247 Lihim na Intensiyon (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinaumagahan, nagising si Jun Wu Xie at napansing siya ay nakabalot sa roba na yumakap sa kaniya buong gabi. Pilit nitong inaalala kung anong nangyari kagabi sa kung paano siyang nalipat sa kaniyang higaan.

Habang nag-aalmusal ang tatlong henerasyon ng Jun Family, saglit na nagpakita si Jun Wu Yao at agad ding naglaho.

Sa hapag, ay naikwento na ni Jun Wu Xie ang mga nangyari sa Imperial Palace kahapon. Nang siya ay matapos, hindi niya pinansin ang mga gulat sa mga mukha nito, ipinagpatuloy na lang niya ang pag-higop sa kaniyang tsaa..

"Ang kamahalan ay nakaratay pa rin at walang malay hanggang ngayon? At iniwan mo lang si Qin Yu Yan sa main hall ng Imperial Palace?" Parang lalagnatin si Jun Qing sa pamamaraan ng kaniyang apo pati na rin sa walang -habang nitong pag-gamot sa Emperor ng Qi! Alam niya na Mo Qian Yuan ay naging tapat kay Jun Wu Xie. Ngunit sa oras na iyon na nasa bingit ng kamatayan ang lalaki, hindi man lang tumawag ng Imperial Doctor si Jun Wu Xie at inako nito ang responsibilidad sa pag-gamot kay Mo Qian Yuan, pagkatapos ay papabantayan lang nito sa dalawang guwardiya. Hindi ba't para siyang nagpapadalus-dalos noon?

At tungkol naman sa Eldest Miss ng Qing Yun Clan, hinayaan lang nito ang babaeng nakakulong sa Imperial main hall. Hindi pa makakapunta si Mo Qian Yuan sa korte ngunit parang isang kapabayaan ang ginawa nito di'ba?

Para kay Jun Wu Xie ay wala siyang ginawang mali.

"Mabubuhay si Mo Qian Yuan at hindi mamamatay si Qin Yu Yan sa mga susunod na araw." Tiniyak iyon ni Jun Wu Xie sa kaniyang tiyuhin.

"..." Sumuko na si Jun Qing at hindi na lang umimik.

"Hanggang kailan mo balak itago si Qin Yu Yan doon? Hindi mo habang buhay na maisasara para sa lahat ang Imperial Court."

"Uutusan ko si Bai Yun Xian na dalhin siya sa mga piitan mamaya." Mayroon naman nang Emperor doon kaya may kasama na siya. Nang mauubos ni Jun Wu Xie ang kaniyang tsaa, handa na siyang idetalye sa kaniyang lolo at tiyuhin ang mga detalye.

"Mamatay si Qin Yu Yan, kaya 'wag niyo na siyang ipag-alala. May isa pang bagay na kailangan kong sabihin sainyo."

Nagpalitan naman ng tingin si Jun Xian at Jun Qing at hinintay na magpatuloy si Jun Wu Xie.

"Pupunta ako sa Qing Yun Clan." kalmadong binitawan ni Jun Wu Xie ang ka takot-takot na desisyong iyon.

"ANO?"

"KALOKOHAN!"

Napakagat ng labi si Jun Wu Xie nang makita niya ang reaksyon ng dalawang taong malapit sa kaniya. Nag-iisip siya ng paraan kung paano ipapaliwanag ng maayos ang kaniyang gustong mangyari

Sa ginawa ng Qing Yun Clan sa Jun Family, hindi pa siya handa ng magpatawad kaya pinatay niya ang mga ipinadala nito sa Qi. ngunit ang puno't-dulo ng lahat ng ito ay nasa Qing Yun Clan pa. Wala itong ideya na ang kaniyang anak, si Jiang Chen Qing at mga disipulo ay patay na. kapag nakarating dito ang balita, magdedeklara ng giyera ang Qing Yun Clan sa Qi at ang kanilang maliit na kaharian ay hindi kakayanan iyon.

Para hulihin ang kaaway na hindi handa, malaking tulong na mauunahan nila itong umatake. Hindi niya kailangang isalang si Mo Qian Yuan sa parehong leksyon.

Bukod doon, may isa pa siyang dahilan sa papunta niya sa Qing Yun Clan.

Ang Soul Calminng Jade!

Sigurado siyang may matinding dahilan ang Qing Yun Clan sa pagkuha ng Soul Calming Jade at nagpadala pa ang mga ito ng tao para dito. Natukoy ni Little Lotus na ang Soul Jade ay ang Soul Calming Jade na galing sa Spiritual World, ngunit hindi na ito nakapagbigay ng dagdag na impormasyon tungkol doon. May pakiramdam si Jun Wu Xie na ang Soul Calming Jade ay kayang ibalik ang buhay ng kaniyang ama at yun pa ang isang dahilan kung bakit gusto niyang magpunta ng Qing Yun Clan. Para mangalap ng dagdag impormasyon tungkol sa Soul Calming Jade.

Sinadya niyang hindi sabihin sa mag-amang Jun ang kaniyang sumunod na dahilan. Haka-haka niya lamang iyon at hindi niya ito gustong paasahin at sa huli ay ikabibigo ng mga ito ng lubos.

Sinabi lang ni Jun Wu Xie sa mga ito na kailangan nilang unahan ang kanilang mga kaaway. Ayaw niyang isipin ang magiging reaksyon ng mga ito kapag binanggit niya ang tungkol sa Soul Calming Jade.

Alam ng mag-ama ang kakayahan at kapasidad ni Jun Wu Xie kapag may giusto itong bagay. Ngunit ang gusto nitong harapin ay ang Qing Yun Clan! Ang pinakamalakas at makapangyarihang sa lahat!

Sigurado ba siya sa kaniyang balak na patumbahin ang Qing Yun Clan?

avataravatar
Next chapter