967 Isang Malupit na Uri ng Paligsahan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dinala sa itaas ng battle platform ay dalawang Spirit Beasts. Ang katawan ng isa sa kanila ay

halintulad sa isang malaki at nakakatakot na tigre, ang buong katawan ay abuhin at itim, ang

hitsura nito ay malakas at makapangyarihan. Dalawang mahabang pangil ang nakasabit sa

labas ng panga nito at ang haba ay lagpas sa kaniyang pisngi. Kumpara sa tigre, ang Spirit Beast

na ito ay mas malaki.

At ang haharap sa malaking nakaktakot na tigre ay isang Spirit Beast na hindi inaasahan ng

kahit sino na makikita doon.

Ang kalaban na Spirit Beast ay isang mabalahibong bola at halos kasinglaki lamang ng isang

palad. Kung titignan ito ay mukha itong isang munting kuneho, ang kaibahan lang ay ang mga

tainga nito ay napakahaba at pabilog ang dulo, hindi tulad ng patusok na dulo ng isang normal

na kuneho.

Ang mukhang kuneho na Spirit Beast ay napakaliit at sa harap ng mabagsik na tigre ay tila wala

itong kalaban-laban. Ang kabuuan ng katawan nito ay hindi lalagpas ang laki sa kamay ng tigre

at nang dalhin ito sa battle stage, ang malaking tainga na kuneho ay nakatayo lamang sa

puwesto nito, ang mahabang tainga ay nakalaylay sa kaniyang gilid at ang malaking itim na

mata nito ay punong-puno ng takot na mapapansin dahil sa panginginig nito.

Napakaliit ng Spirit Beast na iyon, bakit ito dinala sa Spirit Beast Arena para makipaglaban?

Nang makita ni Jun Wu Xie ang kunehong may malaking tainga ay biglang nanlamig ang

kaniyang tingin. Nakakita na siya ng kunehong may malaking tainga sa Batlle Spirit Forest. Ang

mga iyon ay talagang matatakutin at kahit na sa mga mababang uri ng Spirit Beasts, ang mga

nilalang na ito ay namamalakaya sa pinakamalalim na parte kung saan sila'y ganap na walang

kakayahan sa anumang pagsalakay. Ang napakahinang ingay ay tumatakot sa kanila at ang mga

ito ay kumakain lamang ng mga halaman kaya't hindi nila kailangang mangaso ng pagkain.

Maaaring sabihin na ang malaking taingang kunheo ay ang pinakawalang silbi sa mga Spirit

Beasts. Ang mga Spirit Beast na tulad nito ay hindi magagawang makipaglaban sapagkat hindi

rin nito magawang sumalakay.

Sa mga sandaling iyon, ang tanging nagawa ng naguguluhang kuneho ay itago ang sarili nito sa

battle platform dahil sa matinding takot habang walang tigil sa panginginig ang katawan nito.

Dala ng matinding takot, ang dalawang mabalahibong kamay ay niyakap ang mahahabang

tainga nito, natatakpan ang mga mata, at hindi nangahas na tingnan kahit isang beses ang

mabagsik na tigre.

"Ano ito? Isang walang kwentang Spirit Beast at talagang may nagdala nito dito upang

makipaglaban?"

"Matapos kong maghintay ng buong araw at abangan ang isang magandang laban. Walang

nakakasabik sa laban na tulad nito."

Ang mga tao sa loob ng Spirit Battle Arena ay nagsimulang magkantiyaw. Wala silang pakialam

kung anong mangyayari sa kuneho. Ang tanging nasa isip nila ay magiging nakakabagot ng

paparating na laban.

"Kahit ang isang Spirit Beast na tulad nito ay pinapayagang isali sa labanan?" tanong ni Jun Wu

Xie habang nakasimangot na tumingin kay Qing Yu.

Saglit na nautal si Qing Yu. "Ito… Ito ang unang pagkakataon na nakakit ako ng isang kuneho sa

Spirit Beast Arena. Ang patakaran ng Spirit Beast Arena ay nagbabawal lamang sa mga Spirit

Beast na hindi pa husto ang gulang na makipaglaban, ngunit hindi sinabi na ang isang hustong

gulang na Spirit Beast tulad ng kuneho ay hindi pwedeng isali..."

Ang layunin ng Spirit Beast Arena ay payagan ang mga tao na ipakita ang kapasidad nila sa

pagpapaamo ng mg Spirit Beasts at hindi itaguyod ang pagpatay. Samakatuwid, ang mga spirit

Beasts na wala sa hustong gulang ay hindi papayagan na dalhin sa Spirit Beast Arena. Ang

patakaran ng Spirit Beast Arena ay alam ng mga guwardiya doon, kaya malinaw na ang kuneho

na nasa battle platform ay isang Spirit Beast na nasa hustong gulang.

Ngunit…

Sino ang magnanais na dalhin dito ang isang Spirit Beast na hindi nagtataglay ng kahit kaunting

katapangan sa labanan at ilaban ito sa loob ng arena?

Hindi ba't dadalhin lamang ito sa kaniyang kamatayan?

Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie at ang kaniyang sulyap ay lumipat sa binatang may dala ng

kuneho papunta sa entablado. Ang binata ay mukhang nasa katorse o kinse anyos lamang,

pareho sa kaniyang edad. Matapos ilagay ang kuneho sa entablado ay mabilis sa siyang umalis

palabas ng battle platform, walang bahid ng awa sa kaniyang mukha, sa halip ay isang

kaluwagan ang mapapansin dito.

Ang Thousand Beast City ay may patakaran. Ang sinumang wala pa sa tamang edad ay maaari

lamang mag-alaga ng isang Spirit Beast. Hindi alintana kung ito man ay ang hamak na kuneho,

ang patakaran ng Thousand Beast City ay mariing nagbabawal din sa kahit sino na

abandonahin o patayin ang alagang Spirit Beast. Samakatuwid, ang binatang iyon ay nakabuo

ng masamang ideya, ang itapon sa Spirit Beast Arena ang walang kalaban-laban na kuneho at

hayaan itong mapaslang doon!

avataravatar
Next chapter