994 Kahit Bago Pa Man Kumalma Ang Tubig (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ingatan mo rin ang iyong sarili. Kung naramdaman mo na sobra na, sabihin mo sa Spirit Beast

Arena at tanggalin mo ang iyong paglahok." wala gaanong pakialam si Xiong Ba sa Spirit Beast

Arena at hindi niya maintindihan kung bakit bigla ay nagkaroon ng matinding interes si Jun Xie

sa Spirit Beast Arena.

Mabuti na lamang, kahit na ang Thousand Beast City ay kinokontrol ng taong iyon sa mga oras

na ito, ang taong iyon ay hindi isasangkot ang kaniyang sarili sa ganoong kababaw na mga

bagay at si Qu Wen Hao pa rin ang magdedesisyon sa mga bagay tulad nito, kaya ang Icy Frost

Clan ay hindi na mangaahas na patagalin ito.

"Alam ko." sagot ni Jun Wu Xie. Hindi siya nag-aalala sa mga tao mula sa Spirit Beast Arena na

may mapapansin kay Lord Meh Meh. Alam niyang hangga't gusto iyon ni Lord Meh Meh ay

nagagawa nito na itago ang tunay na kapangyarihan at kahit gaano pa katindi ang pagsusuring

gawin nila ay ipapakita pa rin nito na isa lamang siyang mababang uri ng Spirit Beast.

Hindi nais ni Jun Wu Xie na malaman ang pagkakakilanlan ni Lord Meh Meh bilang isang

Guardian Grade Spirit Beast at wala rin siyang balak na bitawan ang kagustuhan na makakuha

ng Spirit Tamer Bracelet. Aantayin na lamang niya kung ano ang gagwin ng Icy Frost Clan.

"Kung alam mo iyon kung gayon ay ayos na iyon." tiwala si Xiong Ba sa matalinong isip na

munting ulo na iyonat dahil sa katiyakang salita ni Jun Xie ay hindi na siya masyadong nag-

alala pa.

Humupa na sa Fiery Blaze Clan Hall matapos ng nag-aapoy na pagkikita kaninan ngunit ang

mga bagay sa loob ng Icy Frost Clan ng mga sandaling iyon ay kumukulo.

"Ano? Hindi nagawa ni Shangguan Yan na makuha ang Spirit Beast ni Jun Xie?" pinandilatan ni

Lin Feng ang tagapagsilbi na nakaluhod sa kaniyang harapan. Nagapadala siya ng mga tao

upang ipaalam sa kaniyang ama na imbestigahan ang Spirit Beast ni Jun Xie at ang kaniyang

ama ay ipinadala si Shangguan Yan doon. Sabagay, ang napinsala ay si Shangguan Miao at si

Shangguan Yan ay hindi magiging malambot habang matindi pa ang galit dahil sa nangyari sa

kaniyang anak.

Ngunit hindi inaasahan ay hindi nila nagawa na makuha ang Spirit Beast ni Jun Xie at sila ay

matinding pinahiya pa ni Xiong Ba sa huli.

"Ang Clan Chief ng Fiery Blaze ay sinabing kung kailangan ng pagsusuri ay dapat lamang na

isagawa iyon sa Spirit Beast Arena at mangyayari iyon kung mayroong hahamon sa kanila.

Young Master, ang Spirit Beast Arena ay nasa ilalim na saklaw ng Grand Chieftain at kahit ang

Icy Frost Clan ay hindi magagawa na maghimasok sa kung paano sila magtrabaho." marahang

sabi ng tagasilbi.

Nagtagis ang bagang ni Kin Feng. Nakaratay pa rin si Shangguan Miao habang si Jun Xie na

kararating lamang sa Thousand Beast City nang nagdaang dalawang araw at nagawa ng

makuha ang pinakamataas na ranggo sa Spirit Beast Arena. Iyon ay kapahamakan kapag

nakarating ang balitang iyon kay Qu Ling Yue.

Piniga ni Lin Feng ang kaniyang utak, inisip na hindi dapat magtapos doon ang bagay na iyon.

Nang isang ideya ang bigla niyang naisip!

"Kamusta na ang Devious Wyvern nitong mga nakaraang araw?" biglang tanong ni Lin Feng.

Saglit na nagulat ang tagasilbi bago ito nagsalita at tumango: "Ang pagpapaamo dito ay

malapit ng makumpleto."

"Mabuti." sabi ni Lin Feng na may malamig natawa. "Sa tingin ba ng munting bata na

tagalabas na ang munti niyang Spirit Beast ay magpupunta dito sa Thousand Beast City at

magdedeklara ng pangingibabaw niya dito? Nais ko talagang makita kung ang mababang uri

ng Spirit Beast niya ay kaya ang lakas ng Devious Wyvern!"

Nang marinig iyon ng tagasilbi ay madali nitong niyuko ang kaniyang ulo sa sahig upang

magsumamo.

"Young Master! Ang ideya na iyan ay hindi dapat ituring! Ang Devious Wyvern ay isang regalo

ng pagbati na inihanda ng Master para sa Great Grandaunt. Sa oras na malaman niyang kinuha

mo ang Devious Wyvern, natatakot akong…"

"Tumahimik ka!" galit na sabi ni Lin Feng. "Hihiramin ko lamang ng isa o dalawang araw ang

Devious Wyvern. Anong pwedeng mangyari? Huwag mo sabihin sa akin na ang isang

mababang uri ng Spirit Beast ay magagawang saktan ang Devious Wyvern? Pakakainin ko

lamang ng munting meryenda ang Devious Wyvern yun lang. Matapos nitong lamunin ang

Spirit Beast ni Jun Xie ay ligtas ko itong dadalhin pabalik, at magagawa pa rin ni ama na

ihandog ito bilang regalo sa Great Grandaunt."

Ang tagasilbi ay nanatiling nanginginig sa sahig, at hindi na nangahas pa na magsalita.

Si Lin Feng ay namangha sa kaniyang sariling katalinuhan. Ang Devious Wyvern ay naging

mahirap na paamuin at tanging ang ama lamang niya ang nakagawa na mapaamo iyon

matapos niyang makahanap ng isang matandang lalaki na namuhay ng mag-isa ng ilang taon

na unti-unti ay paamuin iyon. At ang Devious Wyvern ay nakilala ng nagmamay-ari sa kaniya

hindi bilang isang tao, kungdi isang bagay!

avataravatar
Next chapter