672 Krisis (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maaaring napaghiwa-hiwalay sila ng buhawi kanina at hindi niya alam kung nasaan sina Qiao Chu ngayon.

Ang baba ng Heaven's End Cliff ay puno ng panganib. Hindi mo gaanong makikita ang paligid doon at hindi mo malalaman kung ano ang maaaring sumulpot anumang oras. Ang ginaw at kadiliman, kasama ang panganib na binibigay ng lugar na ito ay parang isang lugar na susunod sa impyerno.

Iniinda ni Jun Wu Xie ang kaniyang binti at hindi niya alam kung makakaligtas ba si Lord Meh Meh.

Kahit na may karanasan siyang maging beterinaryo noon, ang mga Spirit Beasts ay iba sa mga alagang hayop. Hindi siya sigurado kung mapapagaling niya ba si Lord Meh Meh.

Kumakapal ang hamog na bumabalot kay Jun Wu Xie. Tinawag niya si Little Lotus at inilabas ang wine sa kaniyang Cosmos bag saka inabot kay Little Lotus. Tinignan ni Little Lotus si Jun Wu Xie pagkatapos ay tumingin ito kay Lord Meh Meh. Nanginig ang mga labi nito, pagkatapos ay may inilabas itong lotus seed saka inilagay sa palad ni Jun Wu Xie.

"Ipainom mo sa kaniya. Makakatulong iyan. Kung hindi iyon uubra...talagang hindi uubra kahit kaunti...hahayaan ko siyang kagatin ako." Seryosong nakatingin si Little Lotus kay Jun Wu Xie habang sinasabi iyon. Katulad noong sila ay nasa Cloudy Peaks, kumalat ito sa sarili at ipinakain iyon kay Jun Wu Xie. Determinado si Little Lotus.

Matapos sabihin iyon, tinungga na ni Little Lotus ang wine. Alam niyang sa lugar na ito na puno ng panganib, mas mapapakinabangan siya kung siya ay mag papalit anyo bilang si Drunk Lotus.

Ilang sandali lang ay nakapagpalit na nga ito ng anyo. Nang makita nito ang itsura ni Jun Wu Xie na parang nanghihingi ng paumanhin, sumiklab ang galit sa mga mata nito.

"Lintik!." Saad ni Drunk Lotus. Sinuntok nito ang lupa.

"Maglibot ka sa paligid. Kung makita mo ang mga kasama natin, dalhin mo sila dito." Kalmadong utos ni Jun Wu Xie. Sa krisis na kanilang hinarap kanina, iniisip niya kung ayos lang ba ang kasamahan niya o kung ligtas ba ang mga ito.

"Gagawin ko." Muling sinulyapan ni Little Lotus ang sugat ni Jun Wu Xie. Nanlabo ang pigura nito saka mabilis na naglaho para tingnan ang paligid.

Hindi kailangan ng ring spirits ang kanilang paningin para tignan ang kanilang daraanan. Sila ay spirit forms at ang mga spirit forms ay nakakaramdam ng mga life forms galing sa kanilang awra. Kung sila ay may makakaharap na panganib, agad na makakapagpalit ng anyo ang mga ring spirits sa kanilang formless spirit state at sila ay makakabalik sa kanilang contractual owners.

Nakahinga ng maluwag kahit papaano nang kaniyang mautusan si Drunk Lotus na sipatin ang paligid. Matapos ng ilang sandali, pinagtuunanan naman niya ng pansin ang kaniyang sariling sugat.

Ang pinsalang kaniyang natamo sa kaniyang kaliwang binti ang pinakakapansin-pansin. Dahil sa malakas na pagtilapon nila kanina ay nakatamo din siya ng pinsala sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan.

Iniisip niyang ma swerte pa rin siya dahil kahit na puno ng sugat at pilay ang kaniyang buong katawan, hindi iyon malubha na maaaring magdala sa kaniya sa bingit ng kamatayan.

Pinainom ni Jun Wu Xie ang Lotus seed kay Lord Meh Meh pagkatapos ay pinainom nito ng Water of the Heavenly Spring. Umaasa siyang makakatulong iyon kay Lord Meh Meh.

Hindi katagalan ay bumalik si Drunk Lotus. Hindi nito nahanap ang iba nilang kasama ngunit may nakita itong isang lumang bahay na gawa sa bato. Ang itsura nito ay parang matagal nang naabanduna.

"Bahay na gawa sa bato?" Tanong ni Jun Wu Xie. Isang tirahang bato sa baba ng Heaven's End Cliff?

"Oo, pero mukhang matagal na iyong abandunado." Dagdag pa ni Drunk Lotus.

Lumalim ang tingin sa mga mata ni Jun Wu Xie. Kakaiba sa kaniyang pandinig ang bahay na bato sa lugar na iyon. Ngunit malaking tulong sa kaniyang sitwasyon ang bahay na iyon para kaniyang pagsilungan.

avataravatar
Next chapter