48 Kay Liit Lang Ng Mundo (Ikatlong Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pumangit ang ekspresyon ni Mo Xuan Fei habang pinipigilan niya ang kanyang mga nararamdaman. Kumunot ang noo ni Bai Yun Xian at nang lumapit, inabot niya ang isang porcelain na bote.

"Sapat na dapat ito?" Tinanong niyang may yabang habang nakataas ang kanyang baba.

Kinuha ng matanda ang bote ng nakataas ang mga kilay at tumingin sa kanya.

Tumingin lahat ng nanonood para makita ang inabot ng punong disipulo ng Angkan ng Qing Yun. Malamang ay maganda ito!

Binuksan ng matanda ang bote at inamoy ang mga nilalaman nito.

Nang mabuksan, kumalat ang matamis at malamig na amoy sa kapaligiran at namangha ang mga tao roon.

"Ito ay…?" Tinanong niya ng may gasgas na boses.

Ngumiti si Bai Yun Xian at sinabi, "Yan ang sikat na Qing Yun Pill ng angkan ng Qing Yun."

Nang lumabas ang mga salitang ito sa kanyang bibig, nagulat ang mga tao sa paligid.

Qing Yun Pill!

Ito ang nababalitang elixir na mismong ang pinakamataas na puno ng angkan ng Qing Yun ang gumagawa. Kilala rin ito bilang ANG bumubuhay na tableta – kahit ang isang taong may isang paa sa libingan ay makapagpapahaba ng kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom nito.

Ang reseta nito ay isa sa mga mahigpit na binabantayan at ang pinakamataas na puno lamang ang iisang taong may alam kung paano gawin ang tabletang ito. Para dito, maraming hari at tagapamahala na ang gumawa ng iba't ibang paraan para makakuha nito. Ngayon, lumakbay si Bai Yun Xian papunta sa Kaharian ng Qi para ihatid ang mamahaling elixir na ito sa Emperador.

Ang kanyang inabot ay binigay sa kanya ng kanyang amo para sa sarili niyang kagamitan.

Ang pangalan ng tabletang ito ay kilala sa maraming kaharian at ito ay isang pangarap na marami ang nagnanais ngunit hindi maabot.

"Grabe, nakaayon nga ang kanyang ugali sa pangalan niya ng punong disipulo ng Angkan ng Qing Yun. Kaya niyang ilabas ANG Qing Yun Pill ng parang wala lang! Swerteng-swerte ang matandang ito." Maraming tao ang naiinggit at tumitig ng nakanganga sa porcelain na bote na iyon habang pabulong na naguusap.

Ang pagpalit ng Qing Yun Pill para sa mga bagay na ito ay pagkalugi para kay Bai Yun Xian.

"Ang mga tabletang ito ay ginawa mismo ng pinakamataas na puno ng Angkan ng Qing Yun! Kahit na maubos niya ito, ang kailangan lang niyang gawin ay humingi sa kanyang amo. Wag niyo siyang itulad sa mga dukhang tulad niyo!" Sinabi ng isang nanonood habang painggit na nakatingin sa magkasintahan sa harapan nito.

Para makasama si Bai Yun Xian, malaki ang tinaas ng impluensya ng Pangalawang Prinsipe.

Malaki ang pinagkaiba ni Bai Yun Xian at ni Jun Wu Xie.

Kahit na pabulong ang mga ito, naririnig parin ito ni Bai Yun Xian at tumatango siya habang nakangiti kay Mo Xuan Fei.

Subalit, pagkatapos amuyin ng matanda ang elixir, tinakpan lamang niya ito at hinitsa pabalik sa kanya.

Nanigas ang nakangiting mukha ni Bai Yun Xian.

"Hindi ko ito kailangan. Hindi magbabago… Hindi magbabago.: Sinabi niya habang siya'y sumandal, humigop, at bumuga ng usok mula sa kanyang pipa.

Sa pagkakataong iyon, muntik nang lumuwa ang mga mata ng lahat ng taong naroroon.

Nasiraan na ba 'tong matandang ito?!

Yung ANG Qing Yun Pill!

Gumuho ang ngiti ni Bai Yun Xian at nakita ang kanyang pagkalungkot sa kanyang mukha. Ito ang unang pagkakataong may tumanggi sa elixir na ginawa ng kanyang amo!

"Mahal na ginoo, ito ang Qing Yun Pill. Q – I – N – G Y – U – N pill!! Sigurado po ba kayong ayaw niyo po?" Ipinaliwanag niya ng mainit ang ulo.

"Hindi, hindi, hindi! Kung wala ka nang iba pang mga elixir, wag mo nang istorbohin ang iba ko pang mga suki." Inip niyang sinabi.

Masakit ito para sa magkasintahan habang sila'y nakatayo doon ng hindi alam ang gagawin – ang kanilang mga ekspresyon, itim na itim.

Nagduda na rin sila na walang balak ang matanda para magnegosyo, may lakas pa siya ng loob para tanggihan ang Qing Yun Pill?

"Kung ayaw mong makipagpalit edi hindi kami makikipagpalit! Sa tingin mo ba, ganun kahalaga ang mga tinda mo?!" Malamig na sinabi ni Mo Xuan Fei.

Sinulyapan siya ng matandang lalaki, inirapan, at hindi na pinansin.

avataravatar
Next chapter