72 Jade Nectar (Unang Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bagaman tinititigan siya habang siya'y kumakain, tinuloy parin niya ang kanyang pagkain ng kamlado. Nakatingin siya sa baba habang kinukuha ang kanyang pagkain gamit ang chopsticks niya na para siyang mag-isa sa kwarto, wala sa silid ng Tagapagmanang Prinsipe kasama siya sa kanyang harapan.

Pagkatapos makitang wala siyang reaksyon at intensyong itaas ang kanyang ulo, nainis si Mo Qian Yuan, tinaas ang kanyang baso, at tinungga ito sa isang lagok.

Nang pumasok ang alak sa kanyang bibig, may anghang na sumirit at sinunog ang kanyang buong lalamunan hanggang sa kanyang bituka. Bago niya maintindihan ang nangyayari, may ramdaman siyang isa pang parating na parang apoy sa loob niya at siya'y nasuka sa kanyang harapan.

Walang babala, linabas niya lahat ng laman ng kanyang sikmura sa mesang puno ng pagkain.

"...." Sa wakas, tumingin na si Jun Wu Xie, sa kanyang mga kamay ay isang babasaging mangkok at sa kabila naman ay ivory chopsticks, habang tinitignan ng may kalmadong mata si Mo Qian Yuan na nagsusuka parin.

Nanigas ang maliit na itim na pusa. Tinignan nito ang hindi pa nagagalaw na piraso ng isda na nakapatong sa mesang nabalutan ng kahina-hinalang likido. Nalagyan rin siya nito sa kanyang balahibo

"P…." Alam ni Mo Qian Yuan na nagulo niya ang mga bagay at nais magpaliwanag ngunit bago siya makapagsalita, nakaramdam ulit siya ng pagkahilo at agad na tinakpan ang kanyang bibig at tumakbo papunta sa kanto ng kwarto at humawak sa isang bariles at dito nagsuka.

"..." Kalmadong binaba ni Jun Wu Xie ang mangkok at chopsticks, tumayo, at linisan ang mesang may nasayang na mga pagkain.

"Meow!" Tumalon paalis sa mesa ang maliit na itim na pusa at kinuskos ang sarili sa karpet para linisin ang balahibo nito.

[Panginoon! Bakit ba lagi kang ganyan! Alam mo na ang mangyayari pag nakain ang lason ng wheat night flower ay pagsusuka, bakit hindi mo pa siya binalaan?!]

Nagluluha ang maliit na itim na pusa habang ginagawa ang lahat para linisin ang makinis nitong balahibo.

"Nakalimutan ko." Sinabi ni Jun Wu Xie na pinapanood si Mo Qian Yuan sa kabilang dulo ng kwarto na nagsusuka at nakakapit ng mahigpit sa bariles. Sa kabila naman ay ang itim na pusang pagulong-gulong sa karpet. Napangiti siya sa kanyang nakikita.

Mula sa labas, naririnig ng mga gwardya ang gulong nangyayari sa loob. Bagaman ay hindi sila nagbalak na pumasok at tinanong lamang kung maayos ang kalagayan nila sa loob. Mangiyak-ngiyak si Mo Qian Yuan na nagsusukang sinigawan silang lumayo.

Kasimputla ng papel ang kanyang mukha.

Matapos lamang uminom ng sampung baso ng tubig niya naramdaman ang ginhawa habang dahan-dahang nawala ang anghang. Nanghihina siya sa gilid ng kanyang silid. Nawalan ng lakas ang kanyang buong katawan, magulo ang kanyang damit, at nakabukas ang kanyang kwelyo. Bakas pa sa kanyang mga mata ang luha habang siya'y malungkot na nakatingin kay Jun Wu Xie.

"Ang lason ba ng wheat night flower ang rason?" Tinanong niyang pagalit.

Tumango si Jun Wu Xie.

"Bakit hindi ka nagsalita kanina…..?" Nalungkot siya. Kahit pa bugbugin mo siya, hindi siya maniniwalang hindi niya alam ang mangyayari pag nainom niya ang lason. Matapos niyang makita na kalmado siya, alam niyang hinintay niya ito!

"Walang pinagkaiba." Umupo siya doon, mukhang maliwanag at presko at una sa lahat, malinis siya. Naglabas siya ng isa pang losang bote at binuksan ito. May mabangong simoy na kumalat sa hangin habang binubuhos niya ito sa kanyang mga kamay at kinuskos ito sa isa't isa. Pinuno ng mabangong samyo ang kwarto at dahan-dahang nawala ang baho.

Kahit pa sabihin niya ng mas maaga, kailangan parin niyang isuka lahat, wala ring pinagkaiba.

Kaya hindi nalang niya sinabi.

Kinutuban si Mo Qian Yuan na ang alyansa nila ay isang espadang may dalawang patalim. Baka mamatay pa siya dahil dito kaysa sa kanyang tatay at kapatid!

"Bale, ano ang nakain mo?" Tinignan siya ni Jun Wu Xie na walang bahid ng pagkakasala at tinanong siyang tila masaya pa.

Nagulat si Mo Qian Yuan bago mapuno ng galit ang kanyang tingin sa pitsel sa mesa.

avataravatar
Next chapter