914 Intricate Plot (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Si Little Brother Jun ay idineklarang kriminal ng Imperial Guard Army! At siya ngayon ay tinutugis!"

"Ano!?" Nanlalaki sa gulat ang mga mata ni Xiong Ba.

"Paano nangyari 'yon? Hindi ba't dumalo pa lang si Young Master Jun sa state banquet noong isang gabi at ngayon..." Bulalas ni Qu Ling Yue sa sobrang pagkagulat. Nakatakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bibig..

Nagpatuloy si Lei Chen: "Ang bagay na ito ay may koneksyon sa insidente noon kay Ling Yue. Hindi ko alam kung saan narinig ni Papa na inimbitahan ni Jun Xie dito si Young Miss Jun. Dahil sa paggaling ni Ling Yue, nasira ang plano ng aking Ama. Hindi niya na magamit si Ling Yue para sa kaniyang sariling kapakanan. Kaya naman nagdesisyon siyang ibunton ang kaniyang galit kay Jun Xie sa pamamagitan ng pagbintang sa kaniya na sinaktan niya kuno ang Fourth Prince. Pero kagabi ay kakagaling ko lang sa Empress' Place at nalaman kong wala namang natamong pinsala si Lei Fan. Malinaw na gumagawa lang ng dahilan ang aking Ama para mapatay niya si Jun Xie!"

Gulat na gulat sina Xiong Ba at Ling Yue dahil sa sinabing iyon ni Lei Chen. Totoo ngang noong magsimula silang magduda sa kalagayan ni Ling Yue ay bigla na lang pinatay si Imperial Physician Li. Kahit na hindi nakarating sa korte ang nangyari, Nahuhulaan na nila Xiong Ba kung ano talaga ang tunay na nangyari.

"Nagigipit ngayon si Young Master Jun dahil saakin!" Bakas ang lungkot at pag-aalala sa mukha ni Qu Ling Yue. Noong may mangyari sa kaniya ay si Jun Wu Xie ang sinisisi. Ngayon, dahil sa gusto siya nitong iligtas, muli nanamang nalagay sa panganib si Jun Xie.

Lihim na inobserbahan ni Lei Chen ang reaksyon ni Xiong Ba at Qu Ling Yue. Doon ay nagsimula siyang makahingi ng maluwag.

Ang kaniyang mga sinabi ay kalahating totoo. Hindi naman basta-bastang mahuhulaan ng mga tao na kaya siya pinaghahanap ngayon ay dahil sa singsing na nasa kaniyang kamay.

Inimbitahan pa mismo ng Emperor si Jun Xie na dumalo sa state banquet noong isang gabi. Ngunit bigla na lang nag-utos ang Emperor na patayin si Jun Xie kinabukasan. 

Kaunting salita lang ang binago ni Lei Chen at nagawa nitong ibato ang dahilan ng pagpatay kay Jun Xie kay Qu Ling Yue. Malabong malaman ng ganun-ganun na lang nina Xiong Ba ang tunay na dahilan ng Emperor sa kaniyang pagpapatay kay Jun Xie. Hindi niya hahayaang malaman ng kahit na sino na dahil iyon sa Ring of Imperial Fire na nasa kamay ni Jun Xie!

'Di nagtagal ay tuluyan na ngang nakumbinsi si Xiong Ba at Qu Ling Yue. Dahil sa pinagtagpi-tagping pangyayari ay hindi talaga mahirap na paniwalaan ang kaniyang sinabi.

"Hindi ko maatim na pinaghahanap ngayon si Jun Xie at wala man lang akong magawa. Sa katunayan niyan, ako ay lihim na binabantayan ng mga Imperial Guard Army kahit pa ako ang Crown Prince. Kaya naman inimbitahan ko kayo dito para tanungin kung hihingin niyo ba ang hustisya kung kayo ay mabibigyan ng pagkakataon?" Muling tanong ni Lei Chen.

Magsasalita sana si Qu Ling Yue nang siya ay pigilan ni Xiong Ba.

"Nadamay ang inosenteng si Jun Xie dahil saamin. Pero Kamahalan, dapat niyo itong malaman. Walang intensyon ang Thousand Beast City na kalabanin ang Fire Country. Matutulungan namin si Brother Jun na makatakas sa Fire Country, bukod doon, ikinalulungkot kong sabihin na wala na kaming ibang magagawa." Kahit na malaki ang pasasalamat ni Xiong Ba sa naitulong sa kanila ni Jun Xie, sa isang banda ay kailangan niya pa ring isipin ang buong Thousand Beast City. Bilang isa sa Clan Hall Chiefs, kailangan niyang mag-isip ng mabuti.

Hinawakan ni Qu Ling Yue ang manggas ng damit ni Xiong Ba. Mukhang may nais itong sabihin ngunit muli siyang pinigilan ni Xiong Ba.

Pinagmamasdan pa rin ni Lei Chen ang reaksyon sa mga mukha nina Qu Ling Yue at Xiong Ba, sa loob-loob niya ay nagdidiwang na ang kaniyang damdamin pero hindi niya iyon maaaring ipahalata.

"Mukhang hindi ako naintindihan ni Hall Chief Xiong. Wala kayong ibang gagawin kundi ang dalhin si Little Brother Jun sa Imperial Palace." Saad ni Lei Chen.

"Dalhin sa Imperial Palace? Tungkol diyan mukhang mas kayo ang may kakayahan na gawin iyon." Nag-aalalangang saad ni Xiong Ba.

avataravatar
Next chapter