204 Lakas

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"At sino 'to?" napaatras si Mo Qian Yuan mula kay Jun Wu Yao na nasa likod ni Jun Wu Xie. Nararamdaman nya na masyadong delikado ang taong ito.

"Si Jun Wu Yao, ang aking... Kuya.'' Ito ang unang pagkakataon na ipinakilala nya si Jun Wu Yao.

"Kuya?" Nagtaka si Mo Qian Yuan. Hindi nya matandaang may ganitong miyembro ng pamilya ng Jun pero nakita nya sa delikadong mata nito ang saya nang banggitin ang salitang "Kuya".

Nang gabing iniligtas ni Jun Wu Yao si Jun Xian at dinala nya ito sa Imperial Palace, nakatitig ang mga mata kay Jun Xian lamang at hindi masyado nabigyang pansin si Jun Wu Yao ng mga oras na iyon.

"Ano ang importanteng bagay ang pakay mo para puntahan mo ako sa mga oras na ito?" Dumistansya si Mo Qian Yuan kay Jun Wu Xie at di nagpahalata na pagdidistansya nya rin ito sa delikadong si Jun Wu Yao.

Simpleng sumagot si Jun Wu Xie: "Ang Soul Jade."

"Soul Jade? Talaga bang..."

Alam ni Jun Wu Xie ang sasabihin nito at napailing sya ng may malalim na ibig sabihin.

"Hindi ko ibibigay ang Soul Jade sa Qing Yun Clan, at ang nais ko ay ang kalahati nito na nasa iyo."

"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ni Mo Qian Yuan at di sya makapaniwala sa mga sinabi nito.

Gusto nyang sa kanya ang Soul Jade ng pamilya ng mga Jun at pati na rin ang sa pamilya ng Imperial?

Nahihibang na ba sya?

"Wu Xie, ano ba ang nais mo sa dito?" Ito ay simbolo lamang ng ordinaryong jade, at kung gusto mo, kukuha ako sa ibang tao ng mas mataas na kaledad njade para sa'yo! Ang pag suway sa Qing Yun Clan para lang sa ka piranggot na jade ay hindi pinakamabuting desisyon na gagawin mo." Laging nagtitiwala si Mo Qian Yuan sa mga desisyon ni Jun Wu Xie, pero sa pagkakataong ito ay para bang gusto nyang sabunutan ang sarili nya dahil sa sobrang nyang pagkadismaya.

Siguro naman ay napagtanto ni Jun Wu Xie ang kahihinatnan nito, tama?

"Ibibigay mo ba o hindi?" Simpleng tanong nya. Ang Soul Jade ay isang Soul Calming Jade, at wala syang intensyong ipaliwanag ito kay Mo Woan Yuan dahil ayaw nyang maging padalos dalos sa bagay na ito na may kinalaman kay Jun Gu.

Ito ang unang pagkakataon na tiningnan ni Jun Wu Xie ng malamig na titig si Mo Qian Yuan at kita nyang nanlamig din ito gaya ng titig nito sa kanyang mga tauhan.

Pinagpawisan ito ng malamig sa kanyang noo. "Kung gusto mo talaga 'to, ibibigay ko ito sa'yo pero... paano ang Qing Yun Clan? Nakita mo naman. Determinado silang kunin ang Soul Jade at walang makakapigil sa kanila sa pagkuha nito."

"Ibigay mo na sa akin at ako na ang bahala sa kanila." Walang balak makipagkamay si Jun Wu Xie at makipag ayos sa Qing Yun Clan."

Noong hinayaan nyang kunin ni Bai Yun Xian ang lason, alam nyang hindi nya na makakasundo pang muli ang Qing Yun Clan.

Nanlumo si Mo Qian Yuan ng marinig nya ang mga sinabi nito. "Kakalabanin mo ang Quing Yun Clan!?... Hindi! Wu Xie! Nakita mo naman ang kapangyarihan ni Jiang Chen Qing! Kahit kasama pa natin ang Rui Lin Army, hindi natin kayang tapatan... "

Hindi na natapos ni Mo Qian Yuan ang kanyang sinasabi, nag iba na ang ihip ng hangin. Ilang sandali pa ay may malabundok na pwersa ang tumama sa kanyang balikat. Yung sandaling iyon ay nanginginig sya at nanghina. Bumagsak ang katawan nya sa sahig at labis syang pinagpawisan.

"Gawin mo ang sinasabi nya." Makapangyarihan ang boses na iyon sa kanyang pandinig ngunit hindi ito sobrang lakas pero nagawa nitong masaktan ang tenga nya hanggang sa may dumaloy na dugo sa gilid ng kanyang labi at tumutulo ito sa sa kanyang tuhod.

avataravatar
Next chapter