141 Lasing na Lotus (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kalmadong nanood si Jun Wu Xie sa dalawang nagtatalo. Pinatong niya ang pusa sa mesa, at inalis naman ang lotus sa batyang kinaroroonan nito at binigay ito sa kanya.

"Itapon mo ang laman niyang alak." Nakasulat sa sinaunang libro na sa cultivation ng Imperial Blue Snow Lotus, wag gagamitin ulit ang naiwang Jade Nectar. Kapag hindi na nakababad ang mga ugat sa alak, kailangan na itong palitan agad. Kaya niya tinatapon ang sobra sa lawa ng mga lotus.

Tumango ang Little Lotus at nagpunta sa lawa ng nakayakap sa batya.

Habang siya'y nagmamadali papunta sa lawa, ang amoy ng batya ay pumuno sa kanyang ilong at namula ang kanyang mga pisngi. Sinulyapan niya si Jun Wu Xie na nakatinging mabuti sa lotus, napalunok siya ng laway at pinunasan ang muntik nang makalusot sa kanyang labi.

Hindi naman na kailangan ito… diba?

Kaya naman, walang masama sa kaunti…?

Linapit niya ang batya sa kanyang bibig…..

[Ano'ng ginagawa mo!?] Biglang sumigaw ang pusa.

Nagulat ang Little Lotus at nang marinig ang sigaw, tinago ang Jade Nectar sa pamamagitan ng pag-inom dito. Nabulunan siya at napaubo hanggang sa mamula, at tinignan ang maliit na itim na pusa.

"Wa… wala….." Binulong niya.

Bumaba ang maliit na itim na pusa at lumapit sa kanya.

Umatras siya mula sa pusa, palapit ng palapit sa lawa.

"Wag… wag ka nang lalapit….."

"Palihim mong ininom ang alak." Tinitigan ng pusa ang Little Lotus.

"Hi...hindi… ARGHHH!!"

Kasunod ang kanyang pagsigaw, nahulog siya sa lawa.

SPLASH!

Nagulat ang pusa. Gusto lang niyang takutin ng kaunti ang maliit na nilalang, pero nabigla ito at nahulog?

"Itigil niyo iyan." Tinignan ni Jun Wu Xie ang dalawang maingay hawak ang lotus sa kanyang kamay.

Hinintay lang ng pusa ang pag-ahon ng Little Lotus.

Matapos ang ilang sandali, hindi parin niya nakita ang mabilog na anyo.

Nalulunod ba ang mga halamang pantubig….? Kinabahan siya't lumapit sa gilid ng lawa.

Pagdating niya sa dulo ng lawa, may malaking anino na mabilis na paahon.

Umambon ng kaunti mula sa puting anyo na lumipad mula sa lawa.

Isa itong gwapong binatang mayroong kulay-pilak na buhok, ang kanyang mga puting gawa rin sa pilak at puti ay nababalutan ng hamog. Dahan-dahan siyang bumaba sa sahig at nagningning sa sinag ng araw.

"MEOW!!" Naging halimaw ang maliit na itim na pusa at tumayo sa gitna ni Jun Wu Xie at ng estranghero.

Dahan-dahang bumaba ang binata, mahinhin ang apak sa basang tabla, buhok nakatabi, nagniningning na mukha.

"Ikaw, ang laging nanggugulo sa akin?" Tinanong ng binata, nakakunot ang noo, nakatitig ang mga asul na mata sa itim na halimaw.

"Walang kwenta, napagkakatuwaan ng isang pusa…. Tsk!" Kita ang galit sa kanyang mga mata.

Nagtaka si Jun Wu Xie sa binatang lumitaw sa kanyang patyo.

"Sino ka?"

Namula ang mukha ng binata habang nakatingin kay Jun Wu Xie: "Hindi mo makilala ang sarili mong contractual spirit?"

avataravatar
Next chapter