993 Kahit Bago Pa Man Kumalma Ang Tubig (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na itinigil ni Xiong Ba ang anumang ginagawa niya ng mga sandaling iyon at nagmadali

na bumalik doon. Pagtungtong niya sa clan hall ay nakita niya ang mapanupil na ugali ni

Shangguan Yan at isang hindi mapigilan na galit ang biglang lumiyab sa kaniyang kaibuturan.

Si Lin Que ay lumipat ng kaniyang panig sa taong iyon at dahil doon, ang mga tao mula sa Icy

Frost Clan ay nagsimulang isipin na ang iba ay nasa ilalim nila at inumpisahan nilang

balewalain ang mga tao na mula sa tatalong clan.

Hindi inaasahan ni Shangguan Yan ang biglaang pagbabalik ni Xiong Ba at nang makita niya

ang matayog na anyo nito ay hindi niya naiwasan makaramdam ng kaba.

Si Xiong Ba ay kilala sa Thousand Beast City dahil sa nag-aapoy na ugali nito at sa tuwing siya

ay gagalitin, ang malaking lalaki ay hindi nagpipigil sa kaniyang sarili.

"Clan Chief Xiong." asiwang tumingin si Shangguan Yan kay Xiong Ba.

Malamig na suminghal sa pangungutya si Xiong Ba at sinabi: "Tila hinabaan ng Icy Forst Clan

ang kanilang mga kamay ng mas malayo sa pagkakataong ito. Ang Spirit Beast Arena ay may

sariling patakaran at kung ikaw Shangguan Yan ay nararamdaman na ang Spirit Beast ni Young

Master Jun ay may problema, humanap ka ng tao na may Spirit Beast upang hamunin siya at

maaari mong sabihan ang mga tao mula sa Spirit Beast Arena na maingat na suriin ang mga

ito. Malulutas ba niyan ang mga agam-agam mo? Ako, si Xiong Ba, ay buhay na buhay pa!

Hangga't naririto pa ako, ay hindi pahihintulutan ng Fiery Blaze Clan Hall ang sinuman na

magpakita ng napakasamang pag-uugali dito!"

Mabangis na nanlisik ang mga mata ni Xiong Ba at nagdala iyon ng takot sa buong katawan ni

Shangguan Yan.

"Ano pa ang tinatayo-tayo mo dito? Lumayas ka dito! O hinihintay mo pa na sabihin ko sa mga

kapatid ko sa Fiery Blaze Clan na kaladkarin ka paalis dito?" saad ni Xiong Ba sa kaniyang

malaking boses.

Kahit na arogante si Shangguan Yan ay hindi siya mangaahas na kalabanin ng direkta si Xiong

Ba sa harap ng maraming tao. Ang ipahiya ng ganoon hanggang sa ang mukha niya ay puro

talsik ng laway, walang nagawa si Shangguan Yan kungdi ang umalis sa Fiery Blaze Clan Hall na

ang mukha ay madilim.

Nang makaalis si Shangguan Yan ay hinawi na ni Xiong Ba ang kaniyang mga kapatid sa Clan

Hall upang magbalik na sa kanilang mga gawain habang dinala naman niya si Qing Yu at Jun

Xie sa patyo sa likod ng clan hall. Nang masiguro niya na walng sinuman ang naroon, ay

naguguluhang nagtanong si Xiong Ba: "Ano ang tunay na nangyari doon? Narinig ko mula sa

mga kapatid natin na ang mga tao mula sa Icy Frost Clan ay nagpunta dito upang manggulo at

paano nangyari na ang pansin ni Shangguan Yan ay naituon kay Young Master Jun?"

Kaunti lamang ang narinig ni Xiong Ba tungkol doon dahil sa pagmamadali na makabalik agad

doon at wala siyang alam kung ano ang tunay na nangyari.

Madaling kinuwento ni Qing Yu ang mga pangyayari ng araw na iyon kay Xiong Ba.

Sa wakas ay naintindihan na ni Xiong Ba.

"Hindi nakapagtataka na ang hangal na si Shangguan Yan ay naging agresibo. Dahil iyon sa

walang kwenta niyang anak na ngayon ay nasa ganoong estado dahil sa Spirit Beast ni Jun Xie

kaya nagawa niyang magpunta dito? Hahaha! Ang gandang pakinggan! Dapat lang iyon sa

kaniya dahil hindi niya kayang kontrolin ang sarili niyang Spirit Beast. Ang maranasan ang

ganoong kamalasan ay kasalanan din naman niya."

"Sa katunayan ang insidente ay walang kinalaman kay Young Master Jun. Iyon ay dahil sa

kaniyang Six Armed Black Ape na nawala sa sarili at sumugod palabas ng battle platform at

bumagsak kay Shangguan Miao. Halata naman na inaabuso ni Shangguan Yan ang posisyon

niya dito." nakasimangot na sabi ni Qing Yu. Hindi maiiwasan na paminsan-minsan ay may

mga aksidenteng magaganap sa Spirit Beast Arena ngunit hindi iyon gaanong malala.

Simula nang pumasok si Lord Meh Meh sa Spirit Beast Arena, ay hindi nakaligtaan na suriin ito

at iyon ang siniguro ni Qing Yu.

Bagama't siya mismo ay may malalim na pagtataka kung paano nagawa ni Lord Meh Meh na

takutin palayo ang Six Armed Black Ape, ngunit naniniwala siya na nagawa iyon ni Lord Meh

Meh dahil sa kaniyang lakas at hindi dahil sa kung ano pa man.

"Hindi naman iyon ganoon kalaking bagay at tingin ko na hindi iyon malaking kawalan kay Lin

Que na pahahantungin niya sa ganito. Ngunit si Shangguan Yan ay maaaring hindi ito hayaan

ng ganoon lamang kadali at sa palagay ko ay magpapadala siya ng maraming tao dito upang

hamunin ang Spirit Beast ni Young Master Jun." saad ni Xiong Ba. Humarap siya kay Jun Xie at

nagpatuloy sa pagsasalita: "Maganda iyan! Hindi ko naisip na iyang kaakit-akit at mahina ang

hitsura na Spirit Beast mo ay magagawa na takutin ang Six Armed Spirit Beast. Napansin ko na

napakamasunurin nito noon, huwag mo sabihin sa akin na marunong din magpaamo si Young

Master Jun ng Spirit Beasts?"

Walang ekspresyon na sumagot si Jun Wu Xie: "Tadhana ang dahilan kung bakit kami

nagtagpo."

Magpaamo? Wala siyang ganoong karaming oras.

Si Lord Meh Meh ang may kagustuhan na dumikit sa kaniya at ngayon, may isa pang Sacrificial

Blood Rabbit!

avataravatar
Next chapter