478 Isang Oportunista (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Little Xin, naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tanong ni Le Wei Jie.

Matamis na ngumiti si Ning Xin at sumagot: "Hindi ba't inaasam ng aming Senior Lu na tanghaling kampeon sa Spirit Hunt? Kung magtatagumpay tayong makapagtumba ng mataas na uri ng Spirit Beast at makuha ang spirit stones galing sa kanila, hindi ka lang tatanghaling kampeon, kundi ikaw ang magiging kauna-unahang tao na nakapatay ng mataas na uri ng Spirit Beast sa buong kasaysayan ng Zephyr Academy's Spirit Hunt."

Nagningning ang mga mata ni Lu Wei Jie. Walang taong nasa katinuan ang tatanggi sa suhestiyong iyon. Ngunit...

"Hindi ko pa kayang magpatumba ng mataas naa uri ng Spirit Beast." Inamin ni Lu Wei Jie na wala pa siyang laban sa ganoong klase ng Spirit Beast.

Ngumisi naman si Ning Xin, "Hindi naman kailangang dumihan ni Senior Lu ang kaniyang mga kamay. Hindi ba't may mga pumarito para tumulong?"

Naguguluhan si Lu Wei Jie.

"Ibig mong sabihin..."

Lumingon si Ning Xin sa batang nagdala ng balita at nginitian ito: "Sabihin mo sa mga lalaking iyon na mayroon tayong mas malaking mapa ng Battle Spirits Forest, at kung handa silang pumatay ng ilan pang mataas na uri ng Spirit Beasts para saatin, maaari natin silang gabayan sa kahit saang parte na gusto nila sa kagubatan."

Natigilan ang bata at nanigas sa kinatatayuan nito. Tumitig ito kay Ning Xin pagkatapos ay tumingin kay Lu Wei Jie.

Nagdadalawang-isip si Lu Wei Jie. Nangahas ang kanilang grupo na tumungo sa gitna ng Battle Spirits Forest dahil mayroon si Ning Xin ng kopya ng mapa ng Battle Spirits Forest. Ngunit mas malawak ang kanilang mapang hawak kaysa sa mapang minarkahan ng Zephyr Academy. Mukhang sasadyain ni Ning Xin na gamitin ang mapang iyon para tulungan ang mga kalalakihang iyon bilang kapalit ng pagpatay sa mataas na uri ng Spirit Stones.

"Bilis at umalis ka na. Ano pang hinihintay mo?" Utos ni Ning Xin.

Tumalikod naman ang bata at mabilis na tumakbo para sabihin iyon sa grupo ng kalalakihang kaniyang nakita.

Matapos umalis ng disipulo, naisip ni Lu Wei Jie na mahusay ang ideyang iyon ni Ning Xin, dahilan para makahakot ito ng papuri. Nahihiya namang tumawa si Ning Xin.

Si Yin Yan sa kabilang banda, ay naiwang nakakuyom ang mga palad habang masamang nakatingin sa likod ni Lu Wei Jie.

Ilang sandali lang ang nakakalipas at bumalik ang bata, sa likod nito ay ang sampu pang kalalakihan.

Balot na balot ng balabal ang mga lalaki at kung ikaw ay nasa malayoo, hindi mo makikita ang mga mukha nito. Ngunit kung titignan ang hulma ng katawan ng mga ito, pito sa kanila ay malalaki at mukhang malalakas. Kumpara sa mga disipulo ng Zephyr Academy, ang mga lalaking iyon ay nagtatangkaran.

"Senior Lu, Senior Ning, ito ang ating mga kaibigan na may kailangan sa mapa." Pagpapakilala ng bata.

Tinanggal ng lider ng grupo ang balabal nito. Napakatangkad nito na kailangan nila itong tingalain. Nasinagan ng araw ang gwapo nitong mukha, lalaking-lalaki at matigas ang itsura nito. Ang pinakanangibabaw sa itsura nito ay ang matatalas na mata nito. Pag ikaw ay tinitigan ay siguradong maiilang ka.

Nakatayo lang ang lalaki doon at hindi gumagalaw, ngunit nagbigay ito ng malakas na awra.

Si Lu Wei Jie naman na aroganteng nakatayo sa tabi nito ay dahan-dahang natutunaw ang yabang dahil sa presensiya ng lalaking iyon.

"Isa lang akong bantay ng ekspedisyong ito. Maaari niyo akong tawaging Escort Long." Saad ng gwapong lalaki na walang kahit anong ekspresyon sa mukha.

Nakapako ang mga mata ni Lu Wei Jie sa lalaki bago siya makabalik sa kaniyang ulirat. Agad niyang pinalis ang kaniyang pagkamangha kay Head Guard Long at pinilit na patigasin ang itsura na animo'y wala itong epekto sa kaniya. "Ako si Lu Wei Jie ng Zephyr Academy's Weapon Spirit Branch, at ito naman si Ning Xin."

avataravatar
Next chapter