1178 Kasabwat sa Krimen (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nagsisinungaling si Lin Xiao. Iyon ang puntong wala siyang alam.

Tinitigan ni Jun wu Xie ang maputlang mukha ni Lin Xiao, at pumasok sa kaniyang isip ang

pinagmulan ng Soul Calming Jade.

Ang Soul Calming Jade ay orihinal na mahiwagang kayaman ng Spirit World ngunit sa mga

taon na ang Dark Emperor ay pinag-isa ang Middle Realm, ito ay kinuha. Matapos niyon, ang

Dark Emperor ay namatay at ang Dark Regime ay ibinaon lahat ng mga kayaman sa libingan ng

Dark Emperor at kung tama ang kaniyang hula, ang Soul Calming Jade ay posibleng nakabaon

sa loob ng libingan ng Dark Emperor, kaya paanong ang isang piraso ng jade na ito ay biglang

lumitaw sa Qi Kingdom?

Iyon ang isang bagay na hindi magawang masagot ni Jun Wu Xie kahit gaano niya pa isipin

iyon. Tungkol sa Soul Calming Jade, kailangan niyang tanungin si Jun Xian upang makuha ang

mga sagot na kaniyang hinahanap.

"Sa kooperasyon na ito ng All Dragon Palace at Condor Country, intensyon mo ba na ipadala

ang mga kawal ng Condor Country upang hanapin rin ang libingan ng Dark Emperor?" patuloy

na tanong ni Jun Wu Xie.

Ang mukha ni Lin Xiao ay nag-iba ng kulay habang ang mga mata niya ay lumagpas kay Jun Xie

at tiningnan si Jun Wu Yao na nakatayo sa likod, ang mata niya ay puno ng takot. Sa isang

sulyap , at siya ay talagang nahindik sa takot na ang kaniyang kaluluwa ay halos humiwalay sa

kaniyang katawan habang siya ay lumuhod at tuloy-tuloy na yumuko nang mababa.

"Ang lahat na iyon ay inutos sa aking na gawin ng Elder! Ipinadala sa akin ng Elder ang mapa

ng libingan ng Dark Emperor dito sa Lower Realm upang lapitan ang isa sa kapangyarihan ng

Lower Realm upang hanapin iyon. Wala akong balak na magdulot ng anumang pagkakasala sa

Dark Emperor!"

Umiiyak na pagpapaliwanag niya, habang siya ay humihingi ng awa.

Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie, hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang

biglang takot at pagsisisi ng lalaki.

[Kahit na magkasala siya sa Dark Emperor, kailangan pa ba iyon sabihin sa kaniya?]

Hindi napansin ni Jun Wu Xie ang malapad na ngiti sa mga labi ni Jun Wu Yao.

"Nasaan na ang mapa ngayon?" malamig na tanong ni Jun Wu Xie.

"Sa… Sa kamay ng Emperor ng Condor Country…" saad ni Lin Xiao.

Malamig na ngumiti ang puso ni Jun Wu Xie. Tulad ng inaasahan, ang All Dragons Palace ay

mayroon din pirason ng mapa sa kanila!

Si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasama ay mayroon ng limang mapa sa kanilang pag-aari at

mula sa inaasinta nilang walo, ay mayroon na lamang natitirang tatlo. Nang makakuha ng

impormasyon tungkol sa lokasyon ng susunod na mapa, ay napagplanuhan na ni Jun Wu Xie

kung ano ang susunod nilang gagawin.

Nang malinawan ang lahat, ay wala ng interes si Jun Wu Xie na mag-aksaya pa ng oras na

pakinggan pa si Lin Xiao. Agad siyang tumalikod at lumabas sa kulungan, hindi na nagbigay ng

kahit isang sulyap sa kanino man sa loob ng kulungan.

Sa sandaling lumabas siya sa kulungan, ang kulungan ay biglang napuno ng masangsang na

amoy ng dugo. Marahang lumabas si Ye Sha at Ye Mei, na may bahid ng dugo sa kanilang mga

kasuotan.

Ang balita tungkol sa Soul Calming Jade ay nagbigay ng hindi magandang pakiramdam kay Jun

Wu Xie at hindi na siya naghintay pa ng kahit isang saglit at dumiretso na upang hanapin si Jun

Xian.

Sa mga sandaling iyon, si Jun Xian ay sinisipat ang mga listahan ng pangalan ng mga kawal ng

Rui Lin Army na namatay sa labanan at ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay nabahiran ng

sakit. Nang makita niyang pumasok si Jun Wu Xie, madiin niyang ipinikit ang kaniyang mga

mata at ginawa ang lahat upang itulak ang emosyon sa kaniyang puso. Nang buksan niyang

muli ang mga mata ay nagbalik ang mapagmahal at magiliw na mga mata, kung paano niya

laging tingnan si Jun Wu Xie.

"Anong sabi nila?" tanong ni Jun Xian habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Ang dahilan kung

bakit ang apat na bansa ay nag-anib upang lusubin ang Qi Kingdom ay naging isang malaking

katanungan na nakabitin sa kanilang mga isipan. Ang Qi Kingdom ay hindi kailanaman naging

kalaban ng ibang bansa ngunit bigla ay dumanas ng ganitong kalamidad, na talagang

nagpasakit sa kanilang lahat.

Hindi sila takot sa giyera, ngunit hindi nila maatim na makita ang kapuwa nilang kababayan at

miyembro ng pamilya na sa huli ay mamatay sa battlefield.

""Dahil sa Soul Calming Jade." napansin ni Jun Wu Xie na pinaglalabanan ni Jun Xian ang

matinding kalungkutan sa kaniyang puso at ang kaniyang puso ay nakaramdam rin ng pighati.

Ang Rui Lin Army para kay Jun Xian, bagama't tangan niya sa kaniyang kamay ang

pinakamatalim na patalim, ito rin ay dugo ng kaniyang buhay. At ang digmaan na iyon ay

kumuha ng walumpong libong mandirigma ng Rui Lin Army at para kay Jun Xian, katumbas

iyon ng pagputol ng pirasong laman mula sa kaniyang puso, kaya gaano kasakit iyon?

Hindi iyon mailarawan ni Jun Wu Xie.

"Soul Jade?" natigilan si Jun Xian. Ito ang pangalawang pagkakataon na gumawa ng gulo ang

Soul Jade sa kanila. Nang magpakita ang QIng Yun Clan sa Qi Kingdom noon, hindi nga ba't

dahil sa piraso ng jade na iyon din?

avataravatar
Next chapter