1176 Kasabwat sa Krimen (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Yan… Ang hindi namin alam. Ang Condor Country ay bigla na lamang kaming nilusob at ang

tiyempo nang paglusob ng ibang bansa ay halos magkasunod, halos lumusob sa amin sa

parehong pagkakataon, mula sa apat na magkakaibang direksyon ay nilusob ang ating

hangganan, kaya naisip namin na maaaring noon pa lamang ay kanila na itong napagplanuhan

at inayos." sagot ni Jun Qing.

"Ang pangyayaring ito marahil ay gawa ng Condor Country. Ang Condor Country ay

nakipagsabwatan sa tatlong ibang bansa upang iasagawa ang pagsalakay." Naisip ni Jun Wu

Xie na kilatisin kung mayroon siyang makukuhang mga imprmasyon mula kay Jun Xian at sa

iba pa sa Qi Kingdom ngunit sa kaniyang nakikita sa ngayon, ang impormasyon na mayroon

ang Qi Kingdom ay kaunti lamang kaysa inakala niya.

"Naikulong ko na lahat ng Commanders ng mga hukbo bukod sa Prosper Country at sila ay

aking tatanungin maya-maya." saad ni Jun Wu Xie habang naniningkit ang mga mata. Kung

hindi siya nagkakamali, sa kaniyang pagkakatanda ay mayroon pang isang tao na nabihag si

Jun Wu Yao!

Nabanggit ni Jun Wu Yao na ang taong iyon ay mula sa Bone Shifters Tribe. Hindi pamilyar si

Jun Wu Xie sa patungkol ni Hua Yao na mula sa Bone Shifters Tribe, isang tribo na makikita

lamang sa Middle Realm!

Ito ay malinaw na ang pagsalakay sa Qi Kingdom ay masalimuot na konektado sa Middle Real

sa ibang paraan!

Nang pumasok ang isiping iyon sa utak ni Jun Wu Xie, ay madali siyang nagpaalam kay Jun Xian

at Jun Qing. Hangga't hindi niya nalalaman ang lahat sa likod nang pagsalakay s Qi Kingdom,

ay hindi mapapalagay ang kaniyang kalooban .

Si Lin Xiao ay nakakulong sa ilalim na piitan ng Qi Kingdom kasama ang tatlong Commanders.

Habang si Lin Xiao ay halos nakalaya na sa itim na usok, ang itim na usok ay hindi pa tuluyang

nawawala, sa halip ay naging isang uri ito ng tali, na nakapulupot sa kaniya kaya naman hindi

ito makagalaw.

Si Ye Sha at Ye Mei ay binabantayan ang buong piitan at hindi nagpahintulot kahit sino na

makalapit.

Dumating si Jun Wu Xie sa piitan kasama si Jun Wu Yao.

Katatapak pa lamang niya sa piitan nang isa sa mga Commanders na nakakulong sa isang selda

ay nagmamadaling namaluktot sa mga bakal na rehas at idiniin ang kaniyang sarili sa rehas

habang takot na takot na nakatitig kay Jun Xie.

"Your Majesty! Your Majesty! Ang Condor Country ang nagsulsol sa amin upang lusubin ang Qi

Kingdom! Kami ay hamak na sumusunod lamang sa mga utos! Nagmamakaawa Your Majesty

na pakawalan ako, wala akong kinalaman sa lahat ng ito!" Ang Commander ay umiiyak at

tumutulo ang sipon sa mukha habang nagmamakaawa, hindi ito kakikitaan ng kahit konting

kagitingan ng isang kawal sa mga sandaling iyon.

Tinapunan siya ni Jun Wu Xie ng tingin ngunit wala itong sinabi. Sa halip, ang Commander in

Chief ng Condor Country na nakakulong sa katapat niya ay nakangising tumatawa.

"Your Majesty? Kung tama ang aking pagkakatanda, ito ay ang Kamahalan mula sa Fire

Country. Kailan mo pa nakalimutan ang pangalan ng mga bansa?" ngisi ng Commander in

Chief ng Condor Country. "Sumusunod sa utos? Bakit tila sa pagkakatanda ko kayong tatlong

bansa ay pinangakuan ng napakarami? Isa na doon ay sa oras na matalo ang Qi Kingdon, lahat

ng lupain na pagmamay-ari ng Qi Kingdom ay paghahatian ng tatlong bansa? Ang pagsalakay

na ito ay walang kinalaman sa inyo? Ha ha… Sa mga naging labanan sa Qi Kingdom, ay hindi

kayo nakalimot maski minsan na magpadala ng inyong mga tao upang pagnakawan at

manloob sa mga siyudad na aming nakuha.

Nagulantang ang Commander at ang kaniyang mukha ay naging kulay berde.

"Ikaw… Hindi mo ako masisiraan ng ganiyan! Kailan… Kailan ko pinagnakawan ang kahit anong

siyudad nila!?"

Nang makita nila na lubos ang pagprotekta ng munting Emperor ng Fire Country sa Qi

Kingdom, ang tatlong commanders ay nagulumihanan, at ang tanging magagawa lamang nila

sa ngayon ay gawin ang lahat upang linisin ang kanilang pangalan sa napakasamang krimen na

kanilang nagawa sa mga mamamayan ng Qi Kingdom.

"Siraan ka? Nang magsimula lumusob ang iyong hukbo, ang mga siyudad na nasa ruta ng

paglusob ng iyong hukbo ay inyong pinagnakawan. Lahat ng iyon ay mapapatunayan at

madaling malalaman sa bahagyang pag-iimbestiga kaya hindi ko na kailangan pang magsalita

ng kahit ano." tumatawang sagot ng Commander in Chief ng COndor Country.

Kung saan mayroong benpisyong makukuha, ang mga COmmander ng tatlong bansa ay

nagmamadaling puntahan iyon. At ngayon na natalo sila sa laban, silang lahat ay ganito na ang

inaakto, kaya lubos siyang nasusuklam sa mga ito!

Kalmadong nakatingin lamang si Jun Wu Xie sa dalawang Commander na binubuko ang bawat

isa, ngunit walang kahit anong emosyon ang makikita sa kaniyang mga mata.

Ang huling Commander na hindi kumikibo sa lahat ng iyon ay ginawa ang lahat upang

baluktutin ang kaniyang sarili na parang sa isang bola sa pinakadulo ng kaniyang selda, hindi

magawang tumingin kay Jun Xie. Ang nakagapos at hindi kumikibong si Lin Xiao ay

nakasalampak sa sahig at titig na titig kay Jun Xie at Jun Wu Yao ang mga mata niya ay puno

ng hindi mailarawan na takot!

avataravatar
Next chapter