808 Kapalaran (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakahara psi Jun Wu Xie kay Lei Chen, ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa mga mata nito.

"Ano ang iyong pangalan?" maingat na tanong ni Jun Wu Xie.

"Lei Chen." Sagot ni Lei Chen, walang ekspresyon ang mukha ngunit ang boses ay malutong at malinaw.

Si Qiao Chu na nakatayo sa isang sulok ay kumisap ang mga mata sa pagkamanghan habang nakatingin sa kakaibang galaw ni Lei Chen.

"Nakakamangha ang epekto ng gamot! Kung may ganito ulit na sitwasyon tayong makakaharap sa mga susunod na pagkakataon, pwedeng painumin lang ni Little Xi eng gamot at mabilis na nating makukuha ang impormasyon na kailangan natin!" mahinang bulong ni Qia Chu, marahang itinulak ang kaniyang balikat sa balikat ni Hua Yao na siyang katabi niya.

Hindi inalis ni Hua Yao ang mga mata kay Lei Chen at sumagot sa mababang boses, "Hindi lahat ay gumagana sa lahat ng tao."

Nagkibit balikat lamang si Qiao Chu at hindi na muling nagsalita.

Sa ilalim ng kaunting liwanag mula sa kandila, tahimik na umupo si Lei Chen sa silya at walang kagalaw-galaw at sinasagot lamang ang mga tanong ni Jun Wu Xie.

Tatlong simpleng tanong ang tinanong ni Jun Wu Xie kay Lei Chen upang masigurado na nagkaroon nga ng bias ang gamot kay Lei Chen. At pagkatapos, sumingkit ang mga mata ni Jun Wu Xie at nagtanong sa malamig na boses, "May nakaharap ka na bang taga Middle realm?"

Si Lei Chen na kanina lamang ay sumagot ng walang hesitasyon sa mga naunang tanong ni Jun Wu Xie ay tila nakakulong, ang kaniyang walang mababakas na ekspresyon sa mukha ay pumihit pataas at parang nahihirapan.

Nagulat ng kaunti si Jun Wu Xie sa reaksyon nito. Ang ibingay niyang gamot kay Lei Chen ay ang uri ng gamot tuluyang magpapamanhid sa buong katawan at pag-iisip ng isang tao. Magkakabisa lamang ito kung ang tao ay nakainom ng maraming alak at ito ang unang pagkakataon na ginamit niya ang gamot na ito simula ng ipinanganak siyang muli at ang reaksyon ni Lei Chen sa gamot na ito ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kay Jun Wu Xie.

Sa ilalim ng impluwensiya ng gamot na iyon, imposibleng makapagbigay si Lei Chen ng ekspresyon dahil ang kaniyang utak ay dapat tuluyang napamanhid ng gamot.

"Siya… Bakit hindi na siya sumasagot?" tanong ni Qiao Chu, sabik sa sagot na makukuha kay Lei Chen.

Tumaas ang isang kilay ni Jun Wu Xie, ang kaniyang mga mata ay nanatili sa mga mata ni Lei Chen.

"May problema ba?" napansin ni Fan Zhuo na hindi normal ang mga galaw ni Jun Wu Xie.

Sumagot si Jun Wu Xie, "May mali."

"Mali?"

Kinagat ni Jun Wu Xie ang kaniyang ibabang labi bago sumagot, "Kung nakaroon siya ng espesyal na pagsasanay hipnosis, ngunit kung wala, dapat ay diretso lang siyang sasagot sa mga tanong ko ng walang pag-aalinlangan." Sa nakaraang buhay niya, may mga nakaharap na siyang iilang tao na nagkaroon ng espesyang na pagsasanay sa hipnosis. At ang mga taong iyon ay nakakayanang labanan ang bisa ng gamot na nagmamanipula sa utak.

Ngunit pagkatapos niyang maipanganak muli makalipas ang napakatagal na panahon, wala siyang nakita na kahit ano tala tungkol sa gamot na ginamit niya. At kung wala nga itong tala sa mundong ito, paano magkakaroon ng espesyal na pagsasanay para sa gamot na iyon si Lei Chen?

Saglit na pinag-isipan ni Jun Wu Xie ito at nagdesisyon na baguhin ang pamamaraan ng pagtatanong. Binuksan niyang muli ang kaniyang bibig at nagtanong, "Nagpadala ka ba ng pangkat ng kalalakihan na papunta sa Heaven's End Cliff noong nakaraan?

Sa pagkakataong iyon, ang nakakunot na mukha ni Lei Chen ay napalitang ng walang ekspresyon mukha at tila walang buhay na mga mata at mabilis na sumagot, "Oo."

"Binigyan mo sila ng mapa. Saan mo itinago ang orihinal na mapa?" tanong ni Jun Wu Xie.

"Walang orihinal. Ang mapang iyon ay nakuha lamang sa kamay ng guwardiya ng aking ama." Hindi nagbago ang walang ekspresyon na mukha ni Lei Chen habang nagsasalita ngunit ang mga binitawan nitong salita ay ikinagulat ng lahat ng nasa silid na iyon.

[Wala sa kamay ni Lei Chen ang mapa?! Ano ang nangyayari dito?!]

avataravatar
Next chapter