971 Kunehong may Malaking Tainga (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga sugat ng kuneho ay unti-unting tinahi ni Jun Wu Xie gamit ang manipis at malinaw na

sinulid. Matapos tahiin ang mga iyon ay maingat na itinago ni Jun Wu Xie ang kaniyang pilak

na karayom at naglabas pa ng ilang bote ng gamot. Ang iba ay ipinahid niya sa mga natahing

sugat, ang natira ay pinilit niyang ipainom dito sa pamamagitan ng pilit na pagbuka sa bibig

nito, isinagawa niya ang lahat ng iyon ng maayos at wala ni katiting na pag-aalinlangan.

Tulirong namangha si Qing Yu habang pinapanood iyon sa isang gilid. Bagama't wala siyang

nalalaman sa mga gamot ay masasabi niya na ang ginawang panggagamot ni Jun Xie sa

kuneho ay naisagawa ng maayos at tinignan niya siu Jun Xie ngayon na may bagong

paggalang.

Ang isang bata na may kakaibang katalinuhan at maparaan, nagtataglay ng mataas na spirit

power kumpara sa kaniyang mga kaedad at dalubhasa sa medisina. Ang binata bang ito ay isa

talagang tao? Maaari kayang isa talaga siyang diyablo na nabuhay muli?

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang kuneho na malalim na nakatulog sa kaniyang braso. Bagama't

napakahina pa rin nito alam niyang nagawa niya na sagipin ang buhay nito.

Si Lord Meh Meh na nakatayo sa isang sulok ay tumakbo palapit sa tabi ng ulo ng kuneho at

inamoy ito ng kaniyang ilong bago humakbang paatras.

"Meh!!" itinaas ni Lord Meh Meh ang paa nit at itinuro ang kuneho bago ito umunga ng

kakaiba kay Jun Wu Xie.

Tinapik ni Jun Wu Xie ang ulo ni Lord Meh Meh ngunit hindi niya naintindihan kung ano ang

nais sabihin ni Lord Meh Meh sa kaniya.

Ngunit ang pusang itim bagama't tila gulat ang mukha ay ginawa ang trabaho nito ng pagsalin.

"Meow…"

[Ang gunggong na tupang ito ay sinabi na itapo mo na ang kuneho dahil ang kuneho ay

magiging kakumpitensya niya sa pagkain.]

Nakataas ang kilay na tumingin si Jun Wu Xie kay Lord Meh Meh na ang hitsura ngayon ay galit

sa protesta, hindi inaasahan na "magsasalita" si Lord Meh Meh ng ganoong mga bagay.

[Isang napakalakas na Guardian Grade Spirit Beast ay nag-aalala na ang isang mahiyaing

kuneho ay nanakawin ang pagkain nito? Iyon ay kakaiabng makita.]

Ngunit hindi pa magawa ni Jun Wu Xie na harapin ito sa ngayon. Matapos masiguro na ang

mga pinsala ng kuneho ay maayos na ay itinaas niya ang kaniyang tingin kay Qing Yu.

"Tapos na ba ang pagrehistro?"

"Sumagot si Qing Yu: "Ehem, natapos ko na ang pagrehistro ngunit hindi para sa susunod na

laban. Kailangan pa natin maghintay ng dalawang labanan sapagkat lahat ng mga Spirit Beasts

ay nakapila na para sa mga susunod na laban kaya't kailangan natin silang hintayin matapos."

naisip ni Qing Yu na matapos makita ni Jun Xie ang kaawa-awang kalagayan ng kuneho ay

maiisip ng bata na tigilan na ang ideya na dalhin si Lord Meh Meh sa battle arena upang

mapaslang. Hindi niya inaasahan na ang bata ay mapilit.

"Sige." tango ni Jun Wu Xie at ibinalik ang kaniyang tingin sa battle platform.

Ang mabangis na tigre na puminsala sa kuneho at sumugat dito ng matindi at nagpatuloy sa

paggamit ng napakalaking katawan at mabagsik na katangian nito upang lamunin ang kalaban

nito sa entablado, mabilis itong nakakuha ng pagkapanalo sa mga laban ng hindi gaanong

nagsisikap.

Mabuti na lamang ang Spirit Beast na iyon ay hindi kasing hina at walang laban tulad ng

kuneho at bagama't sugatan ito ay hindi naman ito ganoong kalala.

Nang mga sandaling iyon, ang nagmamay-ari sa mabangis na tigre ay makikitang mayabang na

tumatakbo-takbo, nakalabas ang dibdib sa mga manonood. Ang pagmamay-ari niyang Spirit

Beast ay nilupig ang maraming kalaban at ngayon ay nadadarang sa hiram na katanyagan mula

sa nakakabilib na resluta ng kaniyang Spirit Beast, bumakas sa kaniyang mukha ang isang ngisi,

ang asal nito talagang bastos.

Sa sumunod na dalawang laban ang mabangis na tigre ay hindi pa rin nahirapan sa kaniyang

mga kalaban at mabilis itong tinapos.

"Tayo na ang susunod." ibinalot ni Jun Wu Xie ang kaniyang balabal sa wala pa ring malay na

kuneho at inilagay iyon sa braso ni Qing Yu habang sinasabi: "Alagaan mo siyang maigi."

Ang malamig at walang pakialam na boses ni Jun Wu Xie ay nabahiran ng bihirang init. Walang

pagpipilian si Qing Yu at hindi rin niya alam kung ang kuneho ay makakaligtas nga ba at sa

sumunod na sandali ay nakita na niyang naglalakad na si Jun Xie patungo sa battle platform

karga sa kaniyang braso si Lord Meh Meh.

Matapos ang sunud-sunod na panalo sa laban, ang mabangis na tigre ay galit na nakatayo sa

battle platform at puno pa rin ito ng lakas. Ang nagdaan na mga laban ay hindi nagdulot dito

ng pinsala at ito ay nanatiling malakas at dakila pa rin tulad kanina bago ito lumaban sa una

nitong laban. Ang nagmamay-ari dito ay malapad ang pagkakangiti habang nakatayo sa battle

platfor at kaniyang kinuha ang isang piraso ng hilaw at madugong karne upang ipakain dito.

Alam ng lahat na upang mailabas ang likas na ugaling hayop ng isang Spirit Beast, ang ibang

tao ay ginagamit ang masangsang at lasa ng dugo upang pasiglahin ang kanilang diwa.

avataravatar
Next chapter