46 Kay Liit Lang Ng Mundo (Unang Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang laki… ahh… Ang laki ng pinagkaiba" inangal ng gusgusing binata dahil sa laki ng pinagkaiba ng mga bumubili.

"Gusto mo yung mga Eastern Pearls na iyon?" Tinuro ni Jun Wu Xie ang mga Eastern Pearls na naka-display.

Tumango ang binata.

Nang lumusot siya sa mga tao para makarating sa harapan, nagulat siya sa dalawang pamilyar na taong kasama sa dami ng tao.

Isang guwapong binatang nakasuot ng grandeng brokeid na may kasamang magandang dalagang nakasuot ng eleganteng balabal sa kanyang tabi sa loob ng tindahan. Ang magkasintahang ito ay agaw-pansin dahil sa dami ng taong palingon-lingon sa kanila.

"Maraming magagandang bagay dito." Sinabi ng binata sa mahinahong boses habang ang kanyang mga kulay-Almendras na mata ay nakatingin lamang sa dalagang kanyang kasama.

Tumango lamang ang dalaga na may kaunting yabang.

Ang maliit na itim na pusa sa tabi ni Jun Wu Xie ay nagwala. Tumayo ang mga balahibo nito at ito'y sumutsot.

[Yang mapangalunyang mga yan!]

Ang magkasintahan ay si Mo Xuan Fei at si Bai Yun Xian.

Lumingon si Jun Wu Xie ng walang gaanong reaksyon.

"Ang dalawang Spiritual Gems na ito kasama itong siyam na Eastern Pearls ay kakaiba!" Inimik ni Mo Xuan Fei. Magmula nung pangyayari, nalungkot si Bai Yun Xian at hindi na ngumiti. Ginawa na niya ang lahat para lamang pangitiin si Bai Yun Xian pero walang gumana at naalala niya ang Bayang Naulog. Nakasigurado siyang makahahanap siya ng makakapagpasaya sa kanya dito dahil sa dami ng mga gamit at kwento tungkol sa lugar na ito.

Pagkatapos nilang libutin ang Bayang Naulog, hindi natuwa si Bai Yun Xian. Siya ang punong-disipulo ng angkan ng Qing Yun! Meron pa bang kakaibang mga bagay na hindi pa niya nakikita?

Malapit na nilang malibot ang kabuoan ng palengke nang may nakahuli ng kanyang interes.

Halos kasing-laki lang ng bawat Spiritual Gem ang kuko ng kanyang hinliliit ngunit maituturing na itong malaki dahil umaapaw ang spiritual energy mula dito na naramdaman ng kanilang mga contractual spirits.

Ang siyam na Eastern Pearls ay nakapagbuntong-hininga ng kahit mga prinsipe habang tinignan ito ni Mo Xuan Fei ng may paghanga. Madalang ang napakataas na kalidad ng Eastern Pearls sa loob ng Imperial Treasure Vault.

"Bagay ang siyam na Eastern Pearls para sa coronang ipinagawa ko ng para lang sa iyo. Gusto mo ba sila?" Tinapik niya siya habang nakatingin sa kanyang mga mata, tinitignan kung naintindihan ba niya ang gusto niyang ipahiwatig.

Nahiya si Bai Yun Xian at tumango ng nakangiti.

Habang tinutulog ng magkasintahan ang kanilang paglalandian, ang mga tao sa kanilang kapaligiran ay nagbubulong ng kanya-kanyang mga kwento. Lahat sila'y kilala ang magkasintahang ito.

Nang si Mo Xuan Fei at Jun Wu Xie ang engaged, naawa ang lahat kay Mo Xuan Fei. Subalit, ngayong si Bai Yun Xian na ang kasama niya, ang lahat ay nagseselos sa kanya at nakatingin sa kanya ng may inggit.

Kilala si Jun Wu Xie ng lahat bilang isang punong malupit. Kahit na siya'y tila bulaklak sa kanyang ganda, ang kanyang ugali at mga kilos ay mas nakikita. Walang nakakatiis sa kaniyang mainit na ulo.

Ibang iba si Bai Yun Xian, hindi lang siya maganda, naglalabas rin siya ng aura na makalangit dahil sa kanyang mahinhin na kilos at pananalita. Hindi lang 'yon, siya ang punong-disipulo ng angkan ng Qing Yun! Kahit ano pang mangyari, siya ang dyosa ng maraming kalalakihan at nang mabalitaan nila na sila na ni Mo Xuan Fei, naging bunga niyo ang sama ng loob.

Mas lalong nirespeto ng mga tao si Bai Yun Xian nang makita nila ito ng personal at mas minaliit si Jun Wu Xie habang naguusap sa mga naroroon.

Lahat ng ito'y narinig ni Jun Wu Xie ngunit nanatili siyang kalmado. Walang kahit anong reaksyon ang makikita mula sa kanya.

Ang maliit na itim na pusa naman sa kanyang tabi ang naubusan ng pasensya at naging pula lahat ng kanyang nakikita. Gusto na lamang nitong gawin ay sugurin at ubusin ang lahat ng mga hangal na naroroon.

[Ano ba ang alam ng mga gunggong na ito?! Paano nila maikukumpara ang babaeng yan sa aking panginoon?]

avataravatar
Next chapter