manipulahin ng mga taong makasarili. Hanggat hawak mo ang kanilang buhay, makikipagtulungan ito.

Sinadya ni Jun Wu Xie na panatilihing buhay si Bai Yun Xian para magamit ito sa pagkalap ng impormasyon at gamitin iyon laban sa Qing Yun Clan.

Ikinasiya naman ni Bai Yun Xian nang makita niya ang satispaksyon sa mukha ni Jun Wu Xie. Kaya naman nagpatuloy pa siya maging sa pinakamaliit na detalye ay wala siyang itinira.

Ang pinakamalakas sa kanila ay ang Sovereign mismo na si Qin Yue. Siya ay indigo spirit user. Bukod sa mga disipulo ng Qing Yun Clan, may mga permanenteng resident doon na kunyari ay opisyal na panauhin. Ang mga iyon ay indigo spirit user din. Madalas silang nakatayo at lumalabas lang kapag may gulo sa Qing Yun Clan. Sila ay magsisillabasan at lillipulin ang kung sinumang nanggulo sa Qing Yun Clan.

Bubuksan ng Qing Yun Clan ang kanilang pinto isang beses sa isang buwan, ang mga taong may kakaibang talento sa Medisina ay magkakaroon ng pagkakataon para ipakita ang kanilang kakayahan. Kung sila ay makakapasa, sila ay makakapasok at magsisimula sa Outer House para mag-aral ng medisina.

Ang mga may kaya ay matatanggap sa Inner House at makakahakbang na agad patungo sa ikalawang taon. Pag-aaralan nila doon ang kakaibang paraan ng Qing Yun Clan sa medisina. Kung sila ay suswertehin at mapipili ng mga Elder o nag Sovereign ng labindalawang alagad, agad silang mapopromote at matatanggap sa Inner House para magsanay at paunlarin ang kanilang sarili.

Walang balak si Jun Wu Xie na sayangin ang kaniyang isang taon sa Qing Yun Clan. Gusto niyang sa loob lang ng tatlong buwan ay tuluyan nang mabubura ang Qing Yun Clan sa mundo!

"Anong araw ng buwan?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Walang pag-aalangang sumagot si Bai Yun Xian: "Tuwing a kinse ng buwan nila iyon binubuksan para tumanggap ng mga bagong disipulo."

Tumango naman si Jun Wu Xie.

Bigla namang may naalala sa Bai Yun Xian na nakapagpabago ng ekspresyon sa mukha nito: "May isa pang bagay na dapat niyong tandaan."

Nalukot naman ang mukha ni Jun Wu Xie

"Sa labindalawang alagad, may isang nagngangalang Hidden Cloud Peak at ang Elder noon ay si Ke Cang Ju. Eksperto ang Hidden Cloud Peak sa pananaliksik ng mga halamang gamot. Ang kanilang pinagtutunan ng pansin ay ang mga lason. Ang Hidden Cloud Peak ay madaling tumatanggap ng disipulo. Sa katunayan sila ang pinakamarami. Ngunit...ang mga disipulong iyon ay bigla na lang na mamatay ng walang dahilan." Sabi ni Bai Yun Xian na may halong pag-aalala.

avataravatar
Next chapter