1366 Kayamanan, Parating Na Kami! (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa tingin ni Qiao Chu ay walang pagpipilian si Ye Gu kundi tanggapin ang kaniyang kahilingan

at si Qiao Chu ay nasiyahan.

Nagtagis ang bagang ni Ye Gu at lihim na hinawakan ng mahigpit ang gold plated pendant na

nakasabit sa mga baywang nina Ye Sha at Ye Mei at ito ay kaniyang dinurog nang walang

tunog.

Sina Yesha at Ye Mei ay napalunok at nagpanggap na parang walang nangyari.

Sa pangunguna ni Ye Gu, ang mga ksama nito ay hindi na kailangang magmasid sa paligid na

walang kaalam-alam sa loob ng libingan ng Dark Emperor.

Ngunit si Jun Wu Xie ay hindi pa nakakalayo bago siya napahinto sa paghakbang.

"Hmmm?" Si Jun Wu Yao ay lumingon kay Jun Wu Xie, may tanong sa kaniyang mga mata.

Tumalikod si Jun Wu Xie at hinanap ang kanyang mga kasama, tumingin siya sa kanila at

biglang napatigil!

"Nasaan si Little Jue?" tumingin si Jun Wu Xie sa buong paligid ngunit hindi niya nakita si Little

Jue sa kanilang mga kasama. Nang si Jun Wu Yao at ang iba pa ay lumitaw sa tuktok ng

bubong ng libingan ng Dark Emperor, napansin pa niya ang maliit na bata sa likuran ng

kanilang mga kasama ngunit ngayon bago sila makarating sa loob ng libingan, ang maliit na

nilalang ay hindi na makita.

Napansin lamang ni Qiao Chu at ng iba pa na nawawala si Little Ju nang magtanong si Jun Wu

Xie.

"Ako…..Ako ay may masamang kutob…." Sabi ni Qiao Chu.

"Ah, nakita ko sa dinaanan nating bulwagan kanina, may isang tumpok ng jade artifacts…"sabi

ni Qiao Chu na alanganing itinaas ang kamay at itinuro. Ang mga pintong pinasukan ay

binuksan lahat ni Jun Wu Yao at nakita nila ang lahat ng bagay na kaakit-akit sa umpisa, ngunit

pagkatapos nilang pagmasdan ay hindi na masyadong pinansin ang mga kayamanan.

[Jade Artifacts!]

Halos hindi pa tapos magsalita si Qiao Chu nang biglang tumalikod si Jun Wu Xie at naglakad

pabalik sa kanilang dinaanan.

Hindi mapigilang ngumiti ni Jun Wu Yao habang sinusundan siya.

Sa isang malaking bulwagan na kung saan bukas ang pinto bukod sa kumikinang na mga ginto

at may halong mamahaling hiyas at alahas na kasing dami ng mga bituin na nakalatag sa sahig.

Sa ibabaw ng mga kumikinang na kayamanan, mayroong kumpol ng jade artifacts na

nakapataong, na walang ingat na itinapon sa mga tumpok.

Samantala, isang maliit na nilalang ang nakaupo sa ibabaw ng gabundok na kayamanan, yakap

ang isang plorerang jade sa mga bisig at masaya itong kinagat 'ka cha"ka cha'.

Tahimik na nakatingin si Jun Wu Xie sa maliit na nilalang na masayang kumakain,

pakiramdam niya ay wala siyang magawa.

Biglang napansin ni Little Jue na may dumating at tumingin siya mula sa tumpok ng jade

artifacts, ang kaniyang bibig ay ngumunguya ng isang tipak na jade na kanyang kinagat . Ang

kaniyang namumulang malalaking mata ay biglang kumurap na parang inosente nang makita

na nakatayo doon si Jun Wu Xie.

Pinulot niya ang jade na singsing sa tabi niya at itinaas ang munting kamay patungo kay Jun

Wu Xie upang sabihing: " Little Big Brother,yit!"

Si Jun Wu Xie ay nakaramdam ng pagkibot ng bibig, Hindi niya ito masikmura.

Bukod sa kung kaya ba talagang kagatin ng kaniyang ipin ang matigas na jade stone,

siguradong hindi ito kayang tunawin ng kaniyang tiyan.

Malinaw na itong jade artifacts ay napakalaki kay Little Jue kung ihahambing sa uri ng jade na

nasa labas, ang jade na maaari nang ilagay sa libingan ng Dark Emperor ay maingat na pinili ng

mga tao mula sa Dark Regions kung saan ang pinakamaganda ang pipiliin. Samakatuwid, ang

enerhiya ng espiritu sa jade artifacts ay ang pinakamahusay na kalidad pati narin kay Little Jue.

Ang pakiramdam niya ay isa siyang daga na umakyat sa bigasan, dalisay at ganap ang

kaligayahan…

Kahit na si Jun Wu Xie ang dahilan upang makarating dito si Little Ju at makahanap siya ng

maraming bagay upang mapalitan ang kapangyarihan ng Soul Calming Jade, ngunit… hindi

niya inaasahan na ilalagay nito ang sarili doon at masayang kakain!

Hindi pa rin nila malaman ang eksaktong lugar na kinalalagyan nila, dito sa loob ng libingan at

ang pag-iwan kay Little Jue ay hindi ligtas gawin para sa kaniya.

avataravatar
Next chapter