346 Laban Para Mabuhay (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Inilapag ni Little Lotus ng dahan-dahan si Jun Wun Xie sa lupa at nakatingin siya sa mahinang anyo nito. Tumingin sya sa itim na halimaw at ang pangil nito ay inilagak sa nakaputing lalake!

Biglang umusok ng asul ang kaniyang katawan at nagliyab siya bigla!

Biglang sumigaw ng napakalakas si Little Lotus dahil sa apoy na iyon!

Matinding galit ang nararamdaman ni Drunk Lotus at umaapoy ng kamuhi ang mga nito patungo sa nakaputing lalake!

"Little Black." Nanggigil na sambit ni Drunk Lotus.

Galit na nakatingin din ang itim na halimaw at ang ilaw ay nawawala na sa kanila. Ang pag-atake ni Jun Wun Xie sa sarili niyang kaluluwa ay pilit na pinigilan ni Little Lotus kaya ito nakalabas sa katawan nito. Ngunit hindi gumagawalnang itim na halimaw kahit isang hakbang lang at kapag hinayaan niya ito ay lalatayan nito si Jun Wun Xie at siguradong ikakamatay niya ito.

Pero sa pagkawala ni Jun Wun Xie bilang pangunahing haligi sa mga pamatay na atake, konting panahon lang kayang hawakan ng kaluluwa ng itim na halimaw ang nakaputing lalake at hindi man lang makapagbigay ito ng konting pinsala.

"Ang utang sa pagitang natin ay ayusin na lang natin sa susunod na buhay. Patayin muna natin ang lalakeng ito." Isa na lang ang matitirang braso ni Drunk Lotus at tumunog ang mga buto nito sa kamay habang sinara niya ito bilang pangkamao.

Umungol ng mahina ang itim na halimaw bilang sagot kay Drunk Lotus.

Hindi na nagdalawang isip si Drunk Lotus at sumugod na ito sa nakaputing lalake na hawak ng itim na halimaw sa pamatay nitong pangil at sakripisyo ng kaniyang kaluluwa. Inatake ni Drunk Lotus ng malupit ang espirito ng lakake, buong lakas niyang ibinuhos ang pwersa niya sa laban na papuntang kamatayan nito!

Umungol ng mahina ang nakaputing lalake at biglang dumugo ang mga mata nito. Hindi siya makapaniwala na nasaktan siya ng isang grupo ng basura sa Lower Realm!

"Ahhh, ikaw pala ang Plant Based Spirit? Sa huli..." Gumalaw ito at ngumiti at ang nakaputing lalake ay nagbitiw ng isang malakas na pasabog ng Spiritual Power at ang enerhiya nito ay nakawala siya sa itim na halimaw! Iniangat niya ang Drunk Lotus at hinawakan ito sa leeg.

"Hintayin mong lamunin ka at tingnan natin ang yabang mo!"

Mahigpit ang pagkakasakal nito sa kaniya at at hindi niya hinayaang hindi ito mahirapan, hindi niya ininda ang sakit sa kaniyang leeg at sinipa niya ito sa dibdib sa abot ng makakaya niya!

Napaatras ang nakaputing lalake mula sa pagkasipa ni Drunk Lotus ngunit hindi niya niluwagan ang higpit ng pagkakasakal dito.

"Bwisit!" Laking galit ng nakaputing lalaki dahil nakita niyang nakumpromiso ang kaniyang sarili sa ganung sitwasyon.

Mas lalong humigpit ang pagkakasakal sa Drunk Lotus at ang nakaputing lalake ay hangad baliin ang leeg nito. "Hayaan mo, bilang Ring Spirit hindi ka mamatay. Malibang ka sa pagpapakasakit na ibibigay ko!"

Inunat niya ang kaniyang mga kamay patungo sa ulo ng Drunk Lotus!

Sa pagkakataong ito, may ungol ng hayop silang narinig. Kinagat g itim na halimaw gamit ang kaniyang matutulis na pangil at ibinaon ito sa taas na bahagi ng kaniyang braso.

Kita sa mata ang sakit na naidulot nito sa nakaputing lalaki. Hindi niya aakalain na ang kalaban niya ay isang grupo pala ng kalaban na handang magpakamatay at hindi sumusuko!

Binigyan niya ng pansin ang Spiritual Power niya sa dalawang kamay at isang malakas na pwersa ang ibinigay nitong atake sa ulo ng itim na halimaw. Hindi ito alintana ng itim na halimaw at naging matatag ito sa ngunit kabila ng pamatay na atake nito, ay nasugatan ang kaniyang panga dahilnsa tindi nito.

Medyo nanigas si Drunk Lotus sa s Spiritual Power na iyon at kinagat niya ang kaniyang dila para ma pwersa siya ng sakit para manatiling gising at alerto. Iniangat niya ang kaniyang nanginging na kamay para hawakan ng mahigpit ang braso ng nakaputing lalaki para hindi ito makagalaw at gawa ng atake.

"Atakehin niyo siya ngayon!" Sigaw ni Drunk Lotus sa abot ng kaniyang makakaya.

Gagamitin nina Hua Yao at Qiao Chu ang natitirang enerhiya para sa pagkaktataong ito, para sa mga kasama din nila. Binuhos nila lahat ng pwersa para atakehin ang nakaputing lakaki.

Isang malakas na tunog ang gumimbal sa buong bundok at ang Spiritual Energy ng nakaputing lalaki ay lumiyab at nagbigay ito ng nakakasilaw na liwanag!

avataravatar
Next chapter