915 Intricate Plot (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mapait na tumawa si Lei Chen at umiling. "Hindi sa ayokong gawin iyon. Kundi dahil sa pinaghihinalaan ako ni Papa na itinatago ko si Little Brother Jun at hangga't hindi pa nahahanap si Jun Xie, hindi ako pwedeng magdala ng kahit na sino sa Imperial Palace. Ibang kaso sa inyo, Hall Chief Xiong. Maniwala ka sakin, kailangan niyo lang gawin iyon ipinapangako kong mayroong magbabayad para sa utang ng aking Ama sa inyo."

Kumunot ang noo ni Xiong Ba. Kung hindi sila magkakagulo ng Fire Country, handa siyang tulungan si Jun Xie.

Hindi na matiis ni Qu Ling Yue na manataling tahimik. Inignora niya ang paulit-ulit na pagpapatahimik sa kaniya ni Xiong Ba sa pagkakataong ito. Agad siyang nagsalita at sinabing: "Ibig mo bang sabihin Senior ay naririto lang sa Crown Prince's Residence si Young Master Jun?"

Tumango si Lei Chen.

Agad na sumagot si Qu Ling Yue: "Pumapayag kami sa suhestiyon niyo Senior!"

Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Xiong Ba. "Young Miss! Ikaw!"

Nagmamakaawang tumingin si Qu Ling Yue kay Xiong Ba. "Uncle Xiong, ang lahat ng nangyayari ay nagsimula saakin. Hindi ba't sinabi niyo noon dati na sumusobra na ang Fire Country at kaya lang naman tayo nagtitimpi dahil sa lakas nila. Pero ngayon, binibigyan tayo ng pagkakataon na tulungan si Young Master Jun kasabay na ng pagkamit ng hustisya saking dinanas. Ngayon ano ang sapat na dahilan para hindi natin gawin iyon? Maliban na lang kung...kaya mong tiisin at magtimpi na lang sa lahat ng nangyari?"

Habang nagsasalita si Ling Yue ay namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.

Nahabag naman si Xiong Ba nang kaniya iyong makita at agad na inalo ang babae. Dahil sa pag-iyak na iyon ni Ling Yue ay tuluyan na ngang bumigay si Xiong Ba at pumayag sa nais nito.

"Sana ay pag-isipan niyo itong mabuti kamahalan. Kahit na taos-puso ang kagustuhan ng aming Young Miss na tumulong, ayaw pa rin naming lumaki ang problemang ito sa hinaharap." Pag-ulit ni Xiong Ba sa kaniyang layunin.

Agad namang tumango si Lei Chen.

"Kung gayon...dapat ba naming ilayo muna si Young Master Jun dito?" Tanong ni Qu Ling Yue.

Agad na tumango si Lei Chen at tumingin sa isang sulok sa kaniyang likuran.

Sinundan naman ni Qu Ling Yue at Xiong Ba ang tinignan ni Lei Chen. Sabay silang nanigas sa kanilang kinatatayuan nang kanilang makita ang bagay na iyon!

Makalipas ang dalawang oras ay lumabas na sina Xiong Ba at Qu Ling Yue sa Crown Prince's. Maingat naman silang pinanood ng mga Imperial Guards na nagbabantay sa labas para tignan kung may dumagdag ba silang kasama. Ngunit ang tanging nakita lang nila ay isang tupa na karga ni Qu Ling Yue sa kaniyang bisig.

Nang makasakay na si Qu Ling Yue sa karwahe ay agad niyang hinaplos ang tupa na nasa kaniyang bisig.

Bakas pa rin sa mga mata ni Xiong Ba ang gulat. 

"Young Master Jun..." Bahagyang nanginginig ang boses ni Xiong Ba nang kaniya iyong sambitin.

"Qu Ling Yue." Saad ng babaeng nasa harap ni Xiong Ba.

"Maraming salamat Hall Chief Xiong." Saad ng isang malamig na tinig galing sa bibig ni "Qu Ling Yue."

Napalunok si Xiong Ba. Pilit niyang sinusubukang maging pamilyar kay "Qu Ling Yue."

Sa loob ng Crown Prince's Residence, nagpalit ng damit pang-katulong. Ngayon, siya ay nasa mesa at umiinom ng tsaa kasama ni Lei Chen. DUmungaw ito sa labas ng bintana. "Sana ay magtagumpay si Young Master Jun sa kaniyang plano." marahang saad ni Qu Ling Yue. 

Nang makita ni Xiong Ba at Lei Chen na nagpalit ng katauhan si Jun Xie at Qu Ling Yue, hindi nila inaasahang magiging magkamukha sila. 

Pinasuot ni Qu Ling Yue ang kaniyang damit na suot kanina kay Jun Xie. Saka ito umalis kasama ni Xiong Ba bilang si Jun Xie.

avataravatar
Next chapter