990 Kahit Bago Pa Man Kumalma Ang Tubig (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa huli, si Shanggun Miao ay kinarga ng kaniyang mga kasama. Nagplano sila ni Lin Feng kung

paano gagawa ng aksidente upang masaktan si Jun Xie… Ngunit iyon ay bumalik sa kaniya. Ang

nasaktan ng Six Armed Black Ape ay hindi si Jun Xie kungdi ang sarili niya mismo!

Matapos kargahin pabalik sa kanilang bahay si Shanggun Miao, ay mabilis na natanggap ni Lin

Feng ang balita ng pagbabalik nito. Nanatili siya sa bahay upang hintayin ang magandang

balita sa kung paano "ang ginawa" ni Shanggun Miao kay Jun Xie ngunit hindi niya inaasahan

na matapos ang mahabang paghihintay, maririnig niya ang balita na si Shanggun Miao ang

nagtamo ng malubhang pinsala.

Nang ipaalam ng mga tagapagsilbi iyon sa kaniya ay natigagal si Lin Feng. Ni sa pangarap ay

hindi niya naisip na ganito ang mangyayari. Madali siyang nagtungo sa tahanan ni Shanggun

Miao at nang makita ang maputlang mukha ni Shanggun Miao na nakahiga at hindi

gumagalaw sa higaan ay natuliro ang kaniyang utak.

"Bakit ganito ang nangyari? Ano ang totoong nangyari?" gulat na sigaw ni Lin Feng. Hindi ba;t

si Jun Xie ang dapat na napinsala? Paanong nangyari na ang nakahiga ngayon sa kama ay si

Shanggun Miao?

Malubha ang mga pinsalang tinamo ni Shanggun Miao. Nang sumalakay sa kaniya ang Six

Armed Black Ape ng buong lakas ay talagang nagulat siya at dahil sa matinding puwersa, lima

sa kaniyang buto ay nabali at ang nabaling buto ay nagdulot ng matinding pinsala sa kaniyang

lamang loob. Dalawang manggagamot ang dumating sa tahanan upang lunasan ang mga

pinsala ni Shanggun Miao at ang mga tagasilbi mula sa kaniyang bahay ay nagtungo kay Feng

Yue Yang upang imbitahin ito.

Batay sa mga pangyayari ngayon, kung hindi nila pupuntahan si Feng Yue Yang upang personal

na gamutin ito, pinaniniwalaan na matatapos na ang buhay ni Shanggun Miao.

Lahat ng mga kabataan na kasama ni Shanggun Miao na nagtungo sa Spirit Beast Arena ay

nanginginig sa takot dahil sa sigaw ni Lin Feng.

"Hindi…Hindi rin namin alam kung ano ang tunay na nangyari… Ang lahat ay maayos sa simula.

Ang Six Armed Black Ape ay gugutay-gutayin ang Spirit Beast na iyon. Ngunit, ang Spirit Beast

ay umunga ng isang beses lang at sa hindi namin maintindihan, tila nabaliw ang Six Armed

Black Ape! Pinihit nito ang sarili at sumalakay kay Young Master Shangguan." iming paliwanag

ng isa sa mga kabataan.

Wala isa man sa kanila ang nakaisip na ganito ang kahihinatnan ng lahat.

Kung walang intensyon si Shanggun Miao na saktan ang sinuman ay hindi nito hahayaan na

magutom ang Six Armed Black Ape nang buong gabi bago ang laban. Ang Six Armed Black Ape

ay gigil na gigil at galit na galit ng mga sandaling iyon at ang bilis nito ay nasa rurok. Sa ilalim

ng ganoong kalaseng bilis, huwag natin kalimutang sa isang binata na tulad ni Shanggun Miao,

kahit ang isang may edad na lalaki, sa ganoong klase ng pagsalpok, ang resulta ay hindi rin

magiging maganda.

"Anong Spirit Beast iyon? Yung kay Jun Xie ba?" naningkit ang mata ni Lin Feng.

Lahat ng kabataan sa kaniyang harapan ay mabilis na tumango.

"Imposible!" biglang sumigaw si Lin Feng upang pagalitan ang mga iyon: "Ang Six Armed Black

Ape ay nagtataglay ng kapangyarihan sa lahat ng mababang uri ng Spirit Beasts, kaya paano

nangyari na ang isang mababang uri ng Spirit Beast ay magagawnag talunin iyon? Higit pa

diyan, sa isang tunog na nagmula lamang sa kaniya!? Hindi pwedeng mangyari iyan!"

"Ngunit… Ganoon talaga ang tunay na nangyari…"

Saad ni Lin Feng: "Mayroong hindi tama dito! Talagang mayroong hindi tama sa lahat ng ito!

Ang Spirit Beast ni Jun Xie ay imposibleng makuha ang pagkapanalo sa pamamagitan lamang

ng sarili nitong lakas. Maaaring gumamit siya ng hindi kanais-nais na pandaraya!" naniniwala

si Lin Feng na hindi ganoon kadali talunin ang Six Armed Black Ape.

"Tama iyan! Maaring ganoong nga ang! Iniisip rin namin na hindi ito kapani-paniwala. Ang

Spirit Beast na iyon ay napakaliit lamang at wala itong ginawa na kahit ano. Maaaring

mayroong pandaraya sa likod nito." malakas na tinango ng mga kabataan ang kanilang ulo,

bigla nilang naramdaman na ang panalo ni Lord Meh Meh ay talagang hindi kapani-paniwala.

Nagtagis ang bagang ni Lin Feng.

[Ang Jun Xie na iyon… Una ay nakipagkumpitensiya ito sa kaniyang iniirog, ngayon nagawa pa

niyang gumamit ng hindi kanais-nais na pandaraya upang mapinsala ng matindi si Shanggun

Miao na malapit sa kaniya tulad ng isang kapatid! Hindi niya patatahimikn ang pangyayaring

ito!]

"Puntahan niyo ang aking ama! Sabihin niyo na mayroong nandaya sa Spirit Beast Arena.

Sabihin niyo sa kaniya na magpadala ng mga tao upang imbestigahan ang Spirit Beast ni Jun

Xie!"

avataravatar
Next chapter