979 Kaibig-ibig na Kuneho (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makabalik sila sa Fiery Blaze Clan Hall, si Xiong Ba ay nagbalik na. Ngiting-ngiti ito habang

sinasalubong sila Jun Xie. Kung titingnan ang ekspresyon ng kaniyang mukha, masasabi na siya

ay nasa masayang kondisyon.

"Ano ito?" bago pa man tanungin ni Xiong Ba kung kamusta ang unsnag araw ni Jun Xie sa

Thousand Beast City ay nakita nito ang isang kuneho na nababalot ng dugo sa braso ni Qing

Yu.

Bakit sila nagbalik na mayroong dala na isang kuneho na halos mamamatay na sa unang araw

nila sa labas?

Mapait na tumawa si Qing Yu: "Nakuha ito ni Young Master Jun mula sa Spirit Beast Arena."

"Nagpunta kayo sa Spirit Beast Arena ngayon?" dati pa man ay interesado na si Xiong BA kung

ano ang mga kaganapan sa Spirit Beast Arena.

"Hindi lamang kami nagtungo doon, nagparehistro rin si Young Master Jun upang lumahok sa

labanan." sagot ni Qing YU.

"Nagparehistro ka?" gulat na nilingon ni Xiong Ba si Jun Xie, hindi niya maintindihan kung

bakit nagkaroon ng ganoong katindi na interes si Jun Xie sa Spirit Beast Arena at ang kaniyang

sulyap ay walang malay na natuon sa malambot at kaakit-akit na si Lord Meh Meh na nasa

braso ni Jun Xie.

"Huwag mo sabihin sa akin na dadalhin mo ang munting Spirit Beast na iyan upang

makipaglaban? Iyon ay sobra na! Qing Yu magtungo ka sa Spirit Beast Arena ngayon din bago

pa umakyat sa entablado si Young Master Jun at ayusin mo ito madali. Paano magagawa ng

isang munting Spirit Beast na lumahok sa isang mabangis at matinding labanan?" nais ni Xiong

Ba na isuko ni Jun Xie ang katawa-tawang kalokohan na iyon.

Bakas sa mukha ni Qing Yu ang pagkadismaya. Walang magawa na nakatitig siya kay Xiong Ba

at sinabi: " Chief, natapos na ni Young Master Jun ang kumpetisyon."

"Natapos?" taas-baba na tiningnan ni Xiong Ba si Jun Xie at matiim na tiningnan din si Lord

Meh Meh na nasa braso nito ngunit hindi siya makakita ng isang sugat o anumang bakas ng

pinsala sa katawan ni Lord Meh Meh.

"Natapos… ang sampung laban." nagawang tapusin ni Qing yu ang kaniyang sinasabi at hindi

kinalimutang idagdag: "Nanalo siya sa lahat."

"Ano?" nanlaki ang mata ni Xiong Ba. Ang Spirit Beast Arena ay ang isang lugar na bihira

niyang puntahan bagama't hindi siya pinapayagan na lumaban dahil siy ang Hall Chief ng Fiery

Blaze Clan ngunit hindi iyon naging dahilan upang hindi siya manood doon. Ang ganoong uri

ng mga labanan sa Spirit Beast Arena ay makailang beses na niyang nasaksihan at ang

mapanira at mabangis na mga labanan na iyon ay mailalarawan bilang isang umaagos na ilog

ng dugo.

Ang munting Spirit Beasts tulad ng kuneho at Lord Meh Meh na walang "tapang sa laban" sa

oras na ilagay sa Sirit Beast Arena ay siguradong mamamatay.

At ngayon sinasabi ni Qing Yu sa kaniya na si Jun Xie ay nakipaglaban at nanalo ng sampung

magkakasunod na laban?

Sa mga sandaling iyon, si Xiong Ba ay tila nahihirapan na intindihin ang balita na kaniyang

narinig.

Bilang Clan Hall Chief ng Thousand Beast City ay marami siyang nalalaman tungkol sa mga

Spirit Beasts kumpara sa ibang tao. Sa kanilang paglalakbay patungo dito bagama't hindi niya

na sinubukan na alamin kung anong uri ng Spirit Beast si Lord Meh Meh, ngunit ang

katotohanan ay lagi itong nakaikot sa braso ni Jun Xie sa buong paglalakabay, madalas na

kumakain o natutulog. Ang Spirit Beast na iyon ay isang alaga kahit saang anggulo man ito

tingnan at hindi maaaring magtaglay ito kahit katiting na lakas para makipaglaban.

Kung ang Spirit Beast na iyon ay nagawang manalo ng sampung beses sa Spirit Beast Arena

kung gayon iyon ay isang himala.

At ngayon ang himala ay nasa harapan mismo ni Xiong Ba.

Walang ekspresyo na tumingin si Jun Wu Xie kay Xiong Ba na gulat na gulat at malamig na

nagtanong: "Nagawa mo ba makipagkita sa Grand Chieftain?"

Mabilis na nakahuma si Xiong Ba nang mapagtanto na hindi ito ang tamang oras upang pag-

usapan ang tungkol doon at ang ekspresyon nito na pagkagulat at pakikipagtalo kanina ay

biglang nawala at napalitan ng galak tulad ng ipinakita nito kanina.

"Oo. Sumang-ayon ang Grand Chieftain. Sinabi rin niya na kung mayroon kang kailangan ay

magsabi ka lamang."

Tumango si Jun Wu Xie at sinabi: "Wala pa sa ngayon."

Hindi na siya nagulat na mapipilit si Qu Wen Hao. Kung sabagay ang Thousand Beast City ay

nasa kakila-kilabot na kagipitan at kahit sinuman na na hindi na matiis ang lahat ng nangyayari

ay hindi palalagpasin ang anumang pagkakataon na magkaroon sila.

"Babalik na ako sa aking silid. Kung maaari ay mag-utos kayo kung sino ang puwede magdala

ng mainit na tubig." saad ni Jun Wu Xie.

"Sige." pagsang-ayon ni Xiong Ba sa hiling.

Nanag paalis na si Jun Wu Xie ay hindi niya kinalimutan na sabihin kay Qing Yu na dalhin ang

kuneho sa kaniyang silid.

avataravatar
Next chapter