74 Jade Nectar (Pangatlong Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para sa mga ordinaryong tao, pangarap lang ang makatikim sa Jade Nectar, kahit sa pamilya ng Hari, si Mo Qian Yuan lang ang may kayang humawak nito. Kahit si Mo Xuan Fei ay walang pwedeng gawin kundi umupo at manood lang sa kanilang pag-inom rito.

Gayunman ang alak na ito ay may mas malalim na kahulugan kay Mo Qian Yuan, isa itong matamis na alaala ng kanyang ina.

Nagulat siya ng malamang gusto in Jun Wu Xie na gawing gamot ito.

"Pwede itong gawing gamot?" Ang rason lang ng kanyang pag-inom nito ng kaunti araw-araw ay dahil inaasam niya ang kanyang ina, hindi dahil mahilig siya sa alak.

Ngayon, pag nalaman ng may kasalanan na nalaman niya ang pinanggagalingan nito, ibang paraan ang kanyang gagamitin, hindi ang pag-alerto sa kanila.

"Sige, pwede kang kumuha." Nagpasya siya.

"Bibigyann lang kita dahil ayaw ko nang pagdaanan mo pa ulit iyon para lang makahanap ng makukuhaan nito." Sa pag-alala lang sa nasabi sa kanya, nasasakal na siya. Kung paano nawasak ang kanyang dignidad dahil sa pagsuka niya sa mesa. Nayayamot at namumutla siya pag inaalala ang nangyari.

Alam ni Jun Wu Xie na madalang lang ang pagkakataong ito. Nasa harapan lang niya ang makakapagpalakas ng kanyang cultivation! Anong makalangit na batis? Sinong makakapagsabi na may mahahanap pa siyang ganun?

"Maghanda ka ng maliit na pitsel para sa akin kapag bumibisita ako." Nagpasyang palihim na gawin ito ni Jun Wu Xie, gayon din ay mayroon na siyang mapagkukuhaan ng alak at pwede siyang humingi kung kailan niya naisin.

"Eh..Pag linason nila ang alak… edi.." Tinignan niya siya ng nakangiwi, pag nalason ang alak, paano siya makakagawa ng gamot gamit ito?

"Wag kang mag-alala." Ika niya.

Nag-isip si Mo Qian Yuam, hindi nanaisin ng may sala na idamay siya rito dahil pag nasama siya sa gulo ay madadamay rin ang Palasyo ng Lin. Hindi nila ito lalasunin kung alam nilang para sa kanya ito.

"Sige, ihahanda ko ito para sa iyo." Nagpasya siyang gawin ito ng maingat. Ipapaalam niya sa kanila na regalo itong alak na ito para sa kanya. Hindi parin siya makapaniwalang nalasin siya sa loob ng kanyang kwarto at para lang siyang nakakulong at walang magawa. Ang mga lingkod na nakabantay sa kanya ay mga kasabwat rin ng mga may sala.

Pagdating ng araw, maghihiganti ako.

Gumaan ang kanyang pakiramdam ng malaman ang pinanggalingan ng lason. Ngayon, pwede na siyang lumaban! Malaki rin ang pasasalamat niya sa pag-iwan ni Jun Wu Xie ng mga tableta para sa kanyang pagpapagaling.

Para lubusan siyang magamot, kailangan ng oras. Nagtabi rin siya ng buto ng lotus, ngunit kailangan nitong maghintay hanggang sa mas maayos ang kalagayan ng kanyang katawan, pagkatapos nito ay hahayaan niya siyang ikondisyon ang kanyang katawan hanggang sa kaya niya. Sa mga taong magagamit niya, siya'y mapagbigay.

Tinanggap ni Mo Qian Yuan ang mga boteng binigay sa kanya, alam niya sa kanyang looban na hindi niya kailangang gawin ito para sa kanya, ngunit pwede rin niyang tapusin agad ang kanyang buhay.

Pagkatapos magiwan ni Jun Wu Xie ng mga gamot at mga payo sa paggamit ng mga ito, naghanda si Mo Qian Yuan ng maliit na pitsel ng Jade Nectar at sinamahan siya sa paglalakad hanggang sa kanyang karwahe. Tumayo siya doon kahit na matagal na silang wala sa kanyang paningin. Nagbuntong-hininga siya at sandali pang tumayo doon.

Tumingin siya sa malinaw na langit, siya'y nagagalak.

"Ina, may nahanap akong napakahusay na kakampi!"

Nagtataka ang isang grupo ng mga lingkod nang makita siyang nakangiti sa langit.

Para maging ganoon ang kanyang ekspresyon, ibig-sabihin ba nito ay talagang nahulog na siya para sa malupit na iyon?!

avataravatar
Next chapter