248 Lihim na Intensiyon (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi basta-basta ang plano ng iyon ni Jun Wu Xie. Pinatay nila ang delegasyon ng Qing Yun Clan kasama ang anak ng Qing Yun Clan's Sovereign. Kapag nalaman nila ito, susugod ang mga ito sa Kingdom of Qi at maghahasik ng kanilang galit.

Kung maghihintay pa sila sa pagsugod ng Qing Yun Clan dito, mas magiging mahirap at delikado para sa kanila iyon.

Hindi lang malakas ang Qing Yun Clan dahil sa mga disipulo at tauhan ng mga ito, kundi dahil may malalakas itong mga kakampi. Kung papagalawin ng Qing Yun Clan ang kanilang mga kinakapitan, kahit sampu pang Kingdom of Qi ang kumalaban dito ay hindi nila kakayanin.

"Wu Xie, alam kong kaya mo. Ngunit isang malaking desisyon ang papunta sa Qing Yun Clan." Nagpakawala si Jun Xian ng butong hininga. Sunod-sunod na duarating sa kanila ang mga pagsubok. Ang kapayapaan ay hindi gaanong nagtatagal sa kanila.

"Pinag-isipan ko na po iyong mabuti, Lolo. Hindi ko sila haharapin kung hindi ko kaya, higit sa lahat, kasama ko ang aking guro! Tutulungan niya ako." Walang nagawa si Jun Wu Xie kundi ang banggitin sa mga ito ang kaniyang gawa-gawa ng guro na bumawas naman sa pag-aalala ni Jun Xian.

"Isa pa, wala na rin naman taong magagawa para iwasan sila. Mangangahas na akong unahan sila habang hindi sila handa, bago pa malaman ng Qing Yun Clan at sugurin tayo."

"Delikado ang sitwasyon ito Wu Xie. Kung may mangyayari man sa iyo, hindi mo ito saamin dapat itago." Pinaalalahanan ito ni Jun Xian. Punong-puno ng pangamba ang puso nito.

Tumango naman si Jun Wu Xie bilang pagsang-ayon.

Ang paglalakbay patungo sa Qing Yun Clan ay aabutin ng Ilang buwan. Imposibleng hindi mapansin ng kaniyang tiyuhin at Lolo ang kaniyang pagkawala sa loob ng ilang buwan na iyon. Kaya naman naisipan niyang kumbinsihin ang mga ito gamit ang kaniyang inembentong guro.

Nang hapong iyon, nagtungo si Jun Wu Xie sa Imperial Palace. Si Qin Yu Yan na iniwan doon ay malubha na ang kalagayan. Namumuti na ang mga mata nito at kinukumbulsyon.

Nakita naman ni Bai Yun Xian na paparating si Jun Wu Xie kaya tumabi siya upang Bigyan daan si Jun Wu Xie. Pinanuod niyang hinihila ng mga guwardiya si Qin Yu Yan palabas ng main hall. Nagmadali naman ang mga katulong at eunuch na linisin ang dugong nagkalat dahil doon.

"Sumama ka sa akin." SInulyapan ni Jun Wu Xie si Bai Yun Xian at pinangunahan nang lumakad patungo sa Crown Prince Palace.

Ang palasyo ng ito ay "pinahiram" kay Mo Xuan Fei para sa kaniyang "pansamantalang tutuluyan." Sa pagkamatay ni Mo Xuan Fei, nanumbalik ang kapayapaan at katahimikan ng lugar na iyon.

Tahimik namang sinundan ni Bai Yun Xian si Jun Wu Xie. Hindi ito nangahas na magbitaaw man lang ng kahit isang salita. Agad siyang sumunod dito habang nakayuko.

Umupo si Jun Wu Xie nang sila ay makarating sa kanilang sadya. Tumingin ito sa ninenerbiyos na Bai Yun Xian at sinabing: "Gusto kong malaman lahat tungkol sa Qing Yun Clan."

Nagugulahang nag-angat ng tingin si Bai Yun Xian kay Jun Wu Xie.

Kahit na walang binanggit na kahit ano si Jun Wu Xie, nahuhulaan niya ang intensyon nito.

Metikulosa ang batang babae sa kaniyang mga plano. Nang Napagdesisyunan nitong patayin ang lahat ng delegado ng Qing Yun Clan, inisip na nitong ang buong Qing Yun Clan ang kalaban nito.

Alam niyang hindi nakilala ang Qing Yun Clan sa pagiging maawain at hindi ito palalagpasin o ang Kingdom of Qi. At eto siya ngayon, mangangahas na unahan ang Qing Yun Clan?

Dahil sa nahuhulaan ni Bai Yun Xian na intensyon ni Jun Wu Xie, hindi siya napalagay. Kailangan niyang uminon ng lunas kada-tatlong araw. Kung pupunta si Jun Wu Xie sa Qing Yun Clan, anong mangyayari sa kaniya?

"Dala ko ngayon ang lunas na sapat para sa anim na buwang mawawala ako. Ibinigay ko ito sa aking tiyuhin. Pagkaalis ko, magpapalala siya ng tao na magbibigay sa'yo ng gamot kada-tatlong araw. Habang wala ako, mananatili ka sa Imperial Palace." Saad ni Jun Wu Xie na parang nababasa ang isip ni Bai Yun Xian. Inilabas ni Jun Wu Xie ang bote at binuksan iyon. Nangamoy ang pamilyar na amoy ng lunas na iniinom ni Bai Yun Xian.

avataravatar
Next chapter