20 Kayamanan ang Katawan (Unang Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Upang makakuha ng mga luha, madalas ay kinakagat ng pusang itim ang munting lotus, na nagiging sanhi ng pag-agos ng mga luha ng munting halaman. Sa mga pagkakataong ito ay iniipon ang mga luha sa maliit na garapon. Sadyang inihahanda para kina Jun Xian at Jun Qing.

Bago siya maging tuluyang maging malakas, kinakailangang masiguro ang kaligtasan ng Palasyo ng Lin sa kamay ng dalawa.

Naubos ang lakas at pagud-na-pagod ang munting lotus matapos nitong lumuha kung kaya't nagbalik ito sa palasinsingan ng dalaga, na halos hindi makita.

At maging si Jun Wu Xie ay mahimbing na napatulog.

Sa pagputok ng bukang-liwayway, agad na hinanap ni Jun Wu Xie si Jun Xian.

Habang si Jun Xian naman ay nabigla at lubos na nagalak nang malamang kusa itong hinanap ng kaniyang pinakamamahal na apo. Magmula nang umuwi itong sugatan, bihira na niyang makasama ang apo. Sa tuwing nanaisin niyang makipagkuwentuhan sa dalaga, pansin niya ang sobrang pananahimik nito at tila umiiwas, bagay na tumutusok sa kaniyang puso.

"Wu Xie, apo? Anong ginagawa mo rito? Halika at maupo ka." Masayang sabi ni Jun Xian habang itinuturo siya sa pinakamalapit na upuan.

Si Jun Wu Xie ay itinuturing na pinakamahalagang kayamanan ni Jun Xian, ang natatangi sa kaniyang henerasyon. Batid niyang sa kasalukuyang kalagayan ni Jun Qing, malabo ang magkaroon pa ito ng magiging anak.

Mahinhing umupo ang dalaga at agad nakipag-usap sa kaniyang bagong lolo.

"Lolo, may nais akong italakay sa iyo." Ang mataimtim niyang sabi.

Ang biglaang deklarasyong ito ang biglang nagpa-pintig ng kaniyang puso. Maaari kayang narinig niya ang mga bulung-bulungan na kumakalat sa kaharian?

"Magsabi ka lang. Anuman ang iyong nais, gagawin ko hanggang sa maaabot ng aking makakaya, para sa iyo." Ang tanging tugon ni Jun Xian.

Pinawi ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga pag-aalinalangan. Ito ang beses na makikipag-usap siya sa kaniyang 'pamilya".

"Lolo, alam kong batid mo na wala akong contractual spirit. Batid ko ring hindi ko magagawang linangin ang aking kakayanan, kung kaya't napa-isip ako, mula pa noong nagpapagaling ako sa aking silid, sinubukan kong surrin ang ilang aklat sa medisina. Ang aking kasanayan sa pagsusulat ay hindi masama, at dahil hindi ko kayang linangin ang aking kakayanang ispiritwal, nais ko sanang mag-aral ng medisina."

Tiningnan ni Jun Xian ang dalaga nang may pagka-bigla. Sa unang pagkakataon ay lumapit sa kaniya si Wu Xie at humiling ng isang bagay na may kabuluhan. Sa kabila ng labis niyang pagmamahal sa apo, batid niyang wala itong ibang kakayanan maliban sa gumawa ng gulo. Kung kaya't nanatili siyang nakaupo na parang bato sa pagkabigla.

Nakita ito ni Jun Wu Xie, kung kaya't nagpatuloy siya. Ang Palasyo ng Lin ay hindi na kasing-payapa tulad ng dati. Matapos ng nangyari sa akin, marami akong natutunan. Hindi mo na kinakailangang mag-alala para sa akin. Ang tanging nais ko lang ay magbago."

Patuloy na nanahimik si Jun Xian. Batid niyang hindi maganda ang kasalukuyang katayuan ng Palasyo ng Lin. Maging si Mo Xuan Fei ay tahasang nagawang bumitaw sa kasunduang kasal, patunay lamang na wala na siyang kapangyarihan. At batid niyang hindi niya na ito magagawa pang ikubli sa dalaga.

avataravatar
Next chapter