671 Krisis (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malamig ang klima sa kanilang kinaroroonan, sapat para ang isang tao ay manginig. Dahil sa nawala ang balahibo ng tupa, naging masyadong mahina si Lord Meh Meh. Dahil sa sakit na dulot ng sugat at malamig na klima, hindi matigil ang panginginig ni Lord Meh Meh. Dahil sa nakitang iyon ni Jun Wu Xie ay nanginig din ang kaniyang mga mata.

Bigla namang lumitaw galing sa kung saan ang black beast. Agad na ibinalot nito ang katawan nito kay Jun Wu Xie at Lord Meh Meh. Sinisikap nitong mabigyang init ang katawan nilang dalawa.

Hinubad ni Jun Wu Xie ang panglabas na robang kaniyang suot at ibinalot iyon sa maliit na tupa.

Si Lord Meh Meh ay isang Guardian Grade Spirit Beast at wala ni isa sa Lower Realm ang makakapanakit dito. Ngunit ang berdeng bola ng apoy na iyon ay sinunog ang isang Guardian Grade Spirit Beast at nagdulot dito ng matinding pinsala!

Kung hindi naman tumalon si Lord Meh Meh para iligtas si Jun Wu Xie. Sa kaniyang antas ng kakayahan, baka namatay na siya sa mismong oras na tinamaan siya ng bolang apoy!

Hindi man lang siya magkakaroon ng tsansa na matakasan ang kamatayan.

"Hahanapin ba tayo ng halimaw na iyon?" Tanong ng black beast sa mangiyak-ngiyak na boses. Ang bilis ng mga nangyari. Kaawa-awa ang sinapit ni Lord Meh Meh. Hindi lubos maisip ng black beast kung gaano kalakas ang halimaw na humabol sa kanila.

Bukod pa kay Lord Meh Meh, kahit na ipagsama-sama pa sina Drunk Lotus at ang mga ring spirits nina Qiao Chu, hindi yon uubra sa halimaw. Hindi rin sila...

Makakaligtas sa atake noon. Kung sakali ay hindi rin magagawang makatakas nina Jun Wu Xie.

Sa oras na iyon ay labis ang pasasalamat ng black beast kay Lord Meh Meh dahil sa ginawa nitong pagsasakripisyo. Kung hindi dahil dito, baka patay na si Jun Wu Xie ngayon.

Kahit na ito ay isang Guardian Grade Spirit Beast, malubha pa rin ang pinsalang natamo nito. Hindi na nila kailangang hulaan kung ano sana ang sasapitin ni Jun Wu Xie kung hindi iyon ginawa ni Lord Meh Meh.

"Hindi na." Basag ang boses ni Jun Wu Xie habang nakayuko at nakayakap kay Lord Meh Meh. Hindi niya mapigilang kumirot ang kaniyang puso.

"Bago tayo inilipad, narinig ko ang kalansing ng mga kadena. Kung ang isang napakalakas na halimaw ang nagbabantay sa lugar, kahit na ang mga malalakas na pwersang pinadala ng pwersa ay hindi nagawang talunin ito. Noong madiskubre ng mga magulang nina Qiao Chu ang lugar, baka may nahanap silang paraan para iwasan ito. Ang galaw ng halimaw na iyon ay maaaring limitado lang o kaya ay may kadenang pumipigil doon. Kung hindi, sana ay patay na tayong lahat." Kalmadong saad ni Jun Wu Xie. Pinag-aaralan niya ang pangyayari kanina.

Muntik na silang hindi makatakas sa kamatayan kanina.

Napilay ang kaniyang kaliwang binti at kailangan iyong magamot agad. Habang hawak niya si Lord Meh Meh, maingat ang kaniyang mga galaw. Ginamit niya ang natitirang nunchunk sa kaniyang Cosmos Bag bilang suporta sa kaniyang kaliwang binti at binalot iyon ng benda bago siya tumayo para tignan ang paligid.

Ang lupa dito ay kakaiba kumpara sa mga dinaanan nila. Walang lumot at mga kumunoy at ang buong lupa ay nangitim. Para iyong marka ng pagkasunog. Kahit na medyo basa ang lupa, matigas iyon. Kumpara sa kanilang nadaanan na malambot at puno ng kumunoy, mas ligtas dito.

Naisip ni Jun Wu Xie na maswerte pa rin siya at dito siya naitapon. Kahit na siya ay napilayan, swerte niyang hindi siya naitapon sa mga bumubukang kumunoy.

Kung hindi, paniguradong patay na siya ngayon.

Ginamit ni Jun Wu Xie ang liwanag ng Spirit Fire Globe at nagpatuloy na siyasatin ang paligid. Nang hindi niya makita sina Qiao Chu, sigurado siyang mag-isa na lang siya sa lugar na ito.

avataravatar
Next chapter