500 Kahidlawan (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Duke at ang kanyang kataasan ay hindi nagpapakita ng kalungkutan, pero alam ni Long Qi na ang dalawang miyembro ng lalake nito ay sobra ng nananabik na kay Jun Wu Xie. 

"Huwag ngayon." Umiling si Jun Wu Xie.

Binuka ni Long Qi ang kanyang mga bibig ngunit pinili niya na alang manahimik.

Tiningnan ni Qiao Chu, Hua Yao, at ng iba ang pagtatahimik ni Jun Wu Xie, ang puso nila ay nararamdaman din ito.

Hindi alam ni Long Qi at ng mga tauhan nito bakit ayaw bumalik ng kanyang tahanan si Jun Wu Xie.

Pero ang mga kasama ni Jun Wu Xie ay alam ang rason dahil ito sa Snow Lotus na nasa kanya. Kapag nalaman ito ng Twelve Palaces, dito na magsisimula ang malaking bangungot. 

Bilang natatangi Ring Spirit na ito, sapat na itonmgv rason para maalarma ang malahalimaw mula sa Twelve Palaces. At kung pumunta sila sa Lower Realm para hanapin ito, hindi maatim ni Jun Wu Xie ang tyansang ito para buhayin,kahit ang pagprotekta nito sa mapakapngyarihang Rui Lin Army. Ang Twelve Palaces ay siguradong papaslangin si Jun Wu Xie, ang miyembro ng kanyang pamilya at ang buong Ruyi Lin Army.

Bilang personal na nakaranas ng walang awang kasamaan ng Twelve Palaces , naniniwala si Qiao Chu at ang mga kasama nito na hindi ito magpapakita ng awa.

Ang pinili ni Jun Wu Xie ay intension para protektahan ang Lin Palace at Rui Lin Army sa kapahamakan.

"Sige, gumalaw na tayo agad. Di ba maghahanap pa tayo Aqua Spirit Grass? Bilisan niyo bago pa maisipang bumalik ng Spirit Beast dito." Hindi maatim ni Qiao Chu tignan ang mga malungkot na mata ni Jun Wu Xie ng matagalan at sinubukan niyang alisin ang kalungkutan sa hangin para tumawa ito.

"Tara na." Naisip ni Long Qi nab aka hindi komportable si Jun Wu Xie sa mga sinabi nito ngunit sumang-ayon siya dito.

Tahimik lang ang lahat at walang may nagbabalak magsalita habang patungo sila sa Spirit Moon Lake. Ang mga sugatang kawal ay mainam na ang pakiramdam matapos makatanggap ng gamot at maliban sa isang kawal na kakaayos lang ng kanyang braso. Na kailangan ang kanyang mga kasama para alalayan siya.

Dahil sa pagpapatawa ni Qiao Chu, gumaan ang awra ng palibot nila, puno ng ngiti at tawa ang paglalakbay nila. Nakisali na rin sa pagpapatawa si Fei Yan na syang ikinagaan ng puso ng bawat isa.

Dala ni Jun Wu Xie ang itim na pusa na lumiit na ang anyo at gumitna sa paglalakad. Ang pakiramdam ng pagka-lungkot at pananabik ay tumutusok pa rin sa kanyang puso. Hindi pa rin sa kanya pamilyar ang pakiramdam at hinayaang maramdaman ni Jun Wu Xie ang pakiramdam ng kahidlawan.

Magagalit baa ng kanyang Lolo at Tiyuhin dahil man lang siya nagpaalam?

"Matatagpuan din natin ang puntod ng Dark Emeperor." Biglang sumulpot si Hua Yao sa tabi ni Jun Wu Xie na hindi niya masyado napansin agad dahil pabulon g nitong sinabi na sila lang ang makakarinig.

Iniangat ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo at medyo kalmado na ang kanyang mga mata ngunit may pagkagulat ito.

Ang kagwapuhan ni Hua Yao ay nagtataglay ng tunay na ngiti na mararamdaman ninuman. Tiningnan niya si Jun Wu Xie at hinaplos nito ang buhok at sabing: "Pagkatapos nating maging malakas, pwede ba kaming sumama pabalik saiyo?"

Nagulat si Jun Wu Xie ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib ay unti-unting napapalitan ng paglambot nga kanyang puso. Ang sakit sa puso niya ay unti-unti na ring nawawala at napalitan ng parehong pagkamanhid at pangangasim.

"Ano? Hindi ba kami pwede doon?" Sabi ng bihirang biro ni Hua Yao na nakatingin ng malambing kay Jun Wu Xie at ang nunal nito na hugis luha sa gilid ng kanyang mga mata ay mas lalo naging kaakit-akit tuwing tumatawa.

"Hindi sa ganun." Umiling si Jun Wu Xie, ang malamig niyang ekspresyon ay pinipigilan ang ngiti sa kanyang mga labi. "Magugustuhan kayo ni Lolo at ng akin g Tiyuhin."

"Umaasa ako sa usapan na iyan." Huminga ng may pagkasigurado si Hua Yao. Laging malakas si Jun Wu Xie at kayang mag-isa, ngunit ngayong araw nakita nila na may malambot din itong bahagi. Tao pa rin siya at ang rebelasyon na ito ay gusto nilang ipakita sa maliit na may pagka demonyo nilang kasama.

avataravatar
Next chapter