498 Kahidlawan (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos maghinatay, bumalik na si Ye Sha. At ang balitang dala nito ay nagawang magkasalubong ng mga kilay ni Jun Wu Xie.

Walang sinuman ang nakakalaam kung bakit si Ning Xin at Yin Yan ay hindi na lumaban sa Spirit Hunt. Nagmamadaling umalis ang dalawang ito. Nang malaman ni Ye Sha kung saan nagtungo ang dalawang ito, agad itong dinala palayo ng mga guro at ginabayan ito sa pag-alis.

"Baka tumakas lang sila ng napakabilis" mahinahong sambit ni Jun Wu Xie.

"Gaya ng kasabihang: Ang monghe ay tumatakas, at ang bahay-pari ay nananitili sa lugar. Kailangan nilang bumalik sa Zephyr Academy agad-agad, tama ba?" Sabi ni Hua Yao, ang mukha nito ay gaya ng dagat na kalamado.

Ngumiti si Jun Wu Xie atmay konting lamig. "Wala silang ibang pagtatakbuhan."

Maswerte ang dalawang ito dahil umatras sila sa kanilang laban at nagkaroon ng oras tumakas agad sa Battle Spirits Forest. Ngunit pagkalipas ng Spirit Hunt, babalik pa lang ang mga disipulo sa Zephyr Academy., may pagkakataon pa bang makatago si Ning Xin at Yin Yan? Wala siyang intensyon hayaan lang ito ng ganun lang. dahil sa ginawa nila sa Rui Lin Army, humanda sila sa kabayaran nito.

"Dadalhin ba natin ang Spirit Hunt o babalik din tayo?" Determinadong sabi ni Qiao Chu. Sumusunod ito lagi kay Jun Wu Xie ng may pananabik.

Una, ito ang Sa Qing Yun Clan, ngayon naman ay ang laban sa Guardian grade Spirit Beast. Punong-puno ito ng mga iniisip kung ano pa ang pwedeng gawin ni Jun Wu Xie matapos ang lahat ng ito.

"Ipagpatuloy. Makikipagtuos tayo sa kanila sa pagbalik natin." Hindi nagmamadali si Jun Wu Xie. Magandang bagay na tumakas si Ning Xin ngayong araw. Kapag sumali ito ngayon sa Battle Spirit Forest ngayong araw at napilitan itong mapatay ang sarili sa madaling paraan. Hindi ba nakakatamlay at nakakawala ng gana?

Dahil pinili ni Ning Xin ang tumakas, maisip niya sana na nagsimula ng tumakbo ang oras.

Kapag nakabalik na sila sa Zephyr Academy,gagawin niyang buong pagsisihan ni Ning Xin ang kanyang pagtakas ngayong araw, namatay sana siyang malinis at konting sakit lang ang naramdaman sa pagkamatay niya sana sa Battle Spirit Forest!

"Kung iyan ang kaso,bakit hindi tayo manatili dito at mag-abang ng kalaban?" Hinawakan ni Qiao Chu ang kanyang nakakamao na kamay habang pinipisil-pisil niya ito habang naghahanda sa paparating na laban. Kung kaya niya lang ang Spirit Beast, ang ilang Spirit Beast din ay di magtatangkang kalabanin siya.

Tumungo si Jun Wu Xie kay Long Qi at sa mga kawal nito at nagtanong: "Anong ginagawa niyong lahat dito?"

Nang nasa Lin Palace pa lang siya, hindi niya nabalitaan na may intension pumunta dito ang Rui Lin Army sa Battle Spirit Forest.

"Pag-uulat sa Young Miss, ang rason ng kampon dito ay para malaman kung nasaa ang Aqua Spirit Grass." Magalang na sagot ni Long Qi.

"Aqua Spirit Grass?" Tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie at napasulyap sa kay Rong Hengat sa mga kasama nitong disipulo. "Mukhang nakahanap ng paraan si Mu Chen para sa mga ugat niyong lahat."

"Oo, eksakto."

Tiningnan ni Rong Heng si Jun Wu Xie ng may pagka bigla sa mga mata niya. Narinig lamang ni Jun Wu Xie kay Long Qi ang Aqua Spirit Grass at alam niya eksakto ang balak ni Mu Chen gawin dito. Mataas ang kaalaman niya sa mg halaman.

Kung meron silang Aqua Spirit Grass ditto, hindi naman siguro masamamang mag-imbok siya ng konti nito.

Nang matalo ni Jun Wu Xie ang Qing Yun Clan, ang tanging pinagsisihan niya lang ay hindi siya nakapagdala ng mga gamot sa Hidden Cloud Peak pagbalik niya. At matapos nyang marinig ang ulat ni Long Qi Sa Lin Palace, napaisip siyang dinala ni Mu Chen ang lahat ng ito mula sa Hidden Cloud Peak patungong Lin Palace, at agad ipinamigay sa mga kawal ng Rui Lin Army, at mas mainam ang naramdaman niya dito.

Nang tuksuhin niya si Mu Chen na pumunta sa Lin Palace, hindi inakala ni Jun Wu Xie na ibibigay nito ang lahat. Akala niya ay konti lang ang pang-unawa nito sa madetalyeng mga ugat at nagawa pa nitong tulungan ang Rui Lin Army sa kondisyon nito ng wala siya. Pero sa Sinabi ni Long Qi, hindi lang tinupad ni Mu Chen ang kanyang pangako at pumunta ng Lin Palace kundi binigay pa ang mga nagawa niyang mainam na medisina para sa mga pangangailangan ng mga kawal ng Rui Lin Army. Hinigitan pa nito ang inaasahan ni Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter