448 Iyan Ba Ang Pinakamahina O Pinakamalakas Na Grupo (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Jun Wu Xie si Fan Jin na bahagyang nakangiti at pagkatapos ay tumalikod at naglakad palayo.

Hindi makakapayag si Fan Jin na maglakad mag-isa si Jun Xie sa gitna ng mga mapanghamak na titig ng ibang disipulo kaya naman mabili niya itong sinundan.

Inobserbahan ni Ning Xin at Yin Yan si Fan Jin at Jun Xie habang nakatago sa ibang mga disipulo. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanila nang nakita nilang walang nasalihang pangkat ang dalawa.

"Saan sila pupunta?" tanong ni Ning Xin nang makita nito tumalikod at naglakad patungo sa isang malaking pangkat ng disipulo si Jun Xie.

"Ang mga iyon ay mga walang kwentang disipulo ng branch division." Yamot na saad ni Yin Yan.

Katulad ng mga disipulo ng main division, ang mga disipulo ng branch division ay kalahok din sa Spirit Hunt. Kung ang mga disipulo ng main division ay sabik sa Spirit Hunt, ang mga disipulo ng branch division ay malamig at walang pakialam. Ang kanilang mga ring spirit at spiritual power ay hindi maihahalitulad sa ring spirit at spiritual power ng mga disipulo mula sa main division. Walang humpay ang takot na nararamdaman kung malalagpasan nila ang pitong araw na itatagal sa loob ng Battle Spirits Forest.

Ang pangkat ng mga disipulo mula sa branch division ay hindi mapakali sa hindi nila maiiwasang suliranin. Nanlalaki ang kanilang mga mata nang may makita silang dalawang pigurang papalapit sa kanila galing sa main division.

Iniiwasan at hinahamak ng mga disipulo mula sa main division ang mga disipulo ng branch division. Ni hindi nga nila matingnan ang mga disipulo galing branch division.

At ngayon, sa harap ng kanilang mga mata ay ang dalawang disipulo mula sa main division na papalapit sa isang pangkat ng mga disipulo ng branch division at ang lahat ng mga mata ay nakatuon sa dalawa.

Hindi nila maisip kung ano ang intensiyon ng dalawang disipulo mula sa main division para lumapit sa kanila.

"Meow~" nakapatong sa balikat ni Jun Xie ang maliit na itim na pusa, ang mabalahibo nitong buntot ay nakapaikot sa leeg ni Jun Xie. Itinuro nito ang direksiyon kay Jun Xie at mabilis na pinuntahan ito ni Jun Xie.

Sa parting iyon, meron apat na dispulo ang nakaupo sa ilalim ng puno at masayang nagkukwentuhan sa bawat isa.

Isang maliit na pigura ang napansin ng apat sa kanilang harapan. Nang makilala nila ito, ang mga disipulo ay natahimik, puno ng gulat ang kanilang mga mukha.

"Little Xie?" may kagat-kagat na damo si Qiao Chu at biglang tumayo nang makita si Jun Xie. Hindi nagdalawang isip na nilapitan si Jun XIe at niyakap.

Ngunit, napatigil si Qiao Chu.

Nakakunot ang noo ni Fan Jin, ang kamay nito ay nakaharang sa kay Qiao Chu.

"Sino ka? At ano ang iyang gagawin kay Jun Xie?"

"Ako ang dapat na magtanong sa niyan, sino ka nga ba?" nakakunot na din ang noo ni Qiao Chu sa lalaking kaharap. Matagal niyang ng hindi nakikita si Little Xie kaya sino ang lalaking ito na pumigil sa kaniya?

"Ang pangalan ko ay Fan Jin, isang disipulo mun main division." Sagod ni Fan Jin na hindi nawawala ang kunot ng noo.

Nakakunot rin ang noo ni Qiao chu at itinapon ang kagat kagat na damo sa bibig "Qiao Chu."

Tumayo si Fei Yan at naglakad putungo sa tabi ni Jun Xie at tumawa "Naalala mo pa rin kami. Akala naming nakalimutan mo na kaming lahat!"

Gusto muna sanang kilalanin ni Fan Jin ang disipulong ito bago niya papalapitin kay Jun Xie dahil sa marami ang kalaban ni Jun Xie sa ngayon. Peron g makita niya ang matamis na ngiti ng "babaeng" si Fei Yan , hindi niya na pinigilang makalapit it okay Jun Xie.

An lalaki ay dapat…

Laging nirrerespeto ang mga babae.

"Magkakilala kayong dalawa?" tanong ni Fan Jin nang marinig niya ang mga sinabi ni Fei Yan.

"Sabay kaming nagpatala sa Zephyr Academy." Nakangiting saad ni Rong Ruo habang ito ay tumayo.

Tiningnan ni Fan Jin Si Jun XIe. At nang makita niyang tumango si Jun Xie, saka niya pinaniwalaan ang mga sinabi ng mga dsipulo.

"Paumanhin sa inyo." Sabi ni na lang ni Fan Jin habang dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi nito. 

avataravatar
Next chapter