142 Lasing na Lotus (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"..." JNagulat si Jun Wu Xie.

Isa lang ang kanyang contractual spirit…..

Nakatulala ang itim na halimaw sa binata.

[Ta...Taba?] Hindi siya sigurado.

Napailing ang binata.

"Ikaw yung mataba! Ang ganda ng itsura ko! Saan ang mataba?!"

[...….] Hindi alam ng itim na halimaw ang kanyang sasabihin.

Sinong pwedeng magsabi sa kanya ng mga nangyayari!?

Paano? Paano naging ganito yung mataba!?

Nagbago!?

"Ako ang Imperial Blue Snow Lotus, o pwede niyo ring tawaging Lasing na Lotus. Wag niyo akong ikumpara sa kumpol ng tabang iyon." Sinabi ng binata ng nakatupi ang mga kamay.

Yumabang rin siya! Nag-iba ang tingin sa kanya ng itim na halimaw.

"Sige, magsimula na tayo. Madalas mo akong ginulo, natuwa ka ba? Halika! Tapusin na natin!" Nanliit ang mga mata ng Lasing na Lotus.

Bago pa sila magsimula, tumayo si Jun Wu Xie.

"Ikaw ang aking taga-alaga, panginoon ko. Hindi kita sasaktan, ngunit lagi akong pinagkakatuwaan nito! Ipapakita ko sa kanya!" Wala siyang balak magpakita ng kawalan ng respeto.

"Nasaan na ang batya para sa lotus?" Tinanong niya ang Lasing na Lotus.

"….." Nag-atubili ang Lasing na Lotus.

"Akin na." sabi ni Jun Wu Xie.

"Nasa lawa….." Napalunok siya, takot sa malamig na tono na nanggagaling kay Jun Wu Xie.

"Dalhin mo dito." Inutos ni Jun Wu Xie. Natakot ang Lasing na Lotus, at agad-agad na sumisid.

Maya-maya, hawak na niya ang batsya sa harap ni Jun Wu Xie.

"Pwede kang mag-ibang anyo?" Tinanong ni Jun Wu Xie, sinusuri ang Lasing na Lotus mula ulo hanggang paa.

Sumagot siya: "Isa kami dati ng Imperial Blue Snow Lotus, ngunit nagkaroon ng aksidente sa aking cultivation, at naipit ako sa maliit na katawang iyon magmula noon. Pag nababad ako sa alak, makakabalik ako ng saglit."

"Ikaw ang kumagat kay Little Black ?" Nagulat si Jun Wu Xie, dahil hindi maglalabas ng sama ng loob ang Little Lotus sa maliit na itim na pusa.

"Oo." Araw araw nakakalmot, sino bang hindi magagalit?

"Kapos ang iyong binibigay para makabalik ako, pero sakto lamang para sakupin ang malay ng matab.. Tsk, ng maliit na nilalang." Nanggigil ang Lasing na Lotus, galit na nakatingin sa halimaw na nakatabi kay Jun Wu Xie.

Nagpigil ang halimaw pero natawa parin siya.

Hindi na kinaya ng Lasing na Lotus. May malabong buntot na patungo sa halimaw.

At…..

POOF! Binalot ng hamog ang katawan.

Nakaramdam ang halimaw ng malambot, at basang nakakapit sa kanyang mukha…

Nang mawala ang hamog, may umiiyak at takot na Little Lotus ang nakakapit sa kanyang nguso, nakatingin sa kanya ng may takot.

Matapos ito...

"WAHHHHHH!!!" Umungol ang Little Lotus at tumalon pababa sa mukha ng halimaw at nagtago sa likod ni Jun Wu Xie, nakatingin sa itim na halimaw.

Paano siya napunta sa halimaw!? Nakakatakot!

avataravatar
Next chapter